Carlene Aguilar does not want to meddle with ex-boyfriend Dennis Trillo's lovelife

"Basta kung saan masaya si Dennis, okey lang sa akin. Basta hindi apektado yung work niya. Kasi, wala na rin naman akong say kasi ganoon din naman siya sa akin. Kasi ang ano na lang namin talaga, yung baby namin. Ganoon na lang talaga," says Carleen Aguilar about Dennis Trillo.


Nakapasok agad sa Top 20 ang beauty queen turned actress na si Carlene Aguilar sa FHM's Sexiest Women in the World 2009 kahit new entry pa lang siya this year. Katuwiran ni Carlene, ngayon lang din kasi siya na-expose sa FHM dahil noong January 2009 lang naman siya nakapag-cover dito.

"Never pa ako in the past. Kaya nga natawa rin ako dahil kung kailan nagkaanak ako, doon naman ako nag-cover girl," nakangiting sabi ni Carlene nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng World Trade Center noong July 9 para sa victory party ng FHM Sexiest Women in 2009.

Nakita raw ni Carlene ang July 2009 issue ng FHM with Aubrey Miles on the cover. May dalawang anak na si Aubrey kaya napabilib daw talaga si Carlene sa ginawang posing ng sexy actress. On Carlene's part, magagawa rin kaya niya ang posing na ginawa ni Aubrey, kung saan putik lang ang tumatakip sa dibdib nito?

"Hindi ko pa alam," sagot ni Carlene. "Siguro kung magkakaroon ako ng dalawang anak, titingnan ko kung makakaya ko ba yung gawin. Kay Aubrey kasi, nude, e. So, hindi ko sure kung kaya ko ba, hindi ko pa alam. Siya kasi, talagang ang sexy!"

Sa isang taon ba, inaasam niya na sana ay mas tumaas pa ang ranking niya sa FHM's Sexiest Women?

"Hindi naman, okey na sa akin yun. Hindi naman kailangang galing sa ibang tao para isipin mo na sexy ka, e. Kahit sa sarili mo, isipin mo na sexy ka. Ako naman, kahit nasa 100 pa ang ranking ko, okey lang din sa akin."

DENNIS TRILLO. Pagkatapos ng naging relationship ni Carlene kay Dennis Trillo, tila mas lalo pang nagiging controversial ang lovelife ng ama ng kanyang anak na si Calix Andreas. Kailan lang ay lumabas sa mga balita na recently lang pala nag-break sina Dennis at Cristine Reyes. Ano ang masasabi ni Carlene dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Recent ba?" tila naguluhan din niyang sagot. "Ewan ko...ayoko na kasing makialam sa ganoon, e. Basta kung saan masaya si Dennis, okey lang sa akin. Basta hindi apektado yung work niya. Kasi, wala na rin naman akong say kasi ganoon din naman siya sa akin. Kasi ang ano na lang namin talaga, yung baby namin. Ganoon na lang talaga."

Napag-uusapan ba nila yung tungkol sa relasyon ni Dennis kay Cristine?

"Minsan, kuwentuhan... Kasi, friends na rin naman kami."

Alam niya rin ba na sina Cristine at Dennis pa rin pala kahit sinasabi nilang nag-break na sila noon?

"Hindi ko alam, e. Basta, nagkukuwento lang siya [Dennis]. Sabi lang niya na wala na sila. Ganoon."

Parehong um-attend ng victory party ng FHM sa World Trade Center sina Carlene at Cristine, na nanguna sa listahan this year. Pero ayon kay Carlene, hindi raw sila nagkaroon ng chance na magkita pa kahit pareho silang nasa backstage ng World Trade Center.

"Okey lang naman, civil. Hindi ko pa naman siya nakikita ulit."

Ano naman ang masasabi ni Carlene na ngayon naman ay nali-link si Dennis sa young actress na si Pauleen Luna?

"Siguro kasi, kasama niya sa Adik Sa 'Yo. Ganoon naman, e, di ba?" sabi ng dating Bb. Pilipinas-World.

Kung si Dennis ay tila nagiging masalimuot ang nagiging relasyon, si Carlene naman daw ay happy sa kanyang lovelife. Sa katunayan, um-attend din ng victory party ng FHM's Sexiest Women ang boyfriend ni Carlene na si Yo Ocampo.

"Happy ako ngayon sa lahat ng aspect," sambit niya.

May advice ba siya for Dennis?

"Take your time, enjoy mo muna kung anuman ang meron ka or kung nasaan ka. Kasi okey ang trabaho niya, okey ang career niya. So, i-enjoy mo yun," sabi ni Carlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN