Kris Aquino calls for prayers to alleviate former President Cory Aquino's painful ordeal

"Kung ilang oras, kung ilang araw, ilang linggo, ilang buwan pa ang ibibigay ni God, sana po tulungan n'yo kami na magdasal na huwag na lang lalo pang mahirapan ang mom. Kasi talagang nakakadurog po ng puso talaga kapag nakikita siyang hirap na hirap. So, pray with us, please, that the suffering will be lessened," Kris Aquino pleads for her ailing mother, former President Cory Aquino (inset).


Muling naging emosyonal si Kris Aquino kahapon, July 19, sa The Buzz nang aminin niyang nahihirapan na siyang magpakatatag sa harap ng totoong kalagayan ng kanyang ina. Si dating Pangulong Cory Aquino ay naka-confine pa rin sa hospital. Sinabi rin ni Kris na nakakaramdam na ng pain ang kanyang ina at hindi na niya kayang makita ito.

Sa harap ng camera, kasama ang co-hosts niyang sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez, mangiyak-ngiyak at nanginginig ang boses na inilahad ni Kris ang kanyang saloobin.

"Siguro, ito na yung pinakamahirap na time for all of us and for her. She's in pain already. So, please pray for her na sana ma-lessen. Kasi, ang hirap-hirap po talagang makita na nahihirapan siya. And it's been so hard.

"It's been a month sa ospital, and nagtatrabaho ka, Ruffa said na, 'You owe it to the public to give them entertainment.' Pero mahirap pong mag-entertain talaga kapag basag na basag na yung puso mo.

"Again, Philippines, thank you kasi you've given us strength. But I'm being honest po, hindi ko na kayang maging strong. And whatever time is left, we wanna be there beside my mom. The same with all my siblings," madamdaming saad ni Kris.

Bago pa ang pahayag na ito ni Kris ay nauna na siyang nagpaalam sa publiko na baka hindi siya regular na mapapanood sa kanyang mga shows sa ABS-CBN sa mga susunod na araw, lalo na sa kanyang gabi-gabing SNN (Showbiz News Ngayon), dahil gusto nga niyang makapiling at maasikaso ang kanyang ina.

"In the next few days po, I might be at work, I might not be at work. Sana po maintindihan n'yo na these are very difficult times. Ayoko pong magkaroon ng regrets na ba't ako pumasok sa trabaho when I could have been in the hospital.

"Again, in behalf of the family, thank you to everybody na inunawa kami, ipinagdasal ang mom. Pero sana ho naiintindihan n'yo rin kami na kung ano na lang ang oras na natitira ay I would want to be there beside my mom. So, kung may nights po sa SNN na wala ako dun, kesyo kung anu-ano pa ang isipin n'yo, sa akin na po nanggagaling na I want to be there with her," pahayag ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEDICAL BULLETIN. Nilinaw rin ni Kris na hindi naman nila itinatago sa publiko ang totoong kundisyon ng kanyang ina. Mahirap lang daw talaga sa kanila noong una na ibigay ang lahat ng detalye.

"And also kasi my brother Noy [Senator Noynoy Aquino] was quite worried. Noong when we first revealed kasi with what's wrong with mom, we just mentioned colon cancer. It was very difficult for us at that time. Para lang ho alam n'yong lahat, para klaro ang lahat. When her cancer was discovered, it was already Stage 4. If you do your research, you will understand what I'm trying to say.

"Kaya lang ho namin bini-bring up ito ngayon, para ho later on, hindi n'yo sabihin, 'E, ba't yun lang ang sinabi nila?' Sana po maintindihan n'yo na kung anuman ang mga ibinahagi namin sa inyo noong March of 2008, that was what we were ready to share," wika ni Kris.

At ngayon nga ay ibinabahagi ni Kris ang ilang impormasyon sa kalagayan ng kanyang ina dahil, ayon na rin sa kanya, ang buong sambayanang Pilipino ay naging bahagi na rin ng sitwasyong ito, lalo na doon sa mga sumusuporta at patuloy na nagdadasal para kay Gng. Cory Aquino. Pero muli siyang humihingi ng tulong sa mga tao na samahan sila sa pagdarasal na sana ay hindi na makaramdam pa ng matinding sakit at hindi na mahirapan pa ang kanyang ina.

"I'm only sharing this with you because you've been in this journey with us. Kung ilang oras, kung ilang araw, ilang linggo, ilang buwan pa ang ibibigay ni God, sana po tulungan n'yo kami na magdasal na huwag na lang lalo pang mahirapan ang mom. Kasi talagang nakakadurog po ng puso talaga kapag nakikita siyang hirap na hirap. So, pray with us, please, that the suffering will be lessen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasalamatan din ni Kris ang mga doktor ng kanyang ina. At walang sawa ring nagpapasalamat si Kris sa lahat ng mga taong nagdarasal para sa kanyang ina.

"Again, yung mga doktor po, they have been really, really wonderful to us. Explaining everything, but doing it in such a compassionate way. And thank you, and if I won't be on TV the next few weeks or so, sana maintindihan ninyo. Again, Philippines, and everybody praying for her, thank you very much," pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN