James Yap surprises Kris Aquino on their fourth wedding anniversary

"When I got up to the room, in-on niya yung light sa closet. Tapos sinabi niya, parang ang ingay ng aircon, kasi bagong linis ang mga aircon. Tulog na si Baby James. Tapos sabi niya, halika. Tapos, nandun na, may malaking box na naghihintay doon," narrates Kris Aquino about the anniversary gift of husband James Yap.


Bagama't hindi na natuloy ang plano sanang mag-abroad ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap para i-celebrate ang kanilang fourth wedding anniversary lasy July 10, nagawa pa ring sorpresahin ni James si Kris nang magbigay siya ng mamahaling regalo.

Last Sunday, July 12, ibinahagi ni Kris sa The Buzz ang naging sorpresa sa kanya ni James.

"When I got up to the room, in-on niya yung light sa closet. Tapos sinabi niya, parang ang ingay ng aircon, kasi bagong linis ang mga aircon. Tulog na si Baby James. Tapos sabi niya, halika. Tapos, nandun na, may malaking box na naghihintay doon.

"Yung mga kapatid ko ang sobrang na-happy kasi ikinuwento ko sa kanila. And they knew... Kasi parang, they all texted James to say thank you na 'pina-happy mo yung sister namin.' Sinabi ko, I really appreciate it, hindi because of the value. Although, sobrang bongga naman talaga. Ang parang sinabi ko, 'Thank you kasi inisip mo kung ano yung magpapa-happy sa akin.' So, I said thank you for that," pahayag ni Kris.

Hindi na ini-reveal ni Kris on air kung ano ang mamahaling regalo sa kanya ni James dahil baka raw magalit ang mommy niya kapag napanood ito at sabihin na naman na "very maluho" siya. Ang tanging sinabi na lang ng co-host ni Kris na si Ruffa Gutierrez ay ang kulay ng naturang regalo—pink.

Matatandaang July 10, 2005 sa tahanan ni Boy Abunda sa Quezon City naganap ang pag-iisang dibdib nina Kris at James in a civil ceremony. Taong 2006, masayang ipinagdiwang nina Kris at James ang kanilang first wedding anniversary sa tahanan nila. Sa second year of marriage naman nila last 2007 ay dumating sa buhay nila si Baby James. Last year, sa third wedding anniversary nila, isang sorpresang romantic dinner date ang inihanda ni James para kay Kris sa Edsa Shangri-La.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ngayong taon, sa kanilang fourth wedding anniversary, isang regalo nga ang sorpresa ni James kay Kris. Hindi na sila nag-celebrate nang magarbo kasama na ang sana'y vacation trip sa abroad. Kasalukuyang nasa ospital kasi ang ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino dahil sa sakit nitong colon cancer.

CORY'S GUIDANCE. Sa loob ng apat na taon nilang pagsasama ni James, malaking bagay raw ang paggabay sa kanila ni Cory Aquino.

"May mga times na nagpa-fight-fight kami, ganun. Kasi sa kadaldalan ko naikukuwento ko pa sa mom ko 'yon. And then yung mom ko ang nagsasabi na, 'You have to pray, you have to work it out,'" kuwento ni Kris.

And for four years, mas naging matatag daw sila para sa isa't isa at marami raw silang natutunan ni James sa kanilang pagsasama.

"Sa kanya lang kasi ako puwedeng mag-breakdown nang husto," sabi ni Kris. "Siya yung nakaka-witness na bago matulog, umiiyak ako. Yung ganun, na parang wala naman siyang magawa kundi hinahaplos niya lang yung likod ko. Hinahayaan lang niya ako.

"In marriage, in partnership, when you see that your partner is weak, that's when you try to strengthen your partner. Or pag nakita mo na nalulungkot yung partner mo, mag-e-effort ka talaga na matulungan na mabawasan yung kalungkutan. In that sense, I think pareho kaming nag-mature talaga."

Paano ba siya sinusuportahan ni James sa difficult times sa buhay niya, lalo na ngayong nasa ospital ang ina niyang si Mrs. Aquino?

"We were there. He normally... Apart from practice also, he tries to spend all the time in the hospital with me and the kids. And then, 'pag sobrang ingay na ni Baby James... Kasi ang mom sinasabi, ang ingay ng maliit, nilalabas niya tapos ibinabalik.

"You know, collectively as family also, ang maganda siguro, we're all there for her. Presence talaga and just making her feel the love and conveying to her how much the love is. Ang sinabi lang ni James talaga, alam mo pinagpe-pray ko talaga na humaba pa ang life ng mom mo kasi kakampi ko siya talaga," sabi ni Kris tungkol sa closeness nina James at Cory Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN