Dennis Trillo shrugs off rumored "date" of ex-girlfriend Cristine Reyes and John Lloyd Cruz

"Wala na akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin. Karapatan niya 'yon kung gusto niyang makipag-date kahit kanino. Wala na kaming kinalaman sa isa't isa," says Dennis Trillo about rumored date of ex-girlfriend Cristine Reyes with John Lloyd Cruz.


"Wala na akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin. Karapatan niya 'yon kung gusto niyang makipag-date kahit kanino. Wala na kaming kinalaman sa isa't isa."

Ito ang naging pahayag ni Dennis Trillo nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa napabalitang "date" diumano ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes at ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa isang resto-bar sa Katipunan Avenue. (Click here to read related story.)

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Dennis sa pocket presscon na ibinigay sa kanila ni Jennica Garcia ng GMA-7 para sa romantic-comedy series nilang Adik Sa 'Yo kaninang hapon, July 16, sa Chocolate Kiss coffee shop sa Roces Avenue, Quezon City.

Any regret na may idini-date nang iba si Cristine? Totoo bang may usapan sila na hindi muna sila makikipag-date sa iba pagkatapos ng breakup nila?

"Wala po akong natatandaan na may pinag-usapan kaming ganoon," naiiling na sagot ni Dennis. "Siguro po kung cool-off lang kami, baka ibang usapan na 'yon. Pero break na po kami talaga, kaya wala po akong regrets."

KAYE, PAULEEN, & JENNICA. Since relationship na rin ang usapan, balitang nag-break na raw si Kaye Abad at ang boyfriend nitong si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. Si Kaye ang sinasabing dahilan ng final breakup nina Dennis at Cristine.

Kung totoong free na ngayon si Kaye, ano ang gagawin ni Dennis?

"Ganun po ba, break na sila?" balik-tanong niya. "Wala po kasi akong alam. After po noong accidentally na nagkita kami ni Kaye sa Starbucks sa Makati, wala na po akong balita ulit sa kanya. Nakakahiya nga po na nadawit pa siya sa intriga," sagot ng aktor.

Ngayon ay kay Pauleen Luna, na kasama niya sa Adik Sa 'Yo, siya nali-link. Paano na si Jennica na kapareha niya sa naturang serye?

"Kami po ni Pauleen, matagal na ring magkaibigan dahil ilang beses na kaming nagkasama sa mga projects namin before sa GMA-7," sabi ni Dennis. "Okey pong kasama si Pauleen, mabait siya at, yes, lumalabas kami, group dates, minsan kaming dalawa. Pero friends lang talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jennica naman, natutuwa ako na hindi na niya ako tinatawag na 'kuya,' na nakasanayan niya noong ginagawa namin ang Gagambino dahil magkapatid ang role namin doon. Masarap din siyang kasama, kalog. Triangle nga kami [Dennis, Jennica, and Pauleen] sa Adik Sa 'Yo kaya maganda ang bonding namin. Yung away-away, sa story lang 'yon. Nakakatuwa nga na kapag nakita ako ng mga fans, tinatanong nila sa akin si Karen [Jennica's character]," lahad niya.

BATANGUEÑO ROLE. Marami ang natutuwa kay Dennis sa Batangueño intonation niya bilang Ruben sa Adik Sa 'Yo.

"Nakakatuwa nga po na kapag nakikita nila ako sa labas, 'Ruben' ang tawag na nila sa akin at ginagaya nila ang intonation ko. Ako rin, kung minsan, nadadala ko 'yon sa bahay.

"Challenge po sa aming lahat na nasa cast ang pagsasalita na may puntong Batangas. Mahirap po kasi kung saan mo ilalagay ang intonation na magiging natural lang ang pagsasalita mo. Salamat po kay Tito Leo [Martinez] na siyang nakabantay sa amin sa set para mag-coach ng proper intonation namin. Taga-Balayan, Batangas, po si Tito Leo.

"Masaya rin po kami sa taping, kasi madalas before midnight, pack-up na kami. Mabilis pong magtrabaho si Direk Joel [Lamangan]. Ayaw po niya na nagkukuwentuhan kapag oras ng trabaho. Puwede kaming magkuwentuhan kapag lunch or dinner break namin.

"Kahit po umuulan, nagte-taping kami dahil nagagawan naman ng paraan. Minsan lang kaming na-pack up na umuulan dahil nabasa po yung mga kable at hindi puwedeng magamit," lahad ni Dennis.

BUSY YEAR. This is a busy year for Dennis dahil dalawang soaps ang nagawa niya; una ang telefantasya na Gagambino at ito ngang Adik Sa 'Yo.

Tatlong pelikula naman ang magagawa niya before the year ends.

Una na rito ang Astig, na In Competition sa Cinemalaya Film Festival. May premiere showing ito sa Sabado, July 18, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito, gumaganap ako sa isa sa apat na stories namin nina Sid Lucero, Edgan Allan Guzman, at Arnold Reyes. Ako si Ariel, isang tindero ng mga fake na diploma and certificates sa Recto. Sa gabi, hustler ako ng mga matrona na hinihingan ko ng pera dahil student ako, wala akong pambayad sa tuition," paglalarawan ng aktor sa kanyang role.

Dagdag niya, "First time ko pong naging direktor si GB Sampedro at producers namin sina Tito Boy Abunda at Tito Boy So."

Pangalawa naman ang Tarot ng Regal Entertainment. Kasama niya sa pelikulang ito ang "kapatid" niya sa manager niyang si Popoy Caritativo na si Marian Rivera.

"Girlfriend ko si Marian na may gift na nakikita niya kung sino ang mamamatay sa pamamagitan ng tarot cards niya. May mangyayari sa akin sa gubat at 'yon ang aalamin kung ano ang gagawin ni Marian. Second time na naming direktor ni Marian si Jun Lana," banggit ni Dennis.

Last movie ni Dennis this year ang Mano Po 6: My Mother, entry sa 2009 Metro Manila Film Festival. Kasama naman ni Dennis dito ang Megastar na si Sharon Cuneta.

"Kababasa ko lang ng script at ako po ang boyfriend ng anak ni Ms. Sharon. May pagka-kontrabida ang role ko, kidnapper and big-time swindler. Si Direk Joel po ang direktor. Siya po ang nagbigay ng first acting award ko sa first movie ko noon na Aishite Imasu," pagtatapos ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN