Nadia Montenegro wants to try acting again when she loses weight

"I mean, ang dami ko pang gustong makatrabaho. Ang dami ko pang gustong gawing role. Alam kong magaling akong artista," says Nadia Montenegro.


Puspusan na ang ginagawang pagpapayat ng dating aktres na si Nadia Montenegro. Marami ang nagulat sa naging desisyon ni Nadia na magpapayat dahil sa mahabang panahon ay tila nakuntento na siya sa laki ng kanyang katawan.

"Nag-umpisa lang talaga sa bet," pag-amin ni Nadia. "And then, nung alam mo yung the next day, nakahiga na ako. Nung nakahiga na ako, 'Oo nga. Why not?' Kasi, parang masyado ko 'atang pinaniwala ang sarili ko na okey lang ako. Yung parang, reality na. Parang ang dami ko...

"Kasi may wish list ako ever since I was 12. Parang nag-stop na doon sa half. Hindi ko 'ata matutuloy ito kung ganito, alam mo yun? Parang masyadong naging happy and content sa life ko ngayon," saad ni Nadia sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GRETCHEN BARRETTO. Alam ba ng kaibigan niyang si Gretchen Barretto na nagpapapayat siya?

"I think she knows naman," sabi ni Nadia.

Hindi pa sila nagkakausap ulit after magkaayos sila sa wake ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano?

"Hindi pa," sagot niya.

Plano ba niyang kausapin si Gretchen?

"Yeah. Actually dapat magkikita kami kasi nagkaroon ng grade school reunion yung school, yung [Colegio de] San Agustin. Napaaga siya ng punta. Pagdating ko, wala na siya. So, hindi talaga. Ano, hindi pinipilit kumbaga."

Maging threat kaya ulit si Nadia kay Gretchen kapag pumayat siya?

"No, naman," sagot niya. "Kahit naman nung mga dalaga kami, we're two different individuals and huwag na sanang i-compare pati yun, di ba?

"And Gretchen is Gretchen. I can never be in her position. Kasi iba naman yung life ni Gretch. Iba naman yung linya niya, kumbaga. I mean, she's a model. She's a glamorous woman. And ako naman, I have a different ano, I don't want to be in that, hindi ako ganun. It's not my character. Sa kanya, bagay na bagay yun. Ako, hindi. I'm showbiz!" tawa ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO ACTING. Sa pagpapapayat ni Nadia, handa na raw siyang maging aktibo sa pag-arte ulit.

"Why not?" sambit niya. "Yun ngang mataba ako, tumanggap ako. Kaya lang, it's so limited. Kaya lang in this country... Nakakalungkot kasi kung sa Amerika lang ako, dyusko, ang yaman ko na! Kasi dito, masyado tayong judgmental. Kumbaga, wala tayong karapatan sa mundong ito, sa totoo lang. And I want to prove that wrong. Kumbaga, parang, you know, ang dami... I want to be a spokesperson of people who were hurt because they are just overweight and they don't have a chance doing... Ang dami. Ang dami akong advocacies, plano-plano sa buhay ko."

Anong klaseng role naman ang gusto niyang gawin kapag pumayat siya?

"Wala naman. It's just ano, alam mo, it's not yung humahabol ako ng leading lady na ganito o magkakasolo picture. No. I just know that when I lose weight, I'm gonna have a lot of opportunities. I know it doesn't have to be in show business. But of course, my dream is showbiz. Ang dami ko pang mga bitin na pangarap because I left. Bitin pa," saad niya.

Ano ba ang pangarap niya sa showbiz?

"I mean, ang dami ko pang gustong makatrabaho. Ang dami ko pang gustong gawing role. Alam kong magaling akong artista. Di ba, sabi ko nga, sayang, ang dami. Si Tito Dougs, nakakaakalam sa dami noon."

Sino ang magma-manage ng kanyang career?

"Wala, ako, kami lang. I don't think I need pa naman. But ngayon if there are decisions about showbiz, I always ask Goma [Richard Gomez] and Kuya Joey [Marquez]. Pero Dougs always said I never needed one because nga, kumbaga, parang kering-keri ko ang sarili ko, di ba? Maybe when the time comes na hindi ko na alam ang presyo ko!" natatawang pagtatapos ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN