Ogie Alcasid recalls his summers in Taal, Batangas

Ogie Alcasid was the one who suggested that some of the scenes of his movie with Judy Ann Santos be shot in St. Martin De Tours Basilica in Taal, Batangas, where the singer-songwriter and former wife Michelle Van Eimeren were wed.


Sa simbahan ng Taal, Batangas ikinasal sina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren noon. Pero ang tunay na rason kung bakit nag-suggest si Ogie na doon mag-shoot ng ilang eksena ng OMG! (Oh My Girl!), ang movie nila ni Judy Ann Santos para sa Regal Entertainment, ay hometown ito ng mga magulang ng singer-comedian-TV host.

Regular naman daw nakakadalaw si Ogie sa Taal, lalo na ang kanyang mga magulang na three times a week ay naroroon. "Pero ako," ani Ogie, "hindi ako doon lumaki; sa Manila. Hindi din ako doon ipinanganak. Pero noong bata pa ako, kapag summer, pumupunta kami doon with my mom and my dad kasi nga taga-doon sila.

"Nung buhay pa yung lola ko, dun ako. Itinatapon ako ng mga magulang ko sa lola kapag summer, halos every summer!" natatawang kuwento ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal)

Kadalasan daw ay two to three months kung magbakasyon noon si Ogie sa Taal, kung saan ang mga magulang niya ang nagmamay-ari ng Rural Bank of Taal.

"Mag-impok po kayo dun!" pagpa-plug pa ni Ogie ng bangko nila. "Parents ko may-ari nun, hindi ako. Tagapagmana lang ako!"

Going back to the church na pinagkasalan nila ni Michelle years ago, ang St. Martin De Tours Basilica, doon din ba sila ikakasal ng girlfriend niyang si Regine Velasquez kung saka-sakali?

"Hindi ko puwedeng pag-usapan 'yang mga bagay na 'yan. Pagka okay na," iwas niya.

Kailan ba magiging okay ang lahat?

"Hindi ko alam kung kailan, e," maikling sagot ni Ogie.

Kapag naikasal na ba si Michelle sa fiancé nitong si Mark Murrow ay okay nang pag-usapan ang tungkol sa future plans nila ng Asia's Songbird?

"Hindi din, e! Kapag annulled na ako, 'tsaka ako puwedeng tsumika-to-death nang bonggang-bongga!" natatawang sabi ni Ogie.

WORKING WITH FRIENDS. On a different note, happy si Ogie sa working conditions nila ni Judy Ann at ng direktor nilang si Dante Nico Garcia for OMG!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking bagay yung mga kaibigan mo na, tapos nakakatrabaho mo pa. Nakakatuwa, parang hindi ka nagtatrabaho. Parang naglalaro ka lang, tapos in between takes, madami kaming napapag-usapan. Like, kung paano ang pagpapalaki ng anak, sa lovelife...

"Basta kahit hindi kami nagsu-shooting, nagkikita kami niyan, nagba-bonding kami niyan—si Ga [Direk Dante], si Joyce [Bernal], si Ryan [Agoncillo, Juday's husband], magkakasama kami. Ang sarap kapag may kaibigan kang galing showbiz," pagwawakas ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN