Dingdong Dantes says it's impossible for his family to say anything against Marian Rivera

"Kasi mahirap sabihin yung ganoon hangga't hindi nanggagaling sa kanila. Maaaring may naoobserbahan ako. Maaaring may nakikita ako at nararamdaman. Pero, iba talaga kapag nanggaling sa kanila. Sila lang ang nakakaalam nun. Pero sa pagkakaaalam ko, e, maganda ang trato niya [Marian] sa pamilya ko at maganda rin ang trato ng pamilya ko sa kanya," says Dingdong Dantes about how his family treats rumored girlfriend Marian Rivera.


The Dingdong Dantes Experience album is now officially out, which means matatawag nang isang multi-media actor si Dingdong Dantes. Bukod sa pagiging aktor, TV host, dancer, at director, ngayon ay pinasok na rin ni Dingdong ang music recording.

Kagabi, July 20, sa Circa resto-bar sa Eastwood Mall, Libis, Quezon City, ay ni-launch ng Universal Records ang album ni Dingdong na naglalaman ng apat na music videos featuring the actor himself. Ang mga kantang nakapaloob sa album, na inawit ng iba't ibang singers, ay "Tender Love," "I Know You Want Me," "Shining Star," at "Cu Cu."

Ano ang pakiramdam niya sa bagong milestone na ito sa kanyang career?

"It goes to show how much people trust me. So, itong trust na ito, e, hinding-hindi ko sisirain. Gusto kong ipakita sa kanila na kahit saang larangan man nila ako makita, ako, bilang nakilala nila ay gusto kong pasayahin sila at bigyan ng ligaya palagi," saad ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Si Dingdong ang kauna-unahang Filipino celebrity na naglabas ng ganitong klaseng album. Ano ang masasabi niya rito?

"I feel very privileged because this is something that can add dun sa kaligayahan nila," sagot niya. "Ang talagang main objective ay yung enjoyment ng mga taong bumibili. Kasi ako, gusto kong i-share sa kanila kung gaano ako nag-enjoy. Gusto kong ipakita sa kanila na posible itong mga bagay na ito, e."

Hindi naman dahil sa gusto lang niyang mag-set ng bagong trend?

"Hindi, e, walang ganoon. And if ever man na magkaroon ng ganitong trend, it's better. Bonus siya dahil maganda na mas lumawak pa ang mga ganitong bagay."

Kanino niya ba idinide-dedicate ang The Dingdong Dantes Experience album niya?

"Sa totoo lang, naka-dedicate ito sa mga taong naniniwala sa akin at sa mga taong tumatangkilik sa akin. Kanino ko pa gustong i-share ang experience ko kung hindi sa mga taong gustong bumili? At kumbaga, kaya ko rin gustong gawin ito ay dahil gusto kong kahit paano, imbes na sa larangan ng pag-artista, maalala nila ako kapag narinig nila ang mga kantang ito. And these are the songs that they can enjoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, kung kilala raw siya ng mga taong makakapanood ng apat na music videos niya, masasabi ng mga ito kung ano ang experiences na tinutukoy niya sa bawat video.

Pero marami pa ba siyang ibang experiences na puwedeng i-share?

"Sobrang dami!" bulalas niya. "Kaya nga sabi ko, hindi sapat ang apat na music videos. Pero in a way, we can show, kami ng Universal, a different side that I can offer them."

THE MEANING OF "MR." Hindi naman nakaligtas sa ilang entertainment press ang dalawang letra sa cell phone na tinatawagan niya—MR—sa "Tender Love" music video. Tinanong nga ito agad kay Dingdong during the open forum. Pero natatawang nagbiro ang aktor na hindi lang daw nabuo ang letter, pero "MRT" daw talaga yun. Tumatawag daw siya sa MRT dahil late na siya.

Hindi ba naisip ni Dingdong na posible talagang mabigyan ng kahulugan ang dalawang letters na yun at mai-connect agad sa rumored girlfriend niyang si Marian Rivera?

"Meron talaga," sabi ni Dingdong. "Lahat naman ng nangyayari diyan, may deeper meaning talaga. Pero kumbaga, lahat talaga ng nandoon, ipinagkatiwala ko talaga sa mga directors kung kaya't sila ang pinili ko. Kumbaga, kung anuman ang gusto nilang ipagawa sa akin, yun ang gagawin ko. And during that shoot, it was a call, of course, ang huling may sabi noon ay ang director."

Ano ang naging reaction niya nang malaman niyang "MR" ang ipapakita sa cell phone? O, siya mismo ang nag-suggest nito?

"Yun kasi ang concept ng music video. Sa dulo nun, hindi pala kami dapat magkikita ng babae. So, kailangan may representation kung sino talaga ang kausap ko sa kabilang linya," paliwanag niya.

Natawa rin si Dingdong nang tanungin ng PEP kung nalaman ba ni Marian na may initials na "MR" sa isa sa music video niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo! Ipinaalam ko naman sa kanya."

Anong sabi ni Marian?

"Sabi niya, 'Bakit MR lang? Dapat buong pangalan!'" natatawa niyang sabi, sabay bawi na, "Hindi, hindi... Siyempre, sino pa ba naman ang gusto kong ilagay dun, kung hindi siya?"

May nag-suggest na bakit daw hindi niya ginawang guest si Marian sa isa music videos niya?

"Meron din naman siyang music video sa UR na, I think, hindi pa niya natatapos gawin. At gaya nga ng sinabi ko kanina, kung magkakaroon man kami ng music video na magkasama kami, gusto ko yung talagang may kinalaman sa aming dalawa. If ever, siguro it is a song na kinanta ng local artist natin na may kinalaman talaga sa istorya namin," saad ni Dingdong.

Posible palang mag-collaborate sila sa isang project ni Marian na sila ang featured sa isang MTV, lalo na't pareho silang dancers?

"Sobra, noong ginagawa namin, yung realization, nangyayari in the process, e. Kaya sabi ko, ang dami palang puwede pa. Pero, siyempre, at the end of the day, ang Universal Records ang makakasagot niyan."

Hindi naman itinanggi ni Dingdong na sa shooting ng MTV niya for "Shining Star" ay dumalaw sa kanya si Marian. Hindi ba nagselos si Marian dahil halos lahat ng models na kinuha sa MTV niyang yun ay magaganda talaga?

"Well, siyempre, para sa akin, wala nang mas gaganda pa para sa kanya [Marian]," sagot ng aktor.

ULTIMATE LOVE. Bago ipalabas ang apat na music videos ni Dingdong ay may introduction siya sa mga ito. Tulad sa "Tender Love," sinabi niyang ito ang pinakamagandang experience ng isang tao—love. Kaya naitanong tuloy kay Dingdong kung anong klaseng love ang maide-describe niya na meron siya for Marian?

May ilang segundo rin bago nakasagot si Dingdong. At sinabi niyang: "Siguro ultimate..."

Ito ba ang pag-ibig na wala nang makahihigit pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," paglilinaw ni Dingdong. "Depende kasi kung anong klaseng description ang mai-describe namin. Pero for me, that's how I can put it."

Kailan niya naramdaman yung "ultimate love" na yun?

"Ngayon lang," sagot niya.

Dahil sa pagiging open ni Dingdong, naging sunud-sunod na tuloy ang tanong sa kanya about Marian. At doon na pumasok yung usap-usapan na sa lahat daw ng babaeng naging close sa kanya, kay Marian pinakaboto ang pamilya niya. Totoo ba ito?

"Kasi mahirap sabihin yung ganoon hangga't hindi nanggagaling sa kanila," sabi niya. "Maaaring may naoobserbahan ako. Maaaring may nakikita ako at nararamdaman. Pero, iba talaga kapag nanggaling sa kanila. Sila lang ang nakakaalam nun. Pero sa pagkakaaalam ko, e, maganda ang trato niya [Marian] sa pamilya ko at maganda rin ang trato ng pamilya ko sa kanya."

So, base sa obserbasyon niya, masasabi ba niyang boto ang pamilya niya kay Marian?

"Sa obserbasyon ko, wala silang ipinapakitang ayaw nila siya. You know, most of the Filipino people love Marian for who she is at kung anuman ang ginagawa niya. Bilang din naman na mga magulang ko na nakilala siya, so imposible namang meron silang masabing hindi maganda sa kanya."

Sobrang maalaga raw si Marian sa kanya?

"Oo naman. Kahit naman sa lahat ng tao, kahit sa mga tao sa set. Yung pag-aalaga niya sa akin, kumbaga, bonus na yun," sabi ni Dingdong.

Ipinagluluto raw siya chicken curry ni Marian?

"Pihikan ako sa chicken curry, e. Mahilig ako sa pagkaing Indian. So, minsan, sinubukan niya. Hindi naman niya yata pinag-aralan, parang hinulaan lang yata niya. Swak, e!" natatawa niyang kuwento.

Masasabi ba niyang magiging mabuting asawa si Marian?

"Mahirap namang tumalon sa ganoon. Pero kung ano yung sigurado ngayon, maga-guarantee ko na lahat ng sinabi ko ay totoo."

BIRTHDAY PLANS. Sa August 2 ay 29th birthday na ni Dingdong. May mga plano na ba siya sa kanyang birthday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, walang konkretong plano para mag-celebrate ng party on the day itself," sagot niya. "Pero gusto ko sana magkaroon ng something kahit mid-August. It's because I want to launch something na hindi para sa akin."

A charity?

"Yes, something that has to do with that. I hope I will be given the chance to let the public know what it is about at maging involved din sila."

Hindi pa ba niya ito puwedeng mai-share?

"As much as I'd like to, e, oo. Pero hanggang ngayon po, e, itinatayo pa namin nang maayos. Kung mabigyan man ako ng chance, that day would be the perfect venue para masabi kung tungkol saan siya," saad niya.

Ayon kay Dingdong, posibleng magtayo siya ng isang foundation. Pero sa ngayon daw ay pinagpaplanuhan pa nila ang lahat.

Sa August 12 naman ang 25th birthday ni Marian. Wala ba silang joint birthday celebration katulad last year?

"Wala, e. Pero kung matuloy nga itong launching, this would be very important for me, and I would like for her to be there," sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN