Are Queenie Padilla and PJ Valerio going steady?

There is a report saying that Robin Padilla's eldest daughter, Queenie Padilla (left), and young singer-actor PJ Valerio (right) are already an item. A source told PEP that the young pair is often seen dating at Trinoma Mall in Quezon City.


May nakarating na impormasyon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkasintahan na raw ang singer at mainstay ng Walang Tulugan With The Master Showman na si PJ Valerio at ang panganay na anak ni Robin Padilla, si Queenie.

Ayon sa aming source, na tumangging pangalanan, maraming beses na raw nakitang nagdi-date sina PJ at Queenie sa Trinoma Mall sa Quezon City. Kung tama raw ang bilang ng aming source, mga walong beses na raw nakita ang dalawa na namamasyal doon.

Kung noon daw ay sinubukan ng dalawa na mag-disguise by wearing caps to conceal their faces, sa ibang pagkakataon daw ay hindi na itinago ng dalawa ang kanilang identities. Kaya tuloy hinarang pa sila ng mga tao at nagpakuha ng pictures sa kanila, to which PJ and Queenie politely obliged.

Ayon pa sa aming source, mahihirapan daw mag-deny sina PJ at Queenie tungkol sa kanilang paglabas-labas. Obvious naman daw na hindi sila nagtatago dahil isang mataong lugar ang Trinoma Mall.

Aware kaya si Robin na may unawaan na si PJ at ang kanyang anak? In case na hindi pa sila totoong magkasintahan, aware kaya ang action star na nagdi-date sina PJ at Queenie?

Sa isang interview recently, binanggit ni Robin na nade-depress siya ngayon dahil ang anak niyang si Queenie just turned 18, at nag-express na raw ito ng intention to be on her own. Gusto na raw ng dalagang anak ng konting freedom. Alam daw ni Robin na maraming manliligaw ang kanyang anak at inamin nito na ilan dito ay from showbiz.

Kung siya raw ang masusunod, sabi ni Robin, ayaw sana niya na ma-link sa isang guy from showbiz ang kanyang anak dahil alam niya ang hirap na maging involved sa isang showbiz personality.

Si PJ ay mainstay ng Walang Tulugan With The Master Showman ni German Moreno at lumalabas sa G & G (Goals and Girls) ng TV5. Si Queenie naman ay huling napanoood sa Totoy Bato, which ended its run on GMA-7 a few weeks ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN