Mommy Dionisia Pacquiao on intrigues about her: "Gawa-gawa lang 'to, kasi sikat na ako!"

Mommy Dionisia Pacquiao, mother of boxing champ Manny Pacquiao, guested live on Showbiz Central yesterday, July 19, to answer controversies surrounding her newfound popularity.


Celebrity na celebrity na ang dating ng ina ni Manny Pacquiao na si Dionisia Pacquiao, na dating kilala sa tawag na "Aling Dionisia" pero ngayon ay mas tinatawag nang "Mommy Dionisia." Si Mommy Dionisia ang sumalang sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central kahapon, July 19.

Umpisa pa lamang, tinanong agad ni Pia Guanio si Mommy Dionisia kung totoo bang nagkaroon siya ng relasyon sa isang ballroom dance instructor. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hiwalay na si Mommy Dionisia sa ama ni Manny.

"Kasi, hindi totoo yung mga balita," sagot ni Mommy Dionisia. "Dahil ang nagsalita, naiinggit lang sa akin. Kasi, may ipinakita ako sa lahat ng tao na marunong akong magpakita ng dancing ko...Yung iba, hindi marunong kasi balita lang sa kanila. Iniintriga lang."

Ibig bang sabihin nito ay alam niya kung sino ang nag-umpisa ng tsismis na yun tungkol sa kanya?

"Gawa-gawa lang 'to, kasi sikat na ako!" tahasang sabi ng ina ni Manny.

Ano ang nais niyang sabihin sa mga naiinggit sa kanya?

"Ipaabot ko lang sa mga nang-iintriga sa akin, lalo na, wala nang ibang natingnan nila... Sana, ipaabot ko lang sa nang-iintriga sa akin, gumawa ka naman ng gawa para sa iyong sarili, para magkasama tayo na mga sikat. Hindi kayo maggawa-gawa ng intriga!" natatawang sabi ni Mommy Dionisia.

JOINING SHOWBIZ. Tinanong naman ni Mo Twister ang tinaguriang "Pac Mom" kung tuloy na ba ang showbiz career niya.

"Kasi, nahirapan talaga ako. Sabi ko, ballroom dancing lang, marami na ang naiinggit. Lalo na kung mag-artista, mas marami na sila iintriga sa akin.

"Ang isip nila, nandito na lang palagi sa Manila. Meron namang iba, nang-iintriga sa akin, sabi nila, 'Wala na kayong time dito sa atin sa GenSan, palagi na lang kayo sa Manila.' Sabi ko, 'Hintay lang kayo mga friends, magkasabay-sabay tayo mag-dancing, huwag kayong mag-alala,'" nakatutuwang sagot ni Mommy Dionisia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may offer, tatanggapin ba ni Mommy Dionisia? Balita kasing may offer na sa sitcom sa kanya ang GMA-7 kasama si Manny?

"Sa pag-artista, tinanggihan ko na," sagot niya. "Alam na ng mga anak ko. Lahat na mga anak ko, anim, lahat sila, nagsabi na, 'Huwag kayong sumali diyan, Ma. Kasi, medyo may edad ka na. Baka mahirapan ka diyan. Okey lang kung mag-guesting ka lang.'

"Nagpaalam naman ako kay Manny, and sabi ni Manny, 'Samahan mo ako sa show, sa 28. Ma, samahan mo ako.' Sabi ko, 'Dili [hindi] ako mag-artista, 'nak!' Sabi niya, 'Guesting lang naman sa showbiz.' So, guesting lang naman."

Pumayag ba siya?

"Kung saan ang anak ko masaya, susuportahan ko siya," sagot ni Mommy Dionisia.

Kinumusta naman ni Rufa Mae Quinto ang mga komedyanteng nag-i-impersonate sa kanya. Okey lang ba sa kanya yun or hindi niya masyadong gusto?

"Okey lang sa akin kasi ako rin, comedienne naman ako sa amin," sabi niya.

Ano naman ang reaksiyon ni Manny 'pag may nag-i-impersonate sa kanya?

"Kung hindi magandang tingnan sa mata niya, nagsasabi siya. Wala namang ginagawang hindi maganda ang mommy niya, e."

Hirit naman ni Sweet, "fresh na fresh" si Mommy Dionisia ngayon. "May asim pa" raw ito at "may tamis-anghang" pa.

Natatawa namang sinagot ng mommy ni Manny na, "Meron pang asim!"

MANNY IN POLITICS. Noon ay ayaw ni Mommy Dionisia na tumakbo sa pulitika si Manny, pero bakit ngayon ay napapayag na siya?

"Wala akong magawa kasi 'yan ang habit sa anak ko. Wala na raw siyang trabaho, wala na siya sa boxing. Yung pagtrabaho niya, sana raw, makatulong sa mga tao sa Pilipinas, makatulong siya sa lahat ng tao sa mundo. Yun ang sabi niya. Sabi ko, 'Kung saan ka masaya, suportahan kita. Mag-ingat lang kayo mga anak at nandito lang naman ako sa likod mo, palaging magdasal para sa 'yo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawang may partidong lumapit kay Mommy Dionisia, gusto niya ba ang pulitika?

"Sa akin, marami ang nag-alok, 'Tumakbo ka, Mare.' Mga friends ko, 'Tumakbo kayo ng kagawad or kapitan.' Sa akin, basta ayaw ko. Gusto ko lang, ganito ang buhay ko. Magulo talaga sa isip ko diyan. Ma-busy ako sa isip ko diyan. Hindi ako makapahinga sa isip ko diyan," sagot niya.

Napansin ni Sweet ang suot na alahas ni Mommy Dionisia at tila nasisilaw raw siya rito. Regalo ba ni Manny sa kanya yun?

"Regalo sa anak ko... Kapag darating na ang birthday ko, meron siyang iregalo sa akin."

May ideya ba siya kung magkano ang halaga ng alahas?

"By set siya, P600,000."

Nag-follow-up question naman si Mo na since mamahalin ang mga alahas na suot ni Mommy Dionisia at pumapasok na rin sa pulitika si Manny, may threat ba sa buhay nito na kailangan na niya ng bodyguard?

"Matagal na binigyan ako ni Manny ng bodyguard," sagot ni Mommy Dionisia. "Hindi pa ako nagbu-ballroom, may bodyguard na ako. Kamag-anak lang namin ang bodyguard ko. Matagal na. Hindi pa ako nag-aaral ng ballroom dancing, kasi may threat akong talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN