Are You The Next Big Star? eliminations continue tonight

Could it be curtains for Christine Allado this week? She, together with Alexa Ortega, Greggy Santos and PJ Gonzales, are at the bottom of the pile after last Saturday's episode.


Last Saturday, na-eliminate sina Anton Cruz ng Quezon City at Shane Tarun ng Marikina, both 16 years old. Sila ang pair na pangalawang na-eliminate among the Circle of 16 kung kaya't ngayong Sabado, after ng Pinoy Records sa GMA-7, labing-dalawa na lang ang natitira sa mga contestants ng Are You The Next Big Star?

Sina Geoff Taylor, Alex Castro, PJ Gonzales, Bobby Solomon, Jay Perillo and Greggy Santos ang natira among the boys, at sina Zyrene Parsad, Alexa Ortega, Camille Cortez, Cara Quiapos, Frencheska Farr at Christine Allado naman sa mga babae

Yun nga lang, isang pair na naman daw ang posibleng matanggal ngayong gabi sa dalawang pares na kasama sa bottom threes noong Saturday. Nakaligtas man sila last week, this time ay mukhang dalawa sa apat ang haharapin na ang pagkawala ng chance nilang matawag na next big star.

Nasa "bottom" sina Greggy Santos at PJ Gonzales para sa mga lalaki, at Alexa Ortega, at Christine Allado para naman sa mga babae.

Bukod sa mga celebrity judges ng show na sina Annie Quintos, Mon Faustino, Danny Tan, Randy Santiago at Pops Fernandez, kasama na rin sa pagboto at pagpili ang taong bayan dahil ini-open na ang botohan last Saturday and closed last Tuesday naman kunsaan nagaganap ang mismong araw ng taping ng show.

Bukod pa rito, dapat din abangan ang Big Star Diary kunsaan, after Richard Gomez, ay si Allan K naman ang feature star ngayon. For the show, umuwi pa si Allan sa Bacolod kunsaan dinalaw niya ang mga kapatid du'n at hindi raw nito napigilan ang mapaiyak nang dalawin niya sa sementeryo ang puntod ng kanyang ina.

Ang Are You The Next Big Star? is hosted by Regine Velasquez with Keempee de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN