Marian Rivera sets priority on work even on her birthday

"Wala pa nga lang akong plano sa birthday ko dahil lagi akong may taping, lagi akong may trabaho. Sanay akong nagtatrabaho tuwing birthday ko, suwerte ako sa ganun. This year, kung may trabaho pa rin ako sa birthday ko, yun ang uunahin ko," says Marian Rivera, who will turn 25 on August 12.


First time nakita ni Marian Rivera ang poster ng Tarot, ang horror movie nila ni Dennis Trillo, na naka-display sa hallway ng function room ng Imperial Palace Suites, kung saan ginawa ang birthday party ng film producer na si Roselle Monteverde kagabi, July 14. Matagal nitong tinitigan ang poster ng movie ng Regal Entertainment, na sabi'y sa November na ipalalabas.

"Wow! Maganda ang poster, nakakatakot na agad," banggit ni Marian.

Ipinaalam din ng PEP (Philippine Entertaiment Portal) kay Marian na napapanood na sa YouTube ang trailer ng Tarot, at maganda ang comments ng mga nakapanood na nito.

"Talaga, napapanood na rin ang trailer? Sayang at hindi ko napapanood," wika ni Marian, na nakatutok pa rin sa poster ang mga mata niya.

Ayon kay Marian, one shooting day na lang at tapos na ang pelikula sa direksiyon ni Jun Lana. Ayaw nitong mag-spoiler kung ano ang istorya ng pelikula at kung siya ba ang batang babaeng naglalaro ng baraha sa trailer. Basta kakaiba raw ang second movie nila ni Dennis—the first was one was Pamahiin—kung saan kasama rin sina Roxanne Guinoo at Ms. Gloria Romero.

DARNA. Ibinalita rin ni Marian na two days na siyang nagte-taping ng Darna, ang bago niyang fantaserye sa GMA-7. Ito ang dahilan kaya hindi siya nagtagal sa party ni Roselle, may taping siya kinabukasan (July 15). Gusto niyang handa siya sa taping, makatulog nang maayos para hindi siya inaantok.

"Naka-costume na ako ng Darna sa taping," kuwento ni Marian. "Medyo nahirapan kami dahil sa ulan at tumitigil muna kami. Tapos 'pag wala nang ulan, taping uli. Pero excited dahil sa first-day taping, ang daming shots na nakunan ni Direk Dominic Zapata."

Sumigaw na ba siya ng "Darna!"?

"Wala pa ang eksenang sisigaw ako ng 'Darna!' Ang transformation ko pa lang ang kinunan, kung paano ako nagka-bracelet at nagka-headdress. Sabi ko nga sa inyo, pag naka-costume ako, lalo na pag suot ko na ang helmet, ang feeling ko, nasasaniban ako at Darnang-Darna ang feeling ko! Nakakatuwa!" wika ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante ay si Marian ang "prettiest Darna." Any comment?

"Thank you kung yun ang tingin niya. Ang mas maganda, enjoy ako sa ginagawa ko, masaya sa taping, at walang pressure kahit sa August 10 na ang premiere ng Darna," sagot ng aktres.

BIRTHDAY GIRL. Sa August 12 ay magse-celebrate na si Marian ng kanyang 25th birthday. Ano ang plano niya?

"Oo nga, birthday ko na naman!" bulalas niya. "Thankful ako dahil pang-ilang celebration ko na ito bilang artista. Wala pa nga lang akong plano sa birthday ko dahil lagi akong may taping, lagi akong may trabaho. Sanay akong nagtatrabaho tuwing birthday ko, suwerte ako sa ganun. This year, kung may trabaho pa rin ako sa birthday ko, yun ang uunahin ko."

Anong birthday gift ang ini-expect niya from Dingdong Dantes?

"Wala akong hinihintay na gift sa kanya. Gusto ko lang pareho kaming masaya lagi," sagot ni Marian.

Birthday rin ni Dingdong sa August 2, ano ang ireregalo niya sa "pinakamahalagang lalaki" sa buhay niya ngayon?

"Wala pa rin akong maisip, pero simpleng tao lang si Dingdong. Kahit anong gift ang ibigay ko sa kanya, alam kong maa-appreciate niya."

SITCOM WITH MANNY. Tinanggap na ni Marian at ng manager niyang si Popoy Caritativo ang sitcom na pagtatambalan nila ni Manny Pacquiao sa GMA-7, Show Me The Manny. At mukhang excited ang aktres dito.

"Oo naman! First time kong gagawa ng comedy at si Pacquiao pa ang kasama ko, na never ko pang napanood ang laban niya. Excited ako dahil ang alam ko, ako ang pinili ni Ms. Jinkee [Pacquiao, Manny's wife] na makapareha ni Manny. Thankful ako," saad ni Marian.

Manonood ba siya ng laban ni Manny kung iimbitahan siya?

"Why not? Kung walang work," sagot niya.

Kailan ang start ng taping nila ni Manny?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko kung totoong next week na, at hindi ko rin alam kung kailan ang airing namin. Sabi nila [GMA-7 executives], marami raw kaming dream sequence ni Manny. Ano kayang dream sequence yun? Ay, excited na ako!"

Bago pa magkasarapan ng kuwentuhan, nagyaya nang umuwi si Marian sa manager niya dahil may taping nga siya ng Darna. Gusto niya kasing laging masigla sa taping at hindi lulugo-lugo sa antok.

"Masaya ako dahil marami akong trabaho this year. Sa August, sisimulan na rin namin ang shooting ng Nieves para sa Metro Manila Film Festival. Maraming aabangang projects ang sumusuporta sa akin," pagtatapos ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN