Vhong Navarro has cameo role in Kimmy Dora

Kimmy Dora is one of several projects that Vhong Navarro is doing now without Toni Gonzaga. Her fans want to see her teamed up with someone else for a change. Funnyman Vhong is philosophical about the separation: "Siguro nagsasawa na rin sila na kami na lang nang kami. Gusto nila another flavor, another teamup."


Sa pagpirma ng kontrata noon ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN ay kinumpirma ng TV host/actress na isa na namang pelikulang pagtatambalan nila ni Vhong Navarro ang gagawin niya para sa Star Cinema. Agad naglabasan ang ilang negatibong reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga. Ayon sa mga e-mails na pinadala sa ilang mga manunulat, sana raw ay ipareha naman ang kanilang idolo sa iba at hindi puro Vhong na lang ang nakikita nilang katambal ng aktres sa tuwing gagawa ito ng pelikula.

Suhestiyon na mukha namang nagkaroon ng katuparan dahil sa nakaraang interview namin kay Vhong sa set ng Kimmy Dora: Kambal na Kiyeme ay kinumpirma ng komedyante na hindi na tuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Toni at may kani-kaniya na silang pelikula na nakalinyang gawin sa ngayon.

"Alam ko nagkaroon ng change of concept, maghihiwalay kami ni Toni ngayon. May gagawin siya na di ako ang ka-partner niya, ako may gagawin ako with Direk Joyce pero iba yung ka-partner ko.

"Ang magandang nangyari dun, parang nagkaroon din ng idea ang Star na bigyan kami ng ibang ka-partner ni Toni. Mahe-hurt ako nun kung natuloy yung sa kanya at sa akin ay hindi. Yun ang medyo masakit pero binigyan naman kami parehas ng ibang project so maganda yun para sa aming dalawa."

"ANOTHER FLAVOR, ANOTHER TEAMUP."Ayon kay Vhong, naiintindihan niya ang naging rekasyon ng mga tagahanga ni Toni para sa kanilang hinahangaang aktres.

"Ako, naiintidihan ko yun, gusto naman nila nang bago, totoo naman yun. Ang nangyari kasi naging kami na lang, siguro nagsasawa na rin sila na kami na lang nang kami. Gusto nila another flavor, another teamup.

"Siguro kung magiging makitid ang pag-iisip ko, mahe-hurt ka, pero kung lalawakan mo naman at magiging totoo ka, maiintindihan mo. Ako, nabasa ko rin 'yan, di naman natin mapipilit ang ibang tao, sarili nilang opinion yun. Siyempre idol nila si Toni, maiintindihan mo talaga. Siguro kundi ako taga-industriya, di ko maiintindihan yung mga ganun, masasaktan ako kasi kung tutuusin masasaktan ka talaga kaya dapat lawakan mo na lang ang isipan mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa siya sa may cameo role sa pelikulang Kimmy Dora. For love ang pag-guest ni Vhong sa nasabing pelikula, lalo't malapit sa kanya ang producer nitong si Piolo Pascual at idolo ang bida ditong si Eugene Domingo.

"Nag-cameo ako, isa ako sa mga waiters na gaganap kasama nila Erik, Christian, Piolo. Nakakatuwa kasi kaibigan ako ni Direk Joyce, kaibigan ko rin si Piolo. Nung tumawag siya sa akin kung puwede raw ba akong mag-cameo, siyempre tuwang-tuwa naman ako.

"Idol ko si Uge, fan na fan niya ako. Matagal ko na siyang gustong makatrabaho at di mangyayari yun dahil sobrang busy niya. Sabi ko ito na yung chance so pumayag ako."

FRIENDS WITH EX. Kinumpirma ni Vhong na after three years' relationship ay nauwi rin sa breakup ang relasyon nila ni Desiree del Valle. Aminadong masakit para sa kanya ang nangyari pero ang ikinaganda ay naghiwalay silang magkaibigan ng ex kung saan nung namatay nga ang father nito, si Vhong ang una niyang tinawagan.

"Magsi-seven months na kaming hiwalay. It's a mutual decision between us para mag-grow kaming dalawa. At the same time, ayoko kasing dumating sa punto na trabaho ang humadlang sa relasyon namin. Maganda na mag-focus na muna kami dun. Ang nangyari kasi para maging maganda, 'wag mo nang paabutin kung alam mo nang papunta din dun, inunahan ko na. Mas okey kami. Pinag-usapan namin yun maigi, mag-concentrate muna kami sa mga priorities namin. Siyempre masakit, pinakamatagal kong relasyon yun."

"Nagkakausap kami, kumustahan. Mayroon ngang nangyari na di maganda sa kanya kasi yung Dad niya namatay. Ako ang una niyang tinawagan para ipaalam. By phone nakilalala ko ang father niya."

Siniguro sa akin ni Vhong na sa kabila ng pain na nararamdaman niya ay okey na siya sa tulong na rin ng mga kasama sa Kanto Boys at bonding sa mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, sobrang okey na ako. Madalas ang kasama ko sila Jericho, sila Lloydie, Billy, nagba-basketball kami. Kasama ko rin madalas ang mga anak ko, so okey ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN