Kris Aquino clarifies some details about her mom Cory Aquino's medical condition

"I think now kapag tumitingin ho ako and I look back, and I look at her now, sinikap niya yung lahat ng operation, yung lahat ng chemotheraphy, lahat ng gamot. It's not just for our family lang or for her children. But she did it for the Philippines. Siguro because nararamdaman din niya na tayo as a country, we're not yet ready to let her go. But we still need her very much. Pero siguro ang masasabi ko lang sa inyong lahat, hindi masama to ask for a miracle. To pray to God for h


Ilang bagay ang binigyang-linaw ni Kris Aquino sa The Buzz last Sunday, July 12, tungkol sa kalagayan ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino, na ngayon ay nasa ospital pa rin dahil sa sakit nitong colon cancer. Ngunit hindi katulad ng emotional statement ni Kris last July 5, this time ay kalmado si Kris habang inihahayag niya ang kanyang saloobin.

"My sisters told me na I have to clarify a few things. Number one, kasi medyo mali yung ibang news reports na lumalabas about mom that she was the one who refused further medication and chemotheraphy. Mom has never refused. Klaruhin lang po namin 'yon. Kasi hindi lang kaya ng katawan niya at this point. Di ba, ang chemo parang kailangan malakas ka? So, hindi mo naman puwedeng ipilit to somebody who's very weak.

"Secondly, today, we had Mass in my mom's room, just the entire family with our family friends and si Father Arevalo. Mom received communion and when Father Arevalo said in the short Homily in the Mass, parang ang buong Pilipinas today collectively nagdasal for her, nag-Mass. Naluha ang mom, but I think it was tears of joy kasi parang yung feeling siguro na ang dami-dami talagang nagmamahal. Kasi we read all the text messages to her. We read the newspaper to her. Parang isini-share namin lahat ng goodwill and she knows na every meal that I'm there, talagang parang kulang na lang magpa-catering kasi sa dami ng nagpapadala ng food. Maraming-maraming salamat po!" mahabang pahayag ni Kris.

ROLLER-COASTER SITUATION. Aminado si Kris na mahirap talaga ang sitwasyon na ito para sa kanilang pamilya.

"You know, it's a roller coaster," sambit niya. "There are days talaga na naiiyak kaming lahat. There are days na humuhugot kami ng lakas. There are days like we just surrender everything to God. So, ang gusto ko lang hong ipaabot sa inyong lahat, kasi noong nag-announce po kami na may sakit ang mom, wala naman po sa mind naming lahat, at hindi kami ever pinapaniwala ng mga doktor na there's a cure. Because at this point, yung cancer ng mom, wala pa namang naiimbentong cure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa rin daw sila nawawalan ng pag-asa at patuloy silang sumasandig sa Diyos.

"But siguro like any other family, we wanted to try everything," sabi ni Kris. "And we must give my mom credit kasi she would always say, 'Ginawa ko naman ang lahat ng yun para sa inyo.' I think now kapag tumitingin ho ako and I look back, and I look at her now, sinikap niya yung lahat ng operation, yung lahat ng chemotheraphy, lahat ng gamot. It's not just for our family lang or for her children. But she did it for the Philippines. Siguro because nararamdaman din niya na tayo as a country, we're not yet ready to let her go. But we still need her very much. Pero siguro ang masasabi ko lang sa inyong lahat, hindi masama to ask for a miracle. To pray to God for healing, di ba?"

PRAYING FOR ACCEPTANCE. Nagdarasal din daw sila sa Diyos upang bigyan sila ng lakas ng loob na tanggapin kung anuman ang maaaring mangyari.

"Pero ang mas maigi yata na napapaniwala na sa amin at napatanggap na ng mga pari na close sa amin, na i-surrender na lang natin, di ba? I mean, give everything to God, because God is the one who would know what is best. Yung parang collectively siguro yung buong Philippines naman, you've been praying for mom to be healed. Thank you very much. But maybe, all of us should pray na... Kasi kami in the family ito, e. We pray, God give us acceptance. For what Your will is. Kung ano ang gusto mo, God, para kay mom, hayaan mo kaming lahat, not just her, but for the entire Philippines na matanggap natin yun. Kasi ako po, I'm there as much as I can. I leave for work, I go back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita ko po yung hirap na pinagdadaanan niya. Nakikita ko, her effort, like I know na alam niya na today magba-Buzz ako. Pinilit po niyang makakain ng cupcake. And I think she did that para maikuwento ko sa inyong lahat that she tried to eat. Because ayaw din niyang ma-disappoint kayo because she knew that all of you are praying for her. Pero siguro bilang mga... We all love her so much. So, the one who loves her the most is God, di ba?

"So, sana ibahagi natin or ibigay na natin sa Diyos. He would know. I mean, if tomorrow mom will get up, and will be cancer-free, that is God's will. But it's really up to God. And I think yun din ang feeling ng family namin. Yun ang ibinahagi ng mom. And siguro ang pinakaimportanteng nangyari, because of what she's going through, lahat tayo bumabalik sa Diyos, lalong lumalapit sa Diyos, lalong nagkakaroon ng pananampalataya," pahayag ni Kris.

GRATITUDE. At muli ay nagpasalamat si Kris sa lahat ng mga taong patuloy na ipinagdarasal ang kanyang ina at sa mga taong walang sawang nagbibigay ng suporta sa kanilang pamilya.

"Again, on behalf of our family... You can see di ba? Last weeek, I was reallly breaking down. But now I feel at peace because all of us just really say thank you to all of you. Alam n'yo ho talaga, kahit gaano kahirap ang mga pinagdadaanan namin, nabawasan talaga yung lungkot. Kasi alam namin, kasama namin kayong lahat.

"And one thing lang talaga, na sabi ni Mom before, na yung mga pinagdaaanan niya, she would not wish it even sa kanyang worst enemy. Pero siguro kahit na the worst enemy ng mom ko, would wish na yung outpouring of love na ibinibigay sa mom, maranasan nila kahit one percent noon. Kasi sobra naman po talaga yung pagmamahal na ibinibigay ninyo. Kaya thank you, Philippines. Thank you very, very much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Again, lahat ng mga Kapamilya po, for all the Masses you organized, thank you. Sa CBCP, sa lahat ng mga eskuwelahan, the Catholics, the Christians, the Muslims, everybody, thank you for loving my mom. You just don't know how much it means to us. Yung sinasabi na thank you to us for sharing my mom with you. Thank you for sharing your love for our mom, with us. Thank you," walang katapusang pasasalamat ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN