Jennica Garcia says one should learn from a failed relationship

"Ang failed relationship, hindi 'yan nangyayari for no reason at all. Maybe it's a way of God na, 'O, kailangan mo talagang pagdaanan 'yan. Para kapag nakilala mo na yung lalaki na para sa 'yo, alam mo na yung do's and don'ts," says Jennica Garcia


Nakikita ni Jennica Garcia ang kanyang sarili na puwedeng ma-in love sa isang older man, tulad ni Dennis Trillo, 28, na kapareha niya sa Adik Sa 'Yo ng GMA-7.

"Kasi importante talaga sa akin na yung lalaki talaga, mature. Kasi sa edad ko, masasabi ko sa sarili ko, mature ako, e. Nasasabayan ko ang mas matanda sa akin kahit 19 lang ako. Kaya posible rin naman na magkagusto ako sa mas matanda sa akin. Feeling ko, kung mas matanda sa akin, mas madami nang alam sa buhay, mas okay. Pero hindi din naman yun yung ginagawa kong basehan," paliwanag ni Jennica sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pag-ibig pa rin naman raw ang tunay na basehan sa pakikipagrelasyon, ayon kay Jennica. Which led us to ask kung naniniwala ba siya sa "soul mate"? Iyon kasi ang role na ginagampanan niya sa Adik Sa 'Yo bilang si Karen.

"Hindi ko kasi alam kung soul mate ang tawag dun. Ayoko kasi siyang tawagin na soul mate, pero naniniwala ako talaga. Na kahit nung hindi pa ako ipinapanganak, may naka-ready na si God para sa akin," sabi niya.

Noong una raw, inakala ni Jennica na ang ex-boyfriend niyang si Mart Escudero ang soul mate niya.

"Kasi hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi ko iisipin na would last forever. Hindi ako makikipag-bf na, 'Ay, magbi-bf ako ngayon, tapos after one year, wala na kami.' Hindi ako nag-iisip ng ganun siyempre, na hahawakan mo ako, na iki-kiss mo ako... Kailangan talaga, panindigan mo ako.

"Akala ko talaga siya [Mart], pero ang failed relationship, hindi 'yan nangyayari for no reason at all. Maybe it's a way of God na, 'O, kailangan mo talagang pagdaanan 'yan. Para kapag nakilala mo na yung lalaki na para sa 'yo, alam mo na yung do's and don'ts.

"Kunwari, hindi maiiwasan...E, that was my first relationship. Puwedeng sobra akong selosa o sobra akong strict. At least, alam ko na, na kailangan sa isang relationship may trust, kailangan yung pagiging understanding mo, ibongga mo nang todo. Kailangan yung pride mo, inilalagay sa lugar. Dapat bawat relationship, may natutunan ka, na sa susunod mong relationship, hindi dapat ganito or ganito dapat," saad ng anak ni Jean Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nagmamadali si Jennica na makipagrelasyon ulit. Alam niya na darating ang tamang lalaki sa tamang panahon.

"Meron talagang lalaki para sa 'yo. Meron 'yan, antay lang. Hindi ko alam kung nakita ko na siya o nakilala ko na siya, o makikita ko pa lang siya."

FULL SUPPORT TO HER DAD. Ang ama ni Jennica na si Jigo Garcia, na dati ring artista at kasalukuyang barangay captain, ay balitang tatakbo sa 2010 elections bilang konsehal sa District 4 ng Quezon City. Susuportahan ba ni Jennica ang ama?

"Oo naman, susuporta ako nang bongga! Hindi na niya kailangang sabihin sa akin na, 'Anak, suportahan mo naman ako.' Susuportahan ko talaga siya kahit ayaw niya, wala siyang magagawa!" natatawang sabi ng young actress.

Si Jennica pa pala ang nag-encourage sa daddy niya to run as councilor.

"Alam mo, ganito 'yan, ha, my dad started na kagawad. Barangay chairman siya ng two terms, at ako yung nagpipilit sa kanya na mag-city councilor. Sabi ko sa kanya, 'Kaya mo, you can do it, you're good. Hindi ka naman artista na bigla na lang pumasok sa pulitika. Hello! Nag-start kang kagawad, 'no?'

"And even before, may mga ginagawa siyang changes sa barangay nila. Tapos, meron na silang daycare center. Tapos yung wife niya, nagtuturo sa daycare. Hindi pa siya tumatakbong city councilor, lagi na akong sumasama sa mga dental mission niya, pati yung mga magpapakain kahit mga lugaw lang.

"Gusto kong maramdaman niya na sinusuportahan ko siya sa lahat ng bagay na ginagawa niya, kasi malaki ang tiwala ko sa kanya. Ako talaga yung boka nang boka. Kasi barangay chairman pa lang siya, ang layo pa nung botohan ng city councilor, pero ang tawag ko na sa kanya, city councilor, or mayor! Ginaganun ko siya, tawa siya nang tawa!" kuwento ni Jennica.

What if ang ina ni Jennica na si Jean ay hindi sumuporta sa daddy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My mom kasi is very busy. Pero I really think na given a chance, my mom will help my dad. I don't see any reason why not," pagtatapos ni Jennica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN