Regine Velasquez willing to give up her career for marriage and motherhood

"One day, I will just take care of Ogie and, hopefully, ma-bless kami ni God ng child. I'll be happy to give everything. Tutal, ang dami ko na ring ginawa in my life, kulang na lang maging bold star!" says Regine Velasquez.


For the first time, Regine Velasquez bravely took the hot seat on Mo Twister's "Gimme Mo" segment in Showbiz Central last Sunday, July 19. Among the celebrities who chose the Top 5 questions for Regine were Sunshine Dizon, Dingdong Dantes, and boyfriend Ogie Alcasid, na may hanging question kung kailan ba yung time na nasabi ni Regine sa sarili niyang mahal siya nito.

Ang unang tanong ni Mo ay kung nakakaramdam pa ba ng insecurity ang isang Regine Velasquez.

"Just like any other... Lahat naman ng tao, nakakaramdan ng insecurities. That's part of who we are. Kung hindi ka mai-insecure, parang hindi mo rin mai-improve ang sarili mo. I also feel that way sometimes, but I deal with it myself, you know. I try to pinpoint kung ano yung may kulang," sagot ng Asia's Songbird.

Ang insecurity ba na yun ay may kinalaman sa pagdating ng bagong talent?

"Well, as far as that is concerned, I don't," ani Regine. "No. Because parang wala na rin naman akong karapatan na ma-insecure. I've been in the business for a long time and God has blessed me tremendously and it's like, if I feel insecure, another singer or a new talent comes along at yun na ang papalakpakan ng mga tao, parang magagalit sa akin si God. Parang nagrereklamo ako nun. It's crazy even thinking about it.

"Yun na nga, binigyan ako ng time ni God. I'm still here. I still have work and there are still a lot of people who support me. So, I have no reason to feel that way as far as that is concerned."

No one in particular that makes her feel insecure?

"I'm just happy for them," sambit niya.

Of this generation, or maybe for all time, is she the country's best singer?

"I cannot..." natatawa niyang sabi. "You know, I cannot, I cannot say that. You know, here in the Philippines, siguro noong magsabog si God ng talent sa acting, sa singing, sa paggawa ng kanta, lahat, everyone has to do with art, lahat sinalo nating lahat. So, I just cannot say that I'm the best, but I'm okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE ALCASID. Everybody knows that she and Ogie are very close. Posibleng walang nag-e-expect that they will end up together as a couple. Looking back, paano nag-umpisa yung relationship niya with Ogie, given the failed relationships at heartaches niya? Kailan niya na-realize na ang kaibigan niyang si Ogie ay mamahalin niya nang buong buhay?

"Hindi ko rin ine-expect!" natatawang sagot ni Regine. "At saka, isa lang naman ang failed relationship ko [referring to Ariel Rivera]. Actually, dalawa pa lang naman sila. Actually, it was really unexpected talaga for both of us, especially sa kanya because, you know, he's married and we were just really friends.

"I've known him siguro almost all my life, parang bata pa lang kami... Kasi, nauna ako sa kanyang nag-umpisa sa showbiz. Nakilala ko siya, I remember, nag-front act siya kay Dingdong [Avanzado], tapos nagpakilala siya sa akin na, 'I'm Ogie.' Actually, naalala ko, nag-date pala kami nun!"

So, may short romance pala before all of these?

"Meron... He actually watched one of my concerts and he gave me a [teddy] bear. And I don't even remember. Tapos, nag-date kami, parang group date lang naman yun. Parang hindi na agad naulit kasi parang na-weirduhan siya sa akin dahil noong bata pa ako, parang... I never really expected we'll end up together. But I always thought he's a wonderful man."

MICHELLE'S WEDDING. Ano ba ang role ni Regine sa kasal ni Michelle Van Eimeren, Ogie's ex-wife?

"Flower girl!" biro ni Regine.

Pupunta ba siya sa kasal?

"Yes, I am. Michelle and Mark [Murrow] invited both me and Ogie. So, we're going in November."

Does she have a role aside from attending, like kakanta ba siya?

"Definitely! Kasi siyempre, even if they don't ask, we'll just go up there," sagot ni Regine.

So, parang sisters na talaga sila ni Michelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, and we are all very happy for them. Nakakatuwa kasi sobra nilang deserving talaga na maging happy and they deserve each other talaga."

Ogie has two kids with Michelle. Kung dumating ang panahon that she and Ogie will start a family of their own, makakaya ba ni Regine na iwanan ang career niya para magkaroon ng private life as a wife and mother?

"Yeah. Parang ano naman yun, parang given naman yun bilang babae ako. And one day, I will just take care of Ogie and, hopefully, ma-bless kami ni God ng child. I'll be happy to give everything. Tutal, ang dami ko na ring ginawa in my life, kulang na lang maging bold star!" tawa niya.

Sabi ni Mo, nai-imagine na niya kung gaano kaganda ang boses ng magiging anak nila ni Ogie.

"E, paano kung hindi naman?" natatawang sabi ni Regine bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN