Moviegoers brave torrential rain for Piolo Pascual's Manila and Cinemalaya opening

Filming at the Malabon dumpsite was the hardest scene he had to do in Manila, Piolo Pascual said: "Yung nakahiga ako run. Meron pa kong makeup, talagang nilalangaw ako kasi yung fake blood na nasa akin."


Piolo Pascual's Manila was the opening film for the Cinemalaya Cinco held at the CCP Main Lobby Theater last Friday night, July 17. The Cinemalaya film festival will run from July 17 to July 26.

At kung pagbabasehan ang attendance ng mga taong nanood ng Manila sa kabila ng napakalakas na ulan, masasabing isa sa mga successful openings ng Cinemalaya ang naganap noong Biyernes ng gabi.

"Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko," simulang pahayag ni Piolo na nakangiti. "Siguro more than anything, I feel relieved na, finally, naipalabas dito because this film is close to my heart. Upon watching it again for the second time, after Cannes, iba ang feeling na alam mong nandito ka sa bayan mo, sa Pilipinas, at ang mga kababayan mong nanonood, ibang-iba."

Ang Manila ang first independent film na iprinodyus ni Piolo. At the same time, siya rin ang gumanap na bida sa pelikula. Kumpara sa mga pelikulang nagawa na niya, masasabing ibang-ibang Piolo ba ang mapapanood dito?

"Kasi naman po, noong ibinigay sa akin ito, noong in-offer sa akin ito, gusto ko na talaga na gumawa ng iba. And that's why, nagka-appeal siya sa akin because in essence, I come in full circle na rin dahil marami na akong nagawa sa Manila. Mga soap opera, pelikula na nagawa ko, marami na akong nagawa sa Manila, and I grew up in Manila. So, it's close to my heart," saad niya.

Marami ring artistang nag-cameo appearance sa Manila, like Angelica Panganiban, Iza Calzado, Jon Avila, Baron Geisler. Bukod pa sa part of the cast like Rosanna Roces, Alessandra de Rossi, Jay Manalo, Anita Linda, among others. Personal choice ni Piolo ba ang mga nabanggit na artista na lumabas sa pelikula niya?

"Choice po ng mga directors," sagot ng actor-producer. "And we're blessed na yung gusto naming original na gumanap sa istorya, yun po ang nakuha namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTRASTING ROLES. Sa dalawang characters na ginampanan niya sa pelikula, ano ang mas nagustuhan niya?

"Magkaiba siya, e. Magkaibang-magkaiba. Makikita mo ang difference ng pagkakadirek ni Direk Adolf [Alix] at Direk Raya [Martin]. Makikita mo na contrast sila, makikita mo ang difference the way they executed the story, the script. Ako, malaking blessing kasi ang importante sa akin, alam ng director kung saan ako dadalhin, kasi nagre-rely ka lang naman, naka-depend ka sa director mo. So, magkaiba sila ng atake."

Walang duda na sa mga actors ngayon, si Piolo yung kahit lumihis sa traditional ay nadadala pa rin at matatawag talagang totoong aktor. Napangiti ito at tila nahihiya pang nagsabi na, "Sobra naman, sobra naman!"

Ang eksena raw niya sa may Malabon dumpsite ang pinakamahirap niyang scene sa Manila.

"Yung nakahiga ako dun. Wala akong choice, e. Meron pa akong makeup, talagang nilalangaw ako kasi yung fake blood na nasa akin. I have to stay there for how many minutes para lang maging believable ang eksena.

"And there was a time na kahit nagsu-shooting kami, inulan kami. So, hindi lang talaga birong hirap ang inabot namin para lang makuha ang eksenang yun. And all the scenes in Manila, mahirap kasi para i-mount mo yung mga landmarks ng Manila, tulad ng Hidalgo, Remedios Circle, yung Jones Bridge. I think, yung pagma-mount pa lang sa Quiapo, parang mahirap na, e."

KC CONCEPCION SAYS "BEST FILM EVER." Hindi nakaligtas sa paningin ng mga entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), ang pagdating at panonood ni KC Concepcion sa buong duration ng Manila. At pagkatapos ngang magbigay ng short speech si Piolo ay magkatabi na silang nanoood ng pelikula.

Personal ba niyang inimbitahan ang leading lady niya sa Lovers in Paris ?

"Yes!" mabilis na sagot ni Piolo. "Malaking karangalan sa akin na maimbitahan siya rito at the same time, pumayag na sumama, kasi talagang gusto ko rin siyang ma-expose sa indie film."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balak din ba siyang ipag-produce si KC?

"Mas marami siyang pera sa akin, siya na lang ang mag-produce!" natatawa niyang sabi.

Pero kung magkakaroon ng offer for them to do an indie film, he would be more than willing to do it daw.

"Opo naman, depende rin naman sa konsepto yun. Ako naman, hindi naman ako nagde-depend sa artista. Ako, gusto ko munang makita ang concept at kung may relevance ba ang istorya."

Ano ang narinig niyang reaction kay KC pagkatapos nitong mapanood ang movie?

"Happy siya... happy siya. Sabi niya, 'it's the best film ever' daw. Sabi ko, Wooh?!" ang natatawa na sabi niya na tila sinasabing baka binobola lang siya ng bagong kapareha.

HELPING INDIE FILMMAKERS. Ano nga ba ang fulfillment na nararamdaman niya ngayon now that he's an indie producer?

"Hindi ko pa po alam... hahayaan ko munang mag-sink in sa akin," nakangiti niyang sabi. "Kasi, ang intention ko lang naman po ay makatulong doon sa independent filmmaker, at the same time bigyan ng break ang mga directors na makikita mo na alam mong may talento. Kailangan lang ng opportunity, kailangan lang ng break para makilala at magkaroon sila ng exposure."

Malaking influence ba sa career niya that he also started in Lagarista, which was an indie film, too?

"Malaking influence yun kasi, like in Lagarista, nag-shoot kami sa Quiapo. Tapos, yung first soap na pinagbidahan ko was Mangarap Ka, nag-shoot kami sa Quiapo. That's why it came in full circle dahil maraming significant film sa buhay ko na dito sa Manila nangyari," sabi ni Piolo.

Marami pa bang indie films na ganitong tipo ang gagawin niya?

"Kung palaging ganitong klase, why not, di ba? Ito naman, lumapit lang naman sa akin sina Direk Adolf, Direk Raya. When they presented to me the concept, buo na siya. Buo na ang script sa akin. When they asked me if I wanted to co-produce it and I saw the potential, yun nga lang ang ini-aim namin, ang makapasok siya sa Cannes. Tapos, nag-open pa siya ng Cinemalaya, sobra-sobrang blessing. At talaga namang nakaka-encourage na nag-produce ka pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Click HERE to join PEP's online promo for Cinemalaya tickets. The screening schedule of the competition films can be viewed HERE.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN