Vhong Navarro opens up about split with actress Desiree del Valle

"Ayokong sabihing time. Pangit yun, e, napakababaw nun. Pero siyempre, umabot sa puntong naging busy rin siya at saka ako. So, huwag na lang nating sabihin na yun. Naging maganda naman, naging magkaibigan kami," says Vhong Navarro about his breakup with Desiree del Valle.


May panahong hindi pa open ang versatile performer na si Vhong Navarro sa interviews, noong fresh pa ang balitang nag-break na sila ng girlfriend niyang si Desiree del Valle after almost three years.

Pero kagabi, July 16, sa shooting ng pelikulang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, kung saan mayroon siyang cameo role, nagsalita na si Vhong tungkol sa naging relasyon nila ni Desiree at kung bakit ito nauwi sa hiwalayan.

"Sobrang maayos naman ang naging breakup. Ang ganda ng pinagsamahan namin kaya nga noong time na yun, ayokong umabot sa magkasakitan pa kami. Kaya maganda rin kaming nag-end," sabi ng comedian-dancer sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Vhong, nauwi naman sa pagkakaibigan ang naging breakup nila.

"Yes, magkaibigan pa rin kami," sambit niya. "Hindi na nga lang kami nagkikita, pero nagkakausap kami, kumustahan. Kaya nga itong huli nga, medyo hindi maganda ang nangyari sa kanya dahil namatay ang daddy niya. Siguro three weeks or one month ago na rin."

Si Vhong na rin ang nagsabing old age siguro ang ikinamatay ng ama ni Desiree, bukod sa may sakit ito kaya may mga kumplikasyon na rin.

"Siya mismo ang nagsabi sa akin noong nagkausap kami na nasa hospital. Medyo matagal na dun. So, noong namatay, itinawag din niya sa akin," kuwento niya.

Paano niya ipinakita ang suporta niya kay Desiree sa ganoong sitwasyon?

"Sinabi ko sa kanya na, 'Tutulungan kita sa pag-alis mo.' Kasi, may mga kailangan akong tawagan sa Immigration na mga kaibigan natin para mas makatulong, mas mapabilis ang alis niya," sabi ni Vhong.

THE BREAKUP. Sa mga salita ni Vhong, tila naging maganda at maayos naman ang relationship nila ni Desiree. So, bakit nga ba kailangan nilang tapusin ang kanilang samahan kung okey naman silang dalawa?

"Yun nga, sinabi ko nga na mas maganda na magtapos kami na maganda pa rin. Ayokong umabot sa magkakasamaan pa kami ng loob kasi sayang, e. Napakaganda ng relasyon namin. Wala kaming naging problema," paliwanag niya,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa lang silang naging problema, so, ano ang dahilan ng breakup nila?

"Heto kasi, magiging busy na... Ayokong sabihing time. Pangit yun, e, napakababaw nun. Pero siyempre, umabot sa puntong naging busy rin siya at saka ako. So, huwag na lang nating sabihin na yun. Naging maganda naman, naging magkaibigan kami."

May "bago" na ba on his part?

"Wala, puro trabaho lang."

May panghihinayang?

"Nakakahinayang talaga, halos three years din. So, sayang din," sabi ni Vhong.

Hindi na ba kayang maayos kung anumang problema meron sila?

"Hindi naman sa hindi na workable. Pero sa ngayon kasi, may mga priorities kami na dapat intindihin muna, unahin muna. Yun muna yun."

POSSIBLE RECONCILIATION. Sa tingin niya, posible ba na magkabalikan sila?

"Oo, pero ayokong magsalita ng ganoon muna," sagot niya. "Hindi kasi ako naniniwala sa ganoon, e. Basta kapag nagkita kami ulit, sinasabi ko nga sa kanya at yun pa rin ang naramdaman namin, same, yun na yun!"

Aminado naman si Vhong na may mga naging past girlfriends na nagawa niyang balikan, although non-showbiz ang mga ito. Would he choose a non-showbiz girlfriend this time o taga-showbiz pa rin?

"Ang hirap magsalita ng ganyan, e. Kasi, sinubukan ko parehas yung non-showbiz at saka showbiz, hindi mo masasabi. Kapag na-in love ka, yun na yun, e. Kapag tumibok, tumibok. Huwag ka lang sa madre mai-in love, kasi mahihirapan ka talaga!" biro pa niya.

Vhong has been into different relationships, to the point na nagpakasal na siya kay Bianca Lapus at nagkaroon sila ng anak. Pero parang wala pa talaga yung nagla-last o nagiging successful. Ano ang feeling niya rito?

"Hindi natin masasabi, kasi sinusubukan naman natin," sagot niya. "Kumbaga, talagang hindi mo lang masasabi kung siya na ba talaga or hindi pa. Kaya sabi ko nga, kapag nagkita kami ulit at kung kami ba talaga, baka yun na yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May hinahanap ba siya sa isang babae na sa palagay niya ay hindi pa rin niya nakikita?

"Actually, hindi naman hinahanap, e. Kasi, wala namang problema kay Desiree, perfect kay Desiree. Siguro, nagkataon lang na hindi pa talaga ito ang tama. Siguro dapat lang na magkanya-kanya muna kaming priorities, na pang-sarili na muna namin ang aasikasuhin. Yung hindi muna kami magkasama," paliwanag niya.

Nahirapan din ba siyang mag-move on?

"Well, kasi matagal na rin naman, seven months na rin, e."

Aminado naman si Vhong na may pagkukulang din on his part, lalo na pagdating sa time.

KIMMY DORA. Si Vhong ang isa sa mga artista na pumayag mag-cameo sa Kimmy Dora, ang launching movie ni Eugene Domingo na idinidirek ni Joyce Bernal at iprinodyus ni Piolo Pascual. Bukod kay Vhong, nag-cameo rin sa isa sa malaking scene ng movie, na kinuhanan kagabi sa Jardin de Miramar sa Antipolo City, sina Christian Bautista, Rufa Mae Quinto, at Erik Santos.

"Kaibigan natin si Direk Joyce," sambit ni Vhong. "Tinawagan niya ako. Sinabi niya kung puwede. At the same time, idol ko si Uge [Eugene] sa pagko-comedy, drama, lahat! Magaling si Uge, versatile. Tapos si Piolo, kaibigan din natin, tapos kasama ko pa ang mga kaibigan ko rin na magka-cameo, so ang sarap!"

Isang waiter daw ang cameo role niya sa movie.

"PAMELA ONE" IN IRELAND. Natuwa naman si Vhong nang kamustahin ang kanyang pinasikat na kantang "Pamela One," na hanggang sa Ireland ay nakarating na dahil may mga batang kumakanta at sumasayaw nito na nai-post sa YouTube at sa Peparazzi dito sa PEP.

"Ikinatuwa ko kasi noong una, hindi ko pa naririnig or nakikita, sinasabi lang nila na meron nga raw. Tapos, noong may mag-send sa akin sa Facebook na tatay yata noong bata, parang, 'Please watch itong video na ito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, hindi ko naman alam kung anong video. I think half-Irish yung bagets. Yung tatay, Filipino. So, sabi niya, 'Please watch it. Sobrang natutuwa sa 'yo ang anak ko'. Ikinuwento ko nga kay Direk Chito Roño, kasi yung 'Pamela One,' kinakanta ng mga Irish, blonde lahat. May steps, ha! Ang galing, parang sa ibang bansa, di ba?" lahad ni Vhong.

Ayon kay Vhong, sa isang programa sa school ginamit ng mga bata ang kanta niya.

"Nakakatuwa lang kasi baka nag-e-enjoy siya sa quality ng kanta. Nakakatuwa lang din kasi mga bata. Sobrang ano ako sa mga bata," masaya at may pagmamalaking sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN