PEP EXCLUSIVE: Cristine Reyes clarifies reported "date" with John Lloyd Cruz

FHM's Sexiest Pinay Cristine Reyes clarifies reports that she and actor John Lloyd Criz were spotted "dating" in a restaurant in Katipunan, Quezon City. While she admits that they saw each other there, their meeting was only a coincidence.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang FHM Sexiest Pinay this year na si Cristine Reyes sa isang birthday party kahapon, July 16, sa Makati. Tinanong namin siya tungkol sa napabalitang "date" diumano nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Matatandaang lumabas kahapon dito sa PEP at maging sa ibang tabloids ang "pagde-date" diumano nina Cristine at John Lloyd sa isang resto-bar sa may Katipunan, Quezon City, noong Martes ng gabi, July 14. Ayon pa sa text message na natanggap ng PEP, nakita pa raw ang dalawa na "naghahalikan at nagyayakapan." (Click here to read related story.)

Ayon kay Cristine, totoong nagkita sila ni John Lloyd sa Countryside Restaurant, Katipunan Ext., noong gabing 'yon, pero hindi raw sila magkasama. Nilinaw ng young sexy actress na iba ang mga kasama niya at iba rin ang kasama ni John Lloyd.

Dagdag niya, pumunta siya roon sa restaurant kasama ang ilang kaibigan upang kumain. Bigla na nga lang daw siyang nagulat nang nakita niya si John Lloyd doon, kasama ang mga kaibigan nito, kaya agad niyang binati ang aktor.

Nang tinanong naman ng PEP kung totoo ba na nakita silang nagyakapan at naghalikan sa naturang restaurant ay agad niya itong pinabulaanan. Aniya, "exaggerated" talaga ang mga kuwentong naglabasan. Halata sa mukha ni Cristine na nagulat siya na may biglang lumabas na balitang ganoon.

Ang kuwento ni Cristine, noon lang daw ulit sila nagkita ni John Lloyd at hindi pa inaasahan, kaya naman napahigpit ang pagyakap nila sa isa't isa. Pero nag-beso lang daw sila at hindi totoong naghalikan.

Hindi rin daw totoo na halos walang tao sa restaurant. Maraming kumakain noong oras na 'yon, aniya, dahil malapit ito sa eskwelahan at mga establishments sa Katipunan.

Sinabi rin ng young sexy actress na malapit talaga siya kay John Lloyd dahil close friends ang mga tatay nila. Pareho kasing taga-Santolan, Pasig, ang mga ama nila at doon din lumaki ang aktor. Kahit wala pa raw si Cristine sa ABS-CBN ay matagal na talaga silang magkakilala ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Cristine sa PEP na magkaibigan sila ni Liz Uy, ang ex-girlfriend ni John Lloyd. In fact, kinuha pa nga niya ang serbisyo ni Liz bilang stylist noong FHM presscon noong July 1 at sa FHM 100 Sexiest Women victory party noong July 9. Kaya hinding-hindi niya raw magagawa 'yon sa kaibigan niya.

Bigla tuloy napaisip si Cristine na kaya ginawang "exaggerated" ng source ng PEP ang nakita nito ay dahil baka konektado raw ito sa grupo na gustong pagtakpan ang lumalaking issue tungkol kina John Lloyd at Ruffa Guttierez, na napabalitang nagkita nang palihim sa U.S.

STAYING WITH ABS-CBN. Samantala, kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon upang tanungin si Cristine sa estado ng career niya. Maugong kasi ang balitang hindi na siya babalik sa GMA-7 dahil tinapatan daw ng ABS-CBN ang alok ng Kapuso network sa kanya.

Aniya, wala pa naman kahit anong confirmation, pero mukhang napag-aralan na nila ng manager niya na si Veronique del Rosario ang option na baka mag-stay pa rin sila sa ABS-CBN since maganda raw ang offer sa kanya. Bukod sa balitang tinapatan daw ang offer ng GMA-7, may offer din daw agad ang ABS-CBN na dalawang primetime shows sa kanya na siya ang title role. Pero nilinaw ni Cristine na wala pang final confirmation ang lahat.

Nasabi rin ni Cristine na excited na siyang magbalik-trabaho dahil sunud-sunod daw ang buhos ng blessings sa kanyang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN