John Lloyd Cruz says friendship with Sarah Geronimo remains "special" despite Ruffa rumors

"I'd like to think na ang taong tinawag mong kaibigan ay laging nakakaintindi, laging naniniwala, lagi kang bibigyan ng pagkakataon. Nagtawagan kaming magkaibigan, tinawag ko siyang kaibigan, alam kong kaibigan niya ako," says John Lloyd Cruz about Sarah Geronimo.


Sa pagputok ng relasyong John Lloyd Cruz-Ruffa Gutierrez, marami ang naniniwala na maaaring makaapekto ito nang malaki sa popularidad na tinatamasa ngayon ng aktor.

Hindi nga lang daw mga masusugid na tagahanga ng aktor ang nagbibigay ng negatibong reaksiyon tungkol sa sinasabing tagong relasyon ng dalawa. Balita na kahit maging ang pakikitungo ng kaparehang si Sarah Geronimo ay apektado rin ng mga lumabas na balita tungkol kay John Lloyd.

Sa nakaraang presscon nina John Lloyd at Sarah as the new endorsers of Lucky Me Pancit Canton ay inamin ng Pop Princess na nailang talaga siya sa aktor nang magkasama sila sa isang segment ng ASAP '09, kung saan pareho silang nag-host last Sunday, July 12. Sa kabila ng pagsasabi na maayos na ang samahan nila ng aktor ay iniisip ng iba na maaaring lumaki ito kung hindi maaayos kaagad at maagapan.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktor ay agad namin siyang hiningan ng reaksiyon kung para sa kanya ba ay hindi nakaapekto sa pagkakaibigan nila ni Sarah ang mga intrigang ipinupukol sa kanila.

"I'd like to think na hindi, kasi 'pag tinawag mo namang kaibigan ang isang tao, ang taong tinawag mo nang kaibigan ay laging nakakaintindi, laging naniniwala, lagi kang bibigyan ng pagkakataon. Nagtawagan kaming magkaibigan, tinawag ko siyang kaibigan, alam kong kaibigan niya ako, naniniwala ako na ang isang kaibigan ay nakakaintindi at naniniwala.

"Matagal kaming hindi nagkita, nagkasama kami dito sa Lucky Me presscon. So to be honest, I wouldn't say na ganun pa rin kami ka-close ngayon as before. Siyempre yung time sometimes set you apart, yung level of closeness medyo nabago. But in terms ng pagiging special, it's still the same."

STAYING FRIENDS WITH EX. Nabalita kamakailan na dinalaw raw ni John Lloyd ang ex-girlfriend na si Liz Uy at dito ay nagkausap daw ang dalawa. Klinaro naman ito sa amin ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkita kami sa isang studio sa Makati, nagsu-shoot ako dun, maraming mga artista, nagsu-shoot din siya. Tinext ko siya, 'Sobrang busy ka ba? Can I see you for a minute?' Nagkausap kami, yun ang mga bagay na normal na ginagawa ng magkakakilala," lahad ni John Lloyd.

REUNION MOVIE WITH BEA. Kinumpirma ni Bea Alonzo na isang pelikula ang pagtatambalan nila uli ni John Lloyd under Star Cinema. Aminado na excited na makapareha uli ang dating ka-loveteam lalo't naging maganda ang naging resulta sa takilya ang huli nilang pinagsamahang pelikula, ang One More Chance.

With One More Chance's box-office result, may pressure kaya kay John Lloyd na hindi lang mapantayan kundi dapat mahigitan nila ang kinita at ganda ng istorya ng naturang pelikula?

"Alam naman nating lahat, maraming supporters ko na kahit naging successful ang mga movies ko with Sarah, naririnig mo pa rin na marami sa kanila paborito ang One More Chance. Para sa akin, napakaganda ng pelikulang yun, napakatalino kung paano ginawa. Para mabigyan uli ng chance ng isa pang pelikula na kasama si Bea na nakasama ko sa pelikulang yun, wala na akong mahihiling pa.

"Ang gusto ko every time na gagawa kami ng pelikula, mas maganda, mas malalim, kasi yun ang gusto namin. Yung growth na hinahanap namin through our movie, gusto naming mai-share sa isa't isa yung growth na nae-experience namin by working with other artists. Siyempre, I'm looking forward [to] it, although medyo matagal pa. But it's something that would happen definitely.

"Ang importante kasi sa akin ay kung gaano karami o kalawak ang naaabot ng pelikula namin in terms of touching their heart or touching their lives, mas importante sa akin yun. Yun nga lang, hindi ko masisiguro kung itong mga susunod na mga pelikula ko ay mahihigitan ang mga naging pelikula ko in terms of box office. Yun ang mga bagay na walang kasiguraduhan," pagtatapos ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN