Director Joyce Bernal admits feeling "tense" about Eugene Domingo's launching film

"Yung proyekto, confident ako sa proyekto. Pero siyempre, hindi ko masasabi kung yung bilib ba namin kay Uge, puwede nang pagkatiwalaan siya ng tao. Yung ganoon," says director Joyce Bernal about her latest movie, Kimmy Dora.


Si Direk Joyce Bernal, bilang direktor at co-producer ng Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, ang isa sa tumulong sa ilang press people na dumalaw sa shooting ng pelikula kagabi, July 16, sa Jardin de Miramar sa Antipolo City.

During the break, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang director kung ano ang masasabi niyang kaibahan ng Kimmy Dora sa mga nagawa na niyang movies in the past. At gaano ba siya ka-excited dito?

"Sa dami ng nagawa kong movie... Actually, sobra na ang excitement, mas mataas ang tension. Parang hindi naman ako nate-tense sa mga ginagawa kong pelikula, pero dito, nate-tense ako," pag-amin niya.

Saan nanggagaling yung tension na yun?

"Siyempre, although bilang... TF [talent fee] ko lang naman yung share ko rito [sa production]. Parang yung sa amin, 'Uy, nagsama-sama tayo, parang naniniwala tayo. What if?' Yung ganoon, so nate-tense ako," sabi ni Direk Joyce.

Hindi naman daw dahilan ng pagka-tension niya na wala siyang tiwala sa pelikulang ginagawa nila.

"Minsan kasi, naaano ako... Minsan, you have a good movie, you have the right project, tapos biglang, baka kami lang ang nagtatawanan because we know each other. Yung ganoon. So, siyempre, yung effort na ginagawa namin is nagtatanong kami. Tanong nang tanong. Tinatantiya kung puwedeng makiusap. Yung hindi ko ginagawa as a director. Siyempre, kapag director ka, ayoko ngang makiusap. Ayoko ngang humingi ng favor, kasi hindi ko sila madidirek nang tama, mahihiya ako. Pero ngayon, nakikiusap ako."

Tulad ng nabanggit, isa rin si Direk Joyce sa producer ng Kimmy Dora. Apat daw sila na bumubuo ng Spring Films, along with Piolo Pascual, Ericson Raymundo, and Shayne Sarte, na siyang cinematographer naman ng pelikula.

"Pero for this project, si Piolo ang may pinakamalaking ibinigay. Ako, TF ko lang. Si Shayne, TF niya lang din. Si Ericson, TF niya lang din," banggit ng lady director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, may tension siyang nararamdaman. May tension din ba siya sa nilu-launch nila ritong bida na si Eugene Domingo?

"Yung proyekto, confident ako sa proyekto," sagot ni Direk Joyce. "Pero siyempre, hindi ko masasabi kung yung bilib ba namin kay Uge, puwede nang pagkatiwalaan siya ng tao. Yung ganoon."

Base sa mga naunang pelikula ni Eugene, masasabi ba ni Direk Joyce na kaya na nitong magdala ng pelikula?

"Oo, parang feeling ko, tumulong na siya. Nakita na siya sa lahat ng klase ng pelikula. So, parang dapat na siyang talaga... At saka dito kasi, yung timpla ng isang seryoso at saka sobrang hindi seryoso na kulang-kulang, yung range noon sa walang alam at sa sobrang talino, nakuha niya," sabi ng direktor.

PIOLO & DINGDONG. Kumusta naman si Piolo as co-producer?

"Hayun, karamihan sa kanya talaga ang mga major decision. Parang kumbaga sa producer... Pero siguro, bilang siya yung pinakamalaking naglabas, we report to him. Tapos yun, bilang producer, ano pa rin, kung saan kami makakatipid. Tapos ang ginawa niya, at first, nag-rushes siyang mag-isa. Yung trabaho ko, nag-criticize siya, nag-criticize rin siya kay Shayne. Meron siyang ganoon. At kapag nanonood siya, hindi kami kasama," lahad ni Direk Joyce.

What about Dingdong as leading man to Eugene?

"Nakakatuwa kasi parang talagang ibinigay niya...na pumayag siya for the sake of fun," nakangiting sabi niya. "Actually, yung mga kinakausap namin dito, masaya lang 'to. So, ngayon, kung sineseryoso mo...ito, masaya lang."

How is Dingdong as a comedian?

"Si Dong, iniba lang talaga namin ang hitsura niya. Pero hindi siya yung patawa talaga. Una, geeky 'yan, may transformation lang talaga," paglalarawan ni Direk Joyce sa character ni Dingdong.


AGA-REGINE REUNION MOVIE. Kinumpirma ni Direk Joyce na tuloy na tuloy na ang pagsasamang muli nina Aga Muhlach at Regine Velasquez sa pelikula, na siya ang magdidirek. Ang Viva Films ang magpo-produce nito, kung kaya't ito muna ang mauuna niyang gawin bago ang nababalitang pelikula ni Aga with Angel Locsin sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magga-grind kami ng July, then, magpu-full blast kami sa August," banggit ni Direk Joyce.

Hindi pa raw masabi ni Direk Joyce kung ano ang magiging title ng movie, although meron na raw. Yun nga lang, dahil title ito ng isang kanta kaya't kasalukuyan pa raw nine-negotiate ang rights nito.

"Maganda ang kuwento. Light siya, pero kuwento ito ng mga tumigil na sa career, yung walang nangyari. Hindi naman loser, pero maganda, maganda yung istorya. It's more on edad na namin," sabi niya.

Ito ang ikatlong pagkakataon na maididirek ni Direk Joyce sina Aga at Regine, pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako... Ikaw Lang (2001).


STAIRWAY TO HEAVEN. Pag nagkataon, mag-o-overlap si Direk Joyce ng shooting for Aga-Regine movie at taping ng GMA-7 primetime series na Stairway to Heaven, na sa August naman ang simula.

May leading lady na ba si Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven?

"Wala! Wala pa talaga, kahit Eunice, wala pa. Si Dingdong pa lang talaga," sabi ni Direk Joyce.

May say ba siyang pumili?

"Usually, wala naman akong say. I just give my kunwari, vote. They will give you short list, like, 'Who's your No. 1, who's your No. 2,' ganoon. Pero it's still the management."

Pang-apat na nila ni Dingdong sa teleserye ang Stairway to Heaven, pagkatapos ng Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Masasabi ba niyang ang pinakamalaking kaibahan ng Stairway to Heaven ay sila na lang ni Dingdong ang magkasama ngayon? Sa unang tatlo kasi nilang teleserye ay si Marian Rivera ang kapareha ni Dingdong.

"Oo, at saka ano, iyakin kasi si Cholo. So, yun ang challenge sa amin. Even kay Dingdong, alam naming maganda, pero ang hirap, ano? Oo, ang hirap! Even yung direction ng Stairway, ang galing! Kinarir niya, may reverse! Alam mo yung sa TV, 'eto,' eto na! 'Yun, may reverse."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas may pressure ba ito sa kanya?

"Oo, may pressure siya," sambit niya. "Kasi yung Marimar, maganda ang kuwento. Pero sabi ko, wala naman tayong kailangang baguhin sa kuwento kasi maganda na siya. Production-wise, puwede nating pabonggahin. E, 'eto, maganda na siya, production-wise, maganda pa! So, nakaka-ano, baka mako-compare less or mako-compare na mas maganda."

Kung siya ang tatanungin, sino ang gusto niyang gumanap na Jodi?

"Naku! Naku!" tila na-tense na reaction ni Direk Joyce. "Pero sige, ito ha, ako lang 'to ha... Ako lang... Ang Jodi na nakikita ko, si Heart [Evangelista]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN