Rochelle Pangilinan says she and Arthur Solinap are still in the courting stage

Rochelle Pangilinan says suitor and Daisy Siete co-star Arthur Solinap is the yin to her yang. "Kung sino pa ang lalake, siya pa yung parang conservative. Minsan natatawa na lang si Arthur sa akin kasi ang gulu-gulo ko," said the Sexbomb Girl.


Hindi na nagawang ma-deny pa ng Sexbomb Girl na si Rochelle Pangilinan ang balitang masugid na manliligaw niya ngayon ang pinsan ni Dingdong Dantes na si Arthur Solinap.

Ilang beses na raw kasi silang nagkasama sa afternoon drama series na Daisy Siete at nagka-develop-an nga ang dalawa. Sa season 23 ng Daisy Siete na "Chacha Muchacha" ay muling magkasama sina Rochelle at Arthur kaya hindi na maiwasan ni Rochelle na sagutin ang matagal nang napapansin ng marami sa kanilang dalawa.

"Nagsimula naman kami ni Arthur bilang magkaibigan, e. Kasi nga naging partner ko siya sa Daisy Siete nang ilang beses din. Minsan lalabas kami pero kasama ang ibang Sexbomb. Hanggang sa dumating na ang time na kaming dalawa na lang.

"Wala naman akong nakikitang masama kasi binata naman si Arthur at dalaga naman ako. Kaya match naman kami. Tisoy siya at morena ako. Para nga kaming kape't gatas!" tawa pa ni Rochelle.

Maalaga nga raw si Arthur sa kanya lalo na tuwing may taping sila ng Daisy Siete. Pinadadalhan pa raw siya nito ng pagkain.

"Ako rin naman may dala ring pagkain para sa kanya. Alam na kasi naming dalawa ang hilig naming kainin.

"Kasama nga iyon sa magandang pagsasamahan namin sa set. Si Arthur naman, ever since naman, malambing siya. Minsan nga tahimik lang 'yan. Nahihiya magsalita. Ako itong madaldal at maingay.

"Magkaiba nga kami pati sa kilos. Kung sino pa ang lalake, siya pa yung parang conservative. Minsan natatawa na lang si Arthur sa akin kasi ang gulu-gulo ko," tawa niya ulit.

STILL A SUITOR. Pero nililinaw ni Rochelle na hindi pa niya boyfriend si Arthur. Nanliligaw pa lang daw ito sa kanya.

"Iba na kasi kapag sinabing boyfriend mo, di ba? May commitment na. Ang hirap kasi, magkasama kami sa trabaho ni Arthur. Hindi ako sanay na may karelasyon tapos kasama pa sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey sana kung hindi kami magkasama sa Daisy Siete. Okey lang 'yon. E, hanggang magkasama kami sa iisang show, mahirap magkaroon ng commitment. Hindi sa ayaw ko kundi baka magkaroon kami ng problema, maapektuhan pa ang trabaho namin."

Kaya naman sobrang masaya ngayon si Rochelle dahil may lalakeng parating nagpapangiti sa kanya.

"Lagi naman akong happy, e. Parati tayong may trabaho at okey ang kalagayan ng pamilya ko. Sa personal naman, masaya talaga ako kasi may mga tao na tulad ni Arthur na nagpaparamdam na nandiyan siya parati. Yung maaasahan at mapagkakatiwalaan mo," pagtatapos ni Rochelle Pangilinan.

Bukod nga pala sa Daisy Siete: Season 23 (Chacha Muchacha) ay kasama rin si Rochelle sa GMA-7 sitcom nina Manny Pacquaio, ang Pambansang Kamao, at Marian Rivera na Show Me The Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN