John Lloyd Cruz and Cristine Reyes "date" was just chance meeting, says a source

John Lloyd Cruz and Cristine Reyes were allegedly seen dating in a bar on Katipunan Avenue. Does this mean the matinee idol is not really in a relationship with beauty queen Ruffa Gutierrez, or that the 2009 FHM Sexiest Woman has moved on from a recent breakup with Dennis Trillo?


Nakakuha ng tip ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message na may nakakita raw kina John Lloyd Cruz at Cristine Reyes na "nagde-date" noong Martes ng gabi, July 14, sa isang bar sa Katipunan Avenue.

Kung matatandaan, iba ang mga pinaniniwalaang karelasyon ng dalawang artista mula sa Kapamilya network. Mainit pa rin ang sinasabing pagkakamabutihan nina John Lloyd at ng TV host-actress na si Ruffa Gutierrez, samantalang dalawang buwan pa lang ang nakalipas nang mag-break si Cristine at ang aktor na si Dennis Trillo.

Ngunit ayon sa text message na ipinadala sa PEP kahapon, July 15, mula sa isang source, nahuli raw sina John Lloyd at Cristine na "magkayakap at naghahalikan" sa naturang bar.

"May sighting kay John Lloyd and Cristine Reyes sa isang restaurant bar sa katipunan last nyt. Since tatlo lang daw ang tao sa bar, sobrang sweet, complete wid kissin and huggin ang dalawa," saad ng text message.

JUST A "COINCIDENCE." Pero mariin namang pinabulaanan ng isang malapit na tao kay John Lloyd ang naturang kaganapan nang tanungin ng PEP tungkol dito. Sinabi niyang "exaggerated" lang ang kumakalat na PDA o public display of affection ng dalawa.

Ayon sa kanya, although totoong nagkita raw sina John Lloyd at Cristine sa naturang bar, kasama na raw ng matinee idol ang ilang kaibigan na nakaupo sa isang table nang dumating si Cristine, na kasama naman ang mga kaibigan nito.

Iginiit ng source na ito na wala raw naganap na date sa pagitan ng dalawa.

"Coincidence lang. Nag-'hi-hello' lang sila," sabi ng taong malapit sa aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN