Ara Mina admits sister Cristine Reyes is too much to handle

"Sana lang, huwag namang sayangin, di ba? Huwag tayong magpaka-Hollywood na pasaway na parang Paris Hilton, Britney Spears, Lindsay Lohan!" says Ara Mina about younger sister, Cristine Reyes.


Naging open si Ara Mina sa kanyang mga pahayag ukol sa mga isyung may kinalaman sa nakababatang kapatid na si Cristine Reyes. Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa Music 21, Timog Ave., Quezon City, at hindi nito naitago ang panghihinayang sa nangyayari ngayon sa career ni Cristine.

"Oo, nanghihinayang ako, para masira lang siya sa isang lovelife. Tigilan ako, huwag ganyan! Mas grabe ang pinagdaanan ko, di ba? Wala 'yan sa kalingkingan ng pinagdaanan ko, pero para sirain mo ang buhay at career mo dahil lang sa isang lalake... I have nothing against the guy, but marami diyan, e, di ba?" sabi ni Ara, na tinutukoy ang breakup ng kapatid sa aktor na si Dennis Trillo.

Kahit paano ba ay nagkaroon siya ng galit o sinisisi niya si Dennis sa mga nangyayari ngayon kay Cristine?

"Hindi naman," sagot ni Ara.Kumbaga, nasa kapatid ko na rin 'yon, e. Wala rin namang magagawa si Dennis kung ano ang gustong gawin ni Cristine, e. So, choice ni Cristine 'yon. Basta ang sa akin lang, sana tama lang ang mga ginagawa niya for her."

NOT YET LATE. Pero sa tingin ba niya ay hindi pa huli ang lahat para kay Cristine?

"Sa palagay ko ay hindi pa naman. Pero sana lang, huwag namang sayangin, di ba? Huwag tayong magpaka-Hollywood na pasaway na parang Paris Hilton, Britney Spears, Lindsay Lohan!" diretsahang sabi ni Ara.

Ganoon ba ang level ni Cristine sa tingin niya?

"Parang!" pahalakhak na sagot niya. "Hindi, kasi, di ba, yung tatlo [Hollywood stars na binanggit niya], they have all the opportunities, pero wala silang pakialam. So, iba naman ang sa atin. Iba sa Pilipinas, iba sa Hollywood. Pero sabi ko nga, hindi pa naman hopeless, itama niya lang at ayusin ang lahat.

"May potential siya... Actually, malaki ang potential niya at napatunayan naman niya 'yon sa Eva Fonda. Sana lang ay magtuloy-tuloy dahil sayang, e. Sayang 'yong opportunity. Hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganyang opportunity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, hindi ako nagkulang sa kanya, and I'm still here if she needs me," pahabol pa niya.

Nagsasawa na ba siya sa pagibigay proteksiyon sa kapatid kaya pinabayaan na niya ito?

"Hindi, wala namang sawa factor," paglilinaw ni Ara. "Ibinibigay ko lang ang gusto niyang mangyari. Ito yung gusto niyang mangyari, e, yung pabayaan ko siya, yung hindi ako makialam sa career niya. Iyon ang sabi niya last na nag-away kami—huwag akong makialam. Pero kung lalapit siya sa akin, ate ako, e, siyempre, imposible namang pabayaan ko siya kung siya na ang nagkukusa."

Mayroon ba silang matinding pinag-awayang magkapatid?

"Parang ang feeling ko, ang pakiramdam niya mas paborito ako ng mommy ko. From what I've heard sa mga kuwento-kuwento ng mommy ko.

"Nagseselos? Siguro kasi hindi mo rin maiaalis 'yon dahil panganay ako, e. Well, siya naman yung second to the last na bunso na babae, pero wala dapat competition, di ba? Ako naman, ni hindi nga ako naging number one sa FHM, pero okay lang sa akin e.

"Kasi, hindi mo naman makukuha ang lahat. You can't have it all, di ba? May kanya-kanya kaming career path, siya, dito siya, ako, ito ang career path ko. So, wala dapat competition.

"Siguro naririndi rin siya minsan na, 'O, mas magaling sa iyo ang ate mo, ganyan-ganoon, etcera...' Ako, sa totoo lang, mas sexy sa akin si Cristine and I don't care, kapatid ko 'yon e. Kesa naman sabihin na, 'Ano ba 'yang kapatid mo, ang chaka-chaka!' Ganoon," lahad ni Ara.

CRISTINE'S RETURN TO GMA-7. Nilinaw rin ni Ara ang ukol sa isyu ng naudlot na pagbabalik ng kapatid sa GMA-7, na ikinagalit daw niya.

"No, hindi naman ako nagalit," sabi niya. "Kumbaga, parang nakakalito lang kasi. Siyempre, bago pa lang siya sa ABS, one year pa lang. Kung ako tatanungin, hindi rin maganda yung palipat-lipat, e. Sa side ko, kung ako ang sasabihang palipat-lipat, maganda naman yung naging paglipat ko, nagpaalam ako nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi rin kami nagkakausap, e. Ayokong magbigay ng opinion baka masamain lang niya. Ini-inform lang sa akin ni Veronique [del Rosario, Cristine's manager] kung ano status, parang respect lang sa akin," paliwanag ng aktres.

Anong comment niya sa away ng kanyang younger sister kina RR Enriquez at iba pang stars ng gag show ng ABS-CBN na Banana Split?

"Kung inaapak-apakan ang kapatid ko, siyempre... Pero ayaw ko namang makialam din sa away nila dahil hindi ko rin naman alam yung real story, e," maingat na sabi ni Ara.

SELF-DESTRUCTION. Sa tingin ba niya'y nagse-self-destruct si Cristine?

"Ano sa tingin ninyo?" balik-tanong niya sa amin.

Hindi ba siya nanghihinayang sa nangyayari kay Cristine?

"E, wala akong magagawa. Kasi, kahit pagsabihan mo 'yon, baka lalo lang mag-ano..." aniya.

So, sino ang dapat magsabi sa kanya? Ang ina nila o ang manager ni Cristine?

"Parang wala, wala nang nakakapagsabi sa kanya. Kahit manager niya ay wala na rin, e," maikling tugon ni Ara.

Inamin din niyang maraming instance na sinubukang kausapin ng kanilang pamilya si Cristine, pero wala ring nangyari rito.

"Kasi kakaiba siya, e, may sarili siyang mundo," sabi ni Ara. "Kaya this time, kami na lang ang naghihintay na lumapit siya, never na kaming nag-aalok. Kasi alam niya naman 'yon, e, anytime nandiyan lang kami."

Ano ang maipapayo niya kay Cristine?

"Sana huwag niyang makalimutan na may ate siya, na nandito lang ako, na kaya ko siyang protektahan dahil matagal na rin ako rito sa industriya. Alam ko kung paano ko siya mapoprotektahan, dahil ang showbiz talaga, mapusok, magulo. At kung hindi matibay ang dibdib mo, hindi ka tatagal.

"Ang lagi ko lang naman sinasabi sa kanya, kahit ano ang makuha niya, kahit gaano ka na kasikat, kailangang humble ka pa rin. Kasi ang kasikatan, hindi ito all the time, hindi panghabambuhay. Ang pag-uusapan pa rin d'yan, ang galing sa pag-arte," pagtatapos ni Ara, na mapapanod ulit very soon sa Bubble Gang, pero bilang guest pa lang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN