Next Big Star finalist Alexa Ortega's old Facebook photos come back to haunt her

Pictures of Alexa Ortega from her Facebook account (insets) have surfaced, with suggestive labels attached by an unknown source. Some think it's an attempt to portray the Are You The Next Big Star? contestant as a sweet-faced singer with a racy past.


May nagpadala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga litrato ng female contestant ng Are You The Next Big Star? na si Alexa Ortega na may mga label na "flirty photo," "lesbian photo," at "kissing photo."

May litrato na may kahalikang lalaki si Alexa, meron din na may katabi siyang babae na nakalabas ang dila, may isa ring photo na katabi niya ay isang lalaki na nakataas ang t-shirt.

Mukhang may gusto manira kay Alexa dahil isa siya sa may malakas ang dating sa singing contest ng GMA-7. Parang gustong ipalabas na may other side ang maamo at mahinhin na hitsura ni Alexa, na sinasabing kahawig ng aktres na si Marian Rivera.

Nang ma-interview ng PEP si Alexa, sinabi nito na ang mga photos na 'yon ay galing sa kanyang Facebook account. Wala naman daw siyang nakikitang masama sa mga pictures na 'yon dahil ang mga kasama niya roon ay ang kanyang mga kaibigan at nagkakasayahan lang sila.

"I admit that I'm the one who is in those photos. Actually, they all came from my Facebook account and I don't know who took them and posted them on the internet. Marami kasi akong friends sa Facebook and some of them hindi ko naman personally na kilala.

"I'm just sad because they would use my photos to label me as a flirt, a wild party girl, or a lesbian. Mali lang ang naging interpretation nila sa mga photos ko," paliwanag ni Alexa.

NOTHING OBSCENE. May pinagtanungan nga kami na close kay Alexa at sinabi nito na wala naman daw ibig sabihin ang mga litratong 'yon. Puro mga classmates daw ni Alexa ang mga kasama niya noong nag-aaral pa siya sa U.S.

"Normal teenager si Alexa. She does crazy things as a teenager in school. Pero walang scandalous. Kung ano ang mga pictures na lumabas na 'yan, they are just having fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's nothing obscene about those photos. Nagkakatuwaan lang sila ng mga friends niya. Nagulat nga si Alexa dahil matagal na raw ang mga litratong iyon," sabi ng aming source.

Ayaw isipin ng aming source na may naninira kay Alexa dahil sa sinalihan nitong singing contest sa GMA-7. Pero kung nangyayari nga raw 'yan sa ibang mas malalaking contests, hindi na raw nakakapagtaka kung may mga gustong siraan si Alexa.

"Siguro ganyan talaga sa mga contest. May gagawa ng kung anu-ano para makapanira. Kawawa naman kasi ang mga batang ito. They just want to show their talent in singing, tapos may gustong manira. Wala na lang siraan para maganda ang labanan," sabi ng aming source.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN