Cherry Pie Picache will do an international movie to be helmed by Oscar-nominated director

"We're thankful, kasi hindi namin inasahan na magiging gano'n kalakas yung show. So, parang talagang ano... We worked hard for it. Di ba, gano'n naman 'yon? Parang to whom much is given, much din yung responsibility. So, sa amin ngayon, since pumatok siya, lalo naming pinagbubuti," says Cherry Pie Picache about the success of Tayong Dalawa.


Patuloy ang pamamayagpag sa ere ngteleseryeng Tayong Dalawa ng ABS-CBN, kung saan isa sa mga bidang gumaganap ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache, bilang si Marlene, ang tunay na ina ni Dave (Jake Cuenca) at pati nina JR (Gerald Anderson) at Ramon (Coco Martin). Needless to say, masayang-masaya si Pie sa pangyayari.

"Mabait ang Diyos!" masayang nasambit ni Cherry Pie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Maraming tagasubaybay ng nasabing primetime drama series ang natutuwa, at the same time, umaasang magtatagal pa ito sa ere. But the actress said nalalapit na rin ang pagtatapos ng kuwento nito.

"May limit talaga [ang kuwento], na ganito lang kahaba. So, hanggang dun lang kami. From the beginning, na-decide na nila [creative team ng Kapamilya network], na ganito lang kahaba. So, kung nagdagdag man, para i-crisp lang yung istorya. Actually kami, hindi namin alam kung anong mangyayari," sabi ni Chery Pie.

Mas lumaki nga ang following ng premyadong aktres sanhi ng pinagbidahang teleserye. Dahilan upang pagtiwalaan siyang muli ng ABS-CBN ng panibagong tatampukang soap opera pagkatapos ng Tayong Dalawa next month.

"Actually, I'm starting another soap," aniya. "Naumpisahan ko na, pero bawal pang sabihin, e.

Bida-kontrabida raw ang magiging role niya sa susunod na teleserye. "Pero kontrabidang mabait," dagdag ni Cherry Pie.

INTERNATIONAL MOVIE. Kung wala mang nagawang pelikula si Cherry Pie sa loob ng pitong buwan, ito'y dahil sa naging kaabalahan niya sa Tayong Dalawa. Na agad ding masusundan, at wala uling puwang ang pelikula sa kanyang schedule.

Pero may magandang balita ang aktres tungkol sa susunod niyang gagawing pelikula.

"Merong dumating [na offer] para sa January, next year. It's by an international group. Nag-audition ako, at pumasa ako. Okey naman," banggit ni Cherry Pie.

Yet untitled, the movie is intended for international release. Silang dalawa raw ni Joel Torre ang mga nakapasang Pinoy actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung direktor, kilala siya sa Hollywood, a former Oscar nominee," sabi ni Cherry Pie. "Pre-production will start in November; then shooting starts in January next year."

Between now and early next year, wala ngang gagawing ibang pelikula si Cherry Pie dahil naka-commit na siya sa bagong soap ng ABS-CBN.

"Sobrang nakakapagod, three times a week ang tapings, e," banggit pa ng aktres sa nakagawian nang schedule for Tayong Dalawa at sa susunod na assignment.

"We're thankful, kasi hindi namin inasahan na magiging gano'n kalakas yung show. So, parang talagang ano... We worked hard for it. Di ba, gano'n naman 'yon? Parang to whom much is given, much din yung responsibility. So, sa amin ngayon, since pumatok siya, lalo naming pinagbubuti."

Cherry Pie doesn't mind kung kontrabida uli ang role niya sa susunod na teleserye; or whether or not she'll play support to another actress, sa pelikula man o sa telebisyon.

"Okey lang, support o bida. Siguro naman, more than anything else, I think I have proven myself as an actress," katuwiran niya.

Dagdag ni Cherry Pie, "I can only be grateful, with the support that ABS-CBN is giving me, especially si Sir Deo [Endrinal, isa sa mga VPs ng istasyon]. So, concentrate muna ako doon. And then, at least, meron nang pelikula na pinaghahandaan ko. So okay, I'm steady. Merong Tayong Dalawa, tapos may sisimulan ako ulit, na malaki rin, maganda rin."

REAL-LIFE MOTHER ROLE. Kaiba sa papel ni Cherry Pie na nasusubaybayan ngayon ng publiko, bilang isang mapagmahal at mabuting ina ng tatlong grown-up sons, ang kanya ring real-life role bilang ina ng seven-year-old boy named Jose Anton.

Music to her ears kapag narinig ang pangalang Jose Anton, na aminado ang aktres na siya ang totoong "love of her life."

"Ay, sobra! Binata na siya! May boyfriend na ako, forever!" nakakatuwang pagbanggit ni Cherry Pie tungkol sa kanyang only son, nang kumustahin ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, para talagang si Marlene si Cherry Pie, o kung paano nito pag-ukulan ng masidhing pagmamahal ang tatlong anak, na may kanya-kanyang masalimuot na landas na tinatahak.

Yun nga lang, walang masyadong kumplikasyon ang buhay at pagkatao sa ngayon ni Jose Anton, as compared to that of her character's three grown-up sons in Tayong Dalawa.

"He's doing very good in school. Nagte-train siya for tennis," banggit ng celebrity mom.

Sigurado sa ngayon si Cherry Pie na hindi pa aagawin ng showbiz ang kanyang unico hijo, na first grader sa Ateneo de Manila.

"Ay, hindi!" mabilis niyang tugon. "Ang dream niya, maging tennis player. Tapos, he wants to become a lawyer. Thank God, everything is okay."

Apart from her numerous successes in show business, ikinararangal niya ang pagiging isang nanay. For that matter, a single mom.

"Thankful ako. First and foremost, and before anything else, I'm a mother," sambit ni Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN