Ogie Alcasid's alter ego talks about Regine Velasquez's swine flu and Michelle Van Eimeren's wedding

Ogie Alcasid came to the presscon of Oh, My Girl! (A Laugh Story), his latest movie with Judy Ann Santos, in a woman's dress. Ogie also talked to the entertainment press as his character in the movie.


Nagmistulang laughing trip ang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Ogie Alcasid, a.k.a. Frida Akikla, dahil dumating ito sa presscon ng Oh, My Girl! (A Laugh Story) na naka-damit pambabae. Ginanap ang presscon kahapon, July 15, sa Valencia house ni Mother Lily Monteverde.

Kahit ini-interview na si Ogie ng press, pinangatawanan pa rin niyang siya si Frida. At kapag sumasagot ng tanong about himself, he referred to Ogie grammatically in the third person.

Bakit nga ba siya nakadamit-pambabae sa movie nila at bakit siya naging girl?

"Ako? Girl talaga ako!" pagbibigay diin ni Ogie sa boses babae rin. "Si Ogie kasi, dalawa ang role niya. Isang babae, isang lalaki. Actually, BatangueƱa ako rito. Kaya lang, nakakapagod mag-BatangueƱa."

Ano ang mas gusto niyang character niya sa movie, yung babae o yung lalaking Ogie?

"Siyempre, mas gusto ko lalake si Ogie. Lalakeng-lalake si Ogie, 'no! Ibang klaseng lalake yun, mabait na, ano pa, ma...bait! Ha-ha-ha! Simpatiko at saka mapagbigay."

Playboy?

"Playboy? Hindi ah! Loyal yun!"

REGINE'S SWINE FLU.Biglang umubo si Ogie, a.k.a. Frida, habang ini-interview. "May A(H1N1) kasi ako," biro niya, at pabiro ring lumayo sa kanyang ang press.

"Sobra naman kayo!" reaksiyon nito. "Hindi, wala. Si Regine [Velasquez, Ogie's girlfriend], yun ang may A(H1N1), hindi ako."

Baka nahawa na siya kay Regine?

"Ako? Hindi naman ako close kay Regine. Si Ogie, yun ang close dun," sagot ni Frida.

Sa puntong ito ay nakisakay na rin ang entertainment press sa kanya. O, kumusta raw si Regine, sabi ni Ogie?

"Hay, naku, kawawa nga raw. Biruin mo, four days nagkasakit yung Regine Velasquez."

Ano raw ginawa ni Ogie?

"Binantayan, pero mga 10 meters away!" natatawa niyang sabi.

Hindi ba natakot si Ogie?

"Ah, hindi. Mahal niya yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit baka mahawa siya?

"Huwag naman! Kasi, may mga shooting, maantala. Kaya si Ogie, nag-uutos. 'Painumin n'yo ng gamot 'yan, pakainin n'yo 'yan!'" natatawang kuwento nito, na ginagawa raw ni Ogie habang nakatakip ang kanyang bibig.

Sabay bawi at sabing, "Hindi, sobrang ano nga nun, sobrang caring nga niya kay Regine. Sobrang nag-worry kay Regine. Parang matatapos na ang mundo. Si Regine kasi, parang kalabaw yun. Hindi nagkakasakit. Actually, si Ogie nga ang madalas magkasakit."

Ano naman ang masasabi ni Ogie na noong magkasakit si Regine, may ilan na nag-isip na kesyo gawa-gawa lang daw ang pagkakasakit nito para hindi maka-attend ng concert ni Charice Pempengco?

"Talaga? Hindi ko alam yun!" natatawa niyang sabi. "Alam n'yo, hindi biro ang sakit na swine flu, yung hini! Alam n'yo yung hini? H1N1! Kapag nagkaroon ka noon, manghihina ka talaga.

"Huwag namang ganoon... Actually, sa pagkakakaalam ko, ha, si Ogie, sinamahan pa si Regine sa rehearsal ni Charice. Chumika-chika pa sila with Charice."

So, nagagalit ba si Ogie sa mga nag-iisip ng ganoon sa girlfriend niya?

"Hindi naman, pero dapat mag-ingat din sila. Naku, ibang klase itong sakit na 'to, itong hini na ito. Di ba, trangkaso lang naman siya, pero ito talaga, 'wa, hindi ka babangon, gagapang ka sa lusak! Kaya mag-vitamins kayo ng 1,000 at multivitamins, at uminom kayo ng dugo ng bampira!" tila seryosong-seryoso pang advice niya.

Honestly, ano nga ba ang naramandaman ni Ogie nang malaman niya na ganoon ang naging sakit ni Regine?

"Umiyak siya," sagot niya, sabay sabing, "Umiyak siya sa tuwa dahil hindi siya ang dinapuan. Joke lang! Siyempre, nag-worry yun. Kasi, nalaman niya na hini ang naging sakit after six days, pagkatapos nang magkasakit. After na nai-swab test. Magaling na siya nang malaman niya. Wala nang hini."

Sabi ni Frida, siya raw ang nagre-remind kay Ogie kapag oras na ng pag-inom ng gamot ni Regine. Kaya natatawang tanong ng press kay Frida, ano ba niya si Ogie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, ano nga ba? Kaibigan. Kasi naman si Ogie, ano rin yun, wala nang ginawa kundi magtrabaho. So, kailangang parang may tita na nagpapaalala sa kanya!" natatawa niyang sabi.

Hindi kaya na-imbibe na ni Ogie, at ng kaibigan niyang si Michael V, ang characters na ginagawa nila?

"Naku, ilang beses nang nangyari 'yan! Meron isang beses! Nakalimutan ko na rin kung sino ang kausap ko. Di ba, nagkakilala na tayo?' 'Saan?' 'Sa concert ni ganito-ganyan.' Tapos, tinatanong niya sa katabi, 'Sino ba itong kausap ko?' 'Si Ogie.' 'Ah, si Ogie ba ito!'" natatawa niyang kuwento.

MICHELLE'S WEDDING. Kumusta naman si Ogie sa napipintong pagpapakasal ng dating asawa niyang si Michelle Van Eimeren?

"Siyempre, masayang-masaya rin si Ogie. Ang kaligayahan ni Michelle ay kaligayahan din niya, di ba? Alam naman ng lahat na magkakaibigan sila. Maganda yung ganoon. Parang si Aston Kutcher...leveling!" tawa niya.

Ano ang kakantahin ni Regine sa wedding ni Michelle sa boyfriend nitong si Mark Murrow?

"Siguro yung kuwan... Ano nga yun, yung sa Cruel Love, 'And I Love You So.'"

Di ba, si Regine ang may favorite sa song na yun?

"E, bagay rin sa song nila [Michelle and Mark]. 'And I love You So...'"

Wala ba siyang planong gawan ng wedding song si Michelle at ang mapapangasawa nito?

"Ako?! Hindi ako marunong gumawa ng song," sagot ni Frida.

Si Ogie?

"Ah, si Ogie... Alam mo, magandang idea 'yan! Hindi naisip ni Ogie 'yan, a! Dapat English. Hindi naman marunong mag-Tagalog ang mga tao dun [sa Australia]. Siguro, puwede!"

Anong klaseng song?

"Disco! Para masaya!" bulalas niya. "O kaya, parang 'Bad.' Because I'm bad! Siguro maganda yung medyo masaya ng konti. Iisipin pa siguro ni Ogie."

Ano kaya ang wedding gift ni Ogie kay Michelle?

"Wala pa siguro. Iniisip pa niya. Yung song nga siguro, maganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, kapag sina Ogie at Regine ang ikinasal, may song na ba?

"Naku, hindi ko puwedeng pag-usapan 'yan! Hindi pala ako, si Ogie pala," muntik nang madulas na sabi ni Frida.

E, kung si Ogie nga?

"Naku, kung ako si Ogie, kung sakaling ikasal sila, siguro 'In Your Eyes.' Pinanalo ni Regine yun sa 'Tawag Ng Mga Lola!'" natatawang sabi ni Frida, na ang tinutukoy ang Bagong Kampeon kung saan nanalo si Regine.

Ano ang nararamdaman talaga ni Ogie nang malaman niyang ikakasal na si Michelle?

"Si Ogie, tuwang-tuwa yun! Ang pagkakaalam ko, noong malaman niyang ikakasal, siyempre natuwa yun. Yung intention nung boyfriend ni Michelle ay tunay at wagas. Siyempre, natuwa naman siya."

Personal bang sinabi ni Michelle kay Ogie ang news?

"Tinawagan sa cell phone. Naggo-golf si Ogie noon. Biglang hindi nakapalo! Nakakatuwa naman, sabi niya."

Naiyak si Ogie?

"Siyempre naman, kaibigan niya yun."

Naiyak ba si Ogie dahil ikakasal na si Michelle, or naiyak si Ogie dahil siya ay hindi pa rin naikakasal?

"'Eto naman! Nang-iintriga! Siyempre, naiyak sa tuwa dahil ang kaibigan niya ikakasal na. Naiyak pala siya sa sarili niya? Parang naawa siya sa sarili niya... Hindi naman, wala namang ganoon."

On Ogie's part ay bawal pag-usapan ang annulment nila ni Michelle. Pero bakit si Michelle, puwede nang pakasal?

"E, kasi, hindi naman siya Filipina. Siya naman ay nasa ilalim ng batas ng Australia. At doon sa Australia, divorced na kasi sila. Basta, hindi ko puwedeng pag-usapan 'yan," maingat na sabi niya.

MOVIE WITH JUDAY. Natutuwa naman si Ogie na finally ay nagkasama na sila ni Judy Ann sa isang pelikula. Bilib daw si Ogie sa kakayahan ni Juday bilang isang komedyante rin.

"Actually, hindi naman siya nagpapatawa kasi natural. Parang siya, nai-imbibe na niya ang character ni Darling. So, hindi na niya inaarte na nakakatawa," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kissing scene ba sina Juday at Ogie sa OMG?

"Ay, wala! Hindi naman kailangan. Si Sarah Geronimo nga at si John Lloyd Cruz... Talagang leveling, e, ano? Leveling talaga yun! Hindi kailangan kasi," sagot niya.

Hindi ba nanghinayang si Ogie?

"Hindi, hindi naman siya mahilig sa kissing scene. Ang gusto lang niya hugs!" natatawang hirit ni Frida a.k.a. Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN