Roxanne Guinoo says it was trouble with script, not kissing Guji Lorenzana, that made her back out of Bud Brothers episode

It wasn't just the flap on Bud Brothers that people wanted to hear Roxanne Guinoo's side of, but the actress was famously tight-lipped. In a moment of candidness, she decided to speak to the press and lay to rest some issues.


Sa kabila ng pagiging di visible sa telebsiyon o pelikula, paborito pa ring pukulan ng mga intriga si Roxanne Guinoo. Pinagtatakhan nga lang ng marami kung bakit sa kabila ng mga di magagandang lumalabas tungkol sa kanya ay nananatiling tikom ang bibig ng aktres para idepensa ang sarili o linisin ang kanyang pangalan.

Pero sa nakaraang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News Alert Weekend Edition kay Roxanne sa nakaraang launching cum blessing ng 400th 7-11 branch sa Thelus Bldg. sa Cubao, ay isa-isang sinagot at binigyang linaw ng kontrobersyal na aktres ang mga isyu patungkol sa kanya.

KISSING GUJI WASN'T THE PROBLEM. Una na rito ang balitang pagba-back out daw niya sa Bud Brothers episode dahil ang makakapareha niya ay si Guji Lorenzana na bukod sa isang baguhan ay ayaw daw makipag-kising scene dito si Roxanne.

"Ay hindi. Nung nagwo-workshop kami ni Guji, baka ako ang mag-adjust sa kanya. Theater actor yun and sobrang professional si Guji, walang problema sa kanya, alam niya yun. Ang nangyari lang, today ang workshop, tomorrow yung taping. After ng workshop ko, natanggap ko yung final script. Nung nabasa ko yung whole script, 'teka, parang di ko yata kayang gawin yun.' Tumawag ako agad, 'Nay, kaya ko bang gawin ito?' Ganun lang. Kung anuman ang naging problema, naayos namin. Sila Direk Loren ang nag-decide. Ayaw nilang mag-take ng risk, ganun din ako. Ayokong mabulilyaso yung work, yung project dahil sa akin. Ayokong gawin yun kung di rin ako kumportable.

"Di dahil sa inayawan kong makapareha si Guji, di yun ang reason. May mga ibang reasons talaga na napag-usapan naming. Di kami nagkaintindihan, yung management, yung manager ko, sila Mr. M, Ms. Mariolle. Ang sa akin lang, ang nasa puso ko talaga ay nasa drama. Ang importante kasi, pag gumagawa ka ng trabaho, dapat willing kang ibigay ang sarili mo. Ayoko namang naiiba yung linya ko sa naipangako sa akin at sa gusto kong gawin. Di sa namimili ako, pinaninindigan ko kung ano ang gusto ko. Ito yung akala ko ay gagawin ko, ito yung gusto kong gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagtataasan siya ng kilay dahil ilang beses rin naman daw na nakita siyang nakipag-kissing scene sa ex-boyfriend na si Jake Cuenca sa mga shows na pinagtambalan nila. May explanation na binigay sa amin si Roxanne.

"Sabi nga ng iba, 'bakit daw ako nag-aarte, e, nagawa ko na naman daw before?' Siguro kung nagkaroon man ako ng pinakamatinding halikan, yun yung sa ex-boyfriend ko na si Jake. Nung time naman na yun willing akong gawin coz boyfriend ko naman yung tao. Dun sa MMK, fresh lang yung nangyari sa amin. Yung sa MMK episode, ako ang humingi nun. Sa huling pagkakataon lang, magkasama kami, dito mailabas yung mga emosyon namin na grinant naman ni Star Magic, ng manangement na ang kinalabasan, maganda."

BAD FEELINGS ON BUD BROTHERS SET. Balita na nagalit daw si Direk Cathy-Gracia Molina, director ng supposed-to-be Bud Brother's episode nina Guji at Roxanne, sa aktres kung kaya't ura-urada siyang pinalitan ni Kaye Abad. Para kay Roxanne ay naiintindihan niya kung ito man ang maramdaman ng mahusay na direktora sa nangyari at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang magkausap sila ni Direk Cathy.

"Naiintindihan ko naman kung bakit, siya may expectations siya sa amin ni Guji at naniniwala siya sa amin. Nagkataon na ganito ang nangyari, di ako nakapag-explain. Ang ginawa ko na lang, kami ang nagkaintindihan ng manager ko.

"Gusto ko talaga siyang makausap, gugustuhin ko talaga na mangyari yun. Bago pa man yun, tinanong niya ako kung hanggang saan ang kaya kong gawin, sinabi ko, at dun medyo nag-panic na siya."

Isa rin sa isyung nasulat ay ang pagiging pasaway daw ni Roxanne sa katatapos na Star Magic Tour kung saan na-late daw ang aktres sa flight nila pabalik ng bansa.

"Nung lumabas yung issue na 'yan, tumawag agad ako kay Ms. Joy, yung secretary ni Mr. M na nag-assist sa amin nila John Lloyd, Maja, kasi si Ate Nenet, yung manager namin, di nakasama. Sabi ko nagpapasalamat ako sa pag-aalaga pero bakit may lumabas na ganun? Ang sabi niya sa akin, klarong-klaro, 'wala akong naging problema sa iyo, Rox.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After the show nung gabing iyon, nagpalaam ako kay Ms. Joy na dun ako uuwi sa family ko kasi may relative ako na malapit lang dun. One day ang free day namin para mamili, so the next day sila ang nag-assist sa akin kung gusto kong mamili. Sa paghahatid sa akin sa airport medyo na-delay ako kasi nahirapan akong mag-packed, last minute nagpa-packed pa ako ng gamit ko. Tumawag ako, 'Ate Joy, sorry, medyo male-late ako.' Dumating naman ako dun, nakasabay ko pa sila Kuya Allan at yung ibang mga taga-Star Magic, nagtse-check in pa, so meaning, di ako super late dun, medyo na-delayed lang ako."

LOVE OVER CAREER? Marami ang naghahanap at nanghihinayang kay Roxanne kung bakit di raw ito visible sa mga ABS-CBN shows sa ngayon. Para kay Rox, sa nangyayari ay buung-buo niyang ibinibigay ang tiwala sa mother studio.

"Ako naman, ang pinaniniwalaan ko lang naman ay ang sarili ko na aalagaan ako ng ABS, na inaalagaan ako ng Star Magic, na sila ang magbibigay ng tamang trabaho para sa akin. Yun ang sa akin, tamang trabaho, bukod sa gusto ko ang ginagawa ko, kailangan ko lang ng trabaho. Totoo 'yan but I won't take the risk. Ano na lang ang kahihinatnan ng gagawin ko after? Ako naman, di sa nagmamalaki, lahat naman ng tao may kani-kaniyang desisyon, ganun lang yun. Ako, pinaglalaban ko lang ang gusto ko. "

Open book ang relasyon niya sa non-showbiz boyfriend. Duda tuloy ng iba, nawawala raw ang focus ni Roxanne sa kanyang showbiz career pag may karelasyon ito.

"Hindi, ako marunong akong magbalanse. Nung kasagsagan ng trabaho ko, kahit ang ex ko, nagsasabi na marunong ako magbalanse talaga. Okey kami ng boyfriend ko. Tahimik kami. Siyempre nahihirapan siya sa part na wala na nga akong work sa ngayon tapos ganyan pa ang mga lumalabas sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami after ng work niya, ng school niya, pag magkasama kami, kami lang, walang involved na trabaho, pero pag trabaho, trabaho tayo. Ang panahon namin ay pagkatapos ng trabaho namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN