Dingdong Dantes on Marian Rivera: "Siya ay mas importante pa sa salitang importante."

Dingdong Dantes doesn't describe Marian Rivera as the most important woman in his life. He said, "Siya ay mas importante pa sa salitang importante."


Dingdong Dantes is paired for the first time with comedienne Eugene Domingo in her launching film, Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme. May ilang nagbibigay na ng komento na medyo in bad taste daw na parang yung kissing scene nina Dingdong at Eugene ang nagiging pambenta ng pelikula gayong mas marami naman daw ang dapat na abangan dito.

Sa press visit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Kimmy Dora last Thursday night, July 15, sa Antipolo, sinabi ni Dingdong na may punto nga naman ang opinyon nila dahil para sa kanya ay mas dapat abangan ang pinakapuso ng pelikula. Ito ay ang istorya ng dalawang katauhan na ginagamapanan ng mahusay na komedyana.

"Totoo naman ang sinasabi nila, puwedeng tanong siya," sabi niya. "Pero hindi naka-focus dun ang pelikula. More to that kissing scene na hindi naman romantic kissing scene kung tutuusin because it's nakaw-halik scene lang. Ang puso ng pelikula talaga ay ang istorya ng dalawang kambal na magkapatid na babae na nag-i-struggle sa kanilang pakikitungo sa isa't isa. Actually, tinatanong lang kasi sa amin ang tungkol sa kissing scene kaya sinasagot lang namin."

Ayon kay Dingdong, more than money, yung experience of working with Eugene, Direk Joyce Bernal, and Piolo Pascual as a producer ang mas makabuluhan para sa kanya.

"More to money, it's an experience that can't be equated with money. Para sa akin, marami akong na-gain sa movie na ito. Kuwela, mula day one, ang saya ng experience working with Eugene, with Direk Joyce. Okay si Piolo as producer. In very rare times na nagpunta siya sa set, nakita ko naman na talagang he makes sure that everything is under control."

Ano ang most memorable scene para sa kanya? "Yung memorable na scene siguro for me is yung pool scene namin kasi nagpakita siya ng powers niya dun, it was an effect shot. Maganda yung pagkaka-execute ni Joyce, plus maganda rin ang suot ni Uge," tugon ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"WALANG SIGURADO." Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa relasyon nila ni Marian Rivera.

"Okey naman, mukha namang walang problema," sabi ng aktor. "Relationship, well, nag-iba siya kasi we're not working together anymore. I'm sure mag-iiba siya, pero siguro it will make it better dahil ang sukatan naman ng isang relationship, sabihin mo sa pamilya pa 'yan, sa kaibigan, or whatever, name it, kung hindi ba sila nagkikita, malalaman mo 'yan sa na-develop na pagsasama ninyo through the years."

Kung si Marian ay nagsalita na si Dingdong ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay nito ngayon, masasabi ba ng aktor na si Marian din ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya ngayon?

"Sabihin na nating 'tao,' hindi naman puwedeng sabihing pinakaimportanteng babae... Siyempre, nandiyan ang mommy ko, ang mga kapatid ko. Pero bilang tao na malapit sa akin, siya ay mas importante pa sa salitang importante."

Sa sinasabi ni Dingdong na may mababago ngayon dahil hindi na sila nagkakasama sa isang trabaho ni Marian, paano kaya kung somewhere along the way ay mabago na ang nararamdaman nila para sa isa't isa at mauwi lang sa wala ang lahat?

"Dun papasok yung tibay ng pundasyon ninyo sa mga pinagsamahan ninyo. Hindi ko masasabing mapi-predict ko lahat ng mangyayari, pero masasabi ko na sa lahat ng napagdaanan namin, I'm very positive, I have a positive outlook. Pero kung sigurado-sigurado, walang sigurado."

Nasulat kamakailan na nakita raw sina Dingdong at Marian kasama ang mga kapatid ng aktor na namamasyal sa Edsa Shangri-la, pero ang katawag-tawag pansin daw ay ang sobrang PDA o public display of affection ng dalawa.

"Ah, oo, enjoy-enjoy lang. Actually, maraming beses na kaming lumalabas. Mas mabuti kesa nag-aaway kami. Pero alam mo ang PDA, depende sa kung sino ang nakakakita niyan. Kung conservative ang tao na nakakita nun, kahit sabihin mong may kaunting show-off ka lang ng kaunting gestures, kahit pagiging gentleman, mami-misinterpret mo 'yan as PDA. Pero para sa iba naman, normal lang 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN'S SEXY POSE. Marami ang nagulat nang lumabas ang sexy pose ni Marian sa isang sikat na magazine. Ayon sa mga balita ay hindi raw ito ipinaalam ni Marian kay Dingdong dahil alam nitong hindi papayag ang aktor. Ano ang masasabi rito ni Dingdong?

"Hindi naman kailangan, wala nang paa-paalam pagdating sa ganun. Wala naman akong karapatan na gawin yun, I will never do that to a professional, sa kapatid ko man o sa sinumang espesyal sa akin. I know her [Marian] capability, she knows her limitations and I know kung anuman ang gawin niya ay hindi magiging bastos."

May bali-balita rin na mas boto raw ang pamilya ni Dingdong kay Marian kaysa sa ex-girlfriend ng aktor na si Karylle. Dito ay iwas namang magbigay ng pahayag ang aktor.

"As I can see, mukha naman silang masaya sa isa't isa. Magulang ko lang ang makakapagsabi niyan, but mayroon din silang sinasabi. Pero siyempre, sa akin na yun."

Tinanong din namin si Dingdong kung may komunikasyon pa ba sila ni Karylle at kung bukas pa ba siya na baka kahit friendship lang ay maaring maibalik sa kanila ng ex.

"Wala na kaming communication. It's all up to God. Wala tayong control diyan, but ayoko nang pag-usapan ang tungkol diyan," paiwas ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN