Billy Crawford says he has "great communication" with girlfriend Nikki Gil

"Kami kasi ni Nikki, we have a great communication. We're happy, I'm happy, and I hope Nikki is happy also. It's hard lang nung medyo malayo siya for a past couple of weeks, in the States. Medyo mahirap yung communication, but no, we're fine," says Billy Crawford about girlfriend Nikki Gil.


Sa kabila ng pagsasabing maayos ang itinatakbo ng kanilang relasyon, may lumabas pa ring balita na madalas raw ang tampuhan at away ngayon ng magkasintahang Billy Crawford at Nikki Gil.

Ayon sa mga balita, simpleng mga argumento na minsan daw ay nauuwi sa malalimang tampuhan ang nangyayari kina Billy at Nikki. Hindi man natukoy ang dahilan ng "lovers' quarrel" ng magkasintahan, marami ang nag-aalala na baka magtuluy-tuloy ito at mauwi rin sa breakup.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Billy sa nakaraang PLDT Boost Negosyo sa NBC Tent, kung saan isa siya sa naging guest, inamin ng international singer na totoong may mga tampuhan sila minsan ng girlfriend. Pero hindi raw ito matindi gaya ng nababalita.

"Hindi maiiwasan na sa kahit na anong relationships ka, may misunderstandings or arguments dahil hindi naman eksakto ang utak namin. Minsan medyo matigas din ang ulo ko, but it depends naman on what situation it is. 'Saka ako yung tipo ng tao... Marami din naman ang nagtampo before sa akin. No matter what issue it is, ako, gusto kong harapin that day and ayusin. May mga ibang mga tao naman, it takes time o cool off, na relax muna.

"Pero kami kasi ni Nikki, we have a great communication. We're happy, I'm happy, and I hope Nikki is happy also. It's hard lang nung medyo malayo siya for a past couple of weeks, in the States. Medyo mahirap yung communication, but no, we're fine," sabi ni Billy.

Kung uso ang mestiza sa iba nating mga young stars, nahahanay naman si Nikki sa mga morena beauty na ganda raw talaga ng tunay na Filipina. Since usung-uso sa mga young actresses natin na nagpo-pose sa men's magazines, papayagan kaya ni Billy ang girlfriend to pose for a sexy pictorial?

"Hindi ko makita ang girlfriend ko na naka-bra at panty lang sa isang magazine," sabi ni Billy. "Hindi ko medyo kaya, pero it's still her choice, buhay niya yun. Career naman niya yun, that's for her to decide with her family. Kung saan naman siya, sinusuportahan ko siya. If she's comfortable doing it, she's beautiful, she's gorgeous, I'll support her. That's why I'm here for her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONCERT WITH AKON. Bukod sa pagiging mainstay sa musical variety show ng ABS-CBN na ASAP '09, marami pang pinagkakaabalahan si Billy. Isa na nga rito ang concert ni Akon na na-move in October.

"I have a concert this October with Akon, this was re-scheduled because of the A(H1N1). Being outside of the country tapos pupunta dito, walang quarantine. In-house quarantine lang ang nandito, natakot sila. They're just being cautious kasi mahirap ang panahon ngayon. It's supposed to be this July, but minove nila this coming October 23. Same venue pa rin, Araneta."

Dagdag niya, "I do have shows for my album, Groove. After that, I have taping for MMK [Maalaala Mo Kaya] with Nikki soon. We're also trying to put up a concert for me, I don't want to promote what date, basta malapit na, may surprise ako sa Pinas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN