John Prats reacts to reports that he and girlfriend Shaina Magdayao display too much affection in public

"Wala akong matandaang naging ganyan kami... Si Shaina nga, ayaw ng ganoon. Maski ako. Sweet kami, but to a certain extent... We don't even kiss. Beso-beso lang kami to greet each other, pero hindi kami mahilig yung kissing na alam mo na!" says John Prats.


Para kay John Prats, it's his pride and pleasure to be part of the cast of Regal Entertainment's OMG (Oh, My Girl!). Kasama niya rito sina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid, dalawa sa mga artistang hinahangaan ng young actor.

Si Juday ay nakatrabaho na ni John noon sa ABS-CBN. Pero si Ogie ay first time niyang makatrabaho at maganda raw ang experience niya sa unang pagtatagpo nila sa set.

"We play half-brothers in the movie. That's why madalas kaming magkaeksena. Nang makita niya ako sa first day ng shooting, lumapit agad siya, at sinabi niyang tuwang-tuwa siya dahil tinanggap ko ang role. Sabi ko, mas pride para sa akin ang makasama siya sa pelikula. Matagal na niya akong fan, sa Bubble Gang pa lang. In fairness, napapanood ko ang show at doon, saludo na ako sa talent sa comedy ni Ogie.

"Malaking karangalan para sa akin ang makatrabaho sina Juday at Ogie. Mababait talaga sila at magaan katrabaho," saad ni John sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng OMG! last Wednesday, July 15.

SHAINA MAGDAYAO. Naaalagaan din ang relasyon nila ni Shaina Magdayao. Hindi nga ito masyadong naiintriga dahil hindi naman sila nagkakatrabaho.

"Hindi kami loveteam, at may advantage din yun. At saka nag-grow kasi yung relationship namin. Malaking bagay yun. Nakita namin ang isa't isa mula pagkabata dahil close sina Shaina at kapatid kong si Camille [Prats]. Pati pami-pamilya namin, magkakaibigan na talaga.

"Parang sa tingin ng iba, matagal na yung relasyon. Pero kailan lang talaga kami naging mag-on ni Shaina. Mas matagal yung pagiging magkaibigan namin mula pa noong mga bata kami," lahad ni John.

Isa nga sa mga isyu sa kanila ay ang sobrang PDA (public display of affection) daw nila. Diumano, nakikita na silang basta naghahalikan na lang at may ibang kahulugan na yung pagyakap-yakap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong matandaang naging ganyan kami," tanggi ni John. "Sa harap pa ng maraming tao? Si Shaina nga, ayaw ng ganoon. Maski ako. Sweet kami, but to a certain extent. Kadalasan, pinapatong ko lang ang ulo ko sa balikat niya. Minsan, nagho-holding hands kami na normal naman sa mag-boyfriend. But not to show off. We don't even kiss. Beso-beso lang kami to greet each other, pero hindi kami mahilig yung kissing na alam mo na!"

MATURE & "SEXIER" JOHN. Kapansin-pansin na nagpapatubo na ng bigote si John. Talaga raw gusto na niyang mag-project ng medyo mature na image.

"I'm already 25 years old," aniya. "Alangan na rin sa akin, although mukha talaga akong bagets. Pero it's about time na may makitang bago sa akin. Tamang-tama naman, sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers sa ABS-CBN, sa pagpapatuloy ng istorya nito, mas mature na talaga ang role ko. Sinabihan ako ng production staff na i-maintain ko na muna yung ganitong rugged look."

Kapansin-pansin din ang pangangayayat ni John. Talaga raw apektado siya sa hindi magagandang naisulat sa kanya noong rumampa siya sa huling fashion show ng Bench.

"Nag-South Beach diet na ako," aniya. "Effective sa akin. Noon kasi, akala ko, okey lang ang bawas-bawas ng kanin. Pero it's more of the balanced diet, na very ideal nga yung South Beach diet.

"Sinasabayan ko na rin ngayon ng workouts. Ang target ko, next year, rarampa na ako ng half-naked sa Bench fashion show. I owe it to Bench, pero hindi pa ako ready na mag-underwear lang. Siguro denim pants pa rin, 'tapos half-naked na.

"Mahirap din ma-achieve ang ganoong katawan, lalo na yung abs at yung sa may waistline na maganda ngang tingnan kapag naka-underwear. Pero hanggang half-naked muna ako, for a change.

"Sina Wendell Ramos nga at Antonio Aquitania, matagal na rin nilang ginagawa yung rumarampa nang naka-underwear lang. Pero sa backstage, kapag Bench show na, grabe ang tensiyon nila. Kinakabahan talaga sila. Ako pa kaya ang biglang gagawa ng ganoon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simulan na muna natin sa half-naked, para may makita namang bago sa akin. By that time na okey na, siguro puwede nang magpa-pictorial. Gusto ko ring ma-experience at one time sa buhay ko, habang bata pa ako, naka-achieve ako ng katawan na hindi naman nakakahiyang ipakita," pagwawakas ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN