Dingdong Dantes is still in search of "Jodi" for Stairway To Heaven

Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg">

Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg">

"Ako kasi, nagtitiwala ako sa kanila, e. Just the same way na nagtitiwala ako na kinuha nila ako for my role. I'm sure that they will really find someone that will fit for the role of Jodi," says Dingdong Dantes, who will play the role of Cholo in the Pinoy adaptation of the hit Koreanovela Stairway To Heaven.


Masuwerte si Dingdong Dantes dahil kung tutuusin, hindi lang siya nakatali sa isang field—ang pagiging aktor. Isa sa kinumusta sa aktor during the pictorial of Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme noong Sabado ng gabi, July 11, ay ang pagiging direktor. Bukod sa ilang shows ng GMA-7, gaya ng Kakabakaba Adventures, ay nakapagdirek na rin ng pelikula si Dingdong, ang isang episode ng trilogy movie na Angels, kung saan na-nominate pa siyang Best Director sa Star Awards for Movies.

Isinantabi muna ba niya talaga ito para mag-focus sa pagiging aktor? Si Piolo Pascual kasi na isa sa mga producer ng Kimmy Dora ay pinagsasabay ang pagiging actor at film producer.

"Hindi naman," sagot ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi ako, habang may iba't ibang roles akong ginagampanan, hindi ko masasabing nagpapahinga ako. Pero yung mga karanasan ko, experiences ko, lahat yun, e, tuturuan ako lalo na maging isang mabuting director later on."

Ayon kay Piolo, nagpapasalamat siya na merong "word of honor" si Dingdong to still be part of Kimmy Dora. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Oo naman, isa 'yan sa kayamanan ko. May word of honor," nakangiti niyang sabi.

THE DINGDONG EXPERIENCE. On his first all-music video album under Universal Records, may idinirek din ba siya rito?

"Ah, hindi, may mga magagaling na director na kinuha for the album."

The Dingdong Experience ang title ng album. May nagbiro kay Dingdong na ano raw bang "experience" ang tinutukoy sa album niya dahil iba naman ang meaning nito sa iba.

Natawa si Dingdong sabay sabi na, "Sa totoo lang, kailangan talaga na yun ang isipin n'yo at mabe-verify n'yo yun after experiencing it. Hindi ko puwedeng i-elaborate kasi masyadong kumplikado. Naks!"

Special daw sa kanya ang ginawang album.

"Oh yes, definitely, especially for me because it's a new, fresh opportunity for me. Kumbaga, hindi ko naman sinasabi na lilipat na ako ng field or what, but this is a bonus for me as an artist. It is an extra opportunity for me to make people happy," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAIRWAY TO HEAVEN. Isa pang kinumusta kay Dingdong during the pictorial shoot for Kimmy Dora—na this September 2 na raw ang playdate and will be distributed by Star Cinema—ay ang kanyang bagong series sa GMA-7, Stairway To Heaven. Hanggang ngayon, wala pa rin sinasabi ang Kapuso network kung sino ang magiging leading lady niya among the list of female celebrities na lumalabas.

Ano na nga ba ang balita rito?

"Wala pa rin, wala pa rin," sabi ni Dingdong. "Kumbaga, as much as the public is interested to know kung sino na, e, ako rin, hindi ko pa rin alam."

Isa rin sa pangalang lumalabas ay si Cristine Reyes, na kung matutuloy raw ang pagbabalik nito sa GMA-7 ay posibleng ito ang makapareha ni Dingdong. Ano ang masasabi ng aktor dito?

"Ngayon ko lang narinig yun. I'm sure the list will always grow and grow and grow hangga't wala pang finality, di ba? Pero siyempre, naniniwala akong masusi talagang sinusuri ng GMA 'yan kasi mabigat ang role talaga. May mga qualification talaga 'yan and, I'm sure, ginagawan talaga nila ng paraan yun."

May say ba siya sa proseso ng pagpili kung sino ang makakatambal niya sa Stairway To Heaven?

"Depende kung bibigyan nila ako ng option. Kung tatanungin nila ako. Pero sa ngayon, wala pa naman silang tinatanong."

Kung siya ang masusunod, gusto niya bang choice niya ang maging susunod na leading lady niya?

"Ako kasi, nagtitiwala ako sa kanila, e. Just the same way na nagtitiwala ako na kinuha nila ako for my role. I'm sure that they will really find someone that will fit for the role of Jodi," sabi ni Dingdong.

So, mas gugustuhin niya na sila na ang management na lang ang pumili?

"Oo, sila rin ang pumili sa akin, e. Ayoko rin naman na ibang tao lang din ang pipili sa akin. It has to go to a process and I trust these people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero siya, may naa-eye rin ba siya na feeling niya ay okay maging leading lady niya?

"I'd rather not kasi ayokong ma-disappoint and ayokong dalhin ang disappointment na yun sa show na gagawin namin. Gusto ko, wala akong masamang feeling about anything. Gusto ko, fresh lahat," sagot niya.

As early as now, may pressure na ba siyang nararamdaman, lalo pa nga't ang Stairway To Heaven ang isa sa highest rating Korean soap na ipinalabas dito sa Pilipinas?

"Yeah, and I like it," nakangiting sabi niya. "But I'm sure, my manager Perry Lansigan will take care of it."

Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg">


Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg"> Stairway To Heaven" data-url="https://www.pep.ph/news/22445/dingdong-dantes-is-still-in-search-of-jodi-for-stairway-to-heaven" data-desc="Dingdong also talks about "Kimmy Dora" and "The Dingdong Experience."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/822f0d887.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN