Alfred Vargas hopes present girlfriend will be his wife someday

"I'm very happy with this relationship. This is a different kind of happiness, I can say more complete. I just feel inspired everyday," says Alfred Vargas about girlfriend Yasmine Espiritu (inset).


Walang choice si Alfred Vargas kung hindi ipakilala sa amin ang non-showbiz girlfriend niyang si Yasmine Espiritu, pero nakiusap siyang huwag na namin itong interbyuhin. Nagkataon lang kasi na kasama niya ang half-Italian, half-Pinay girlfriend niya sa matinee screening ng pelikula niyang Colorum, isa sa In Competition entries sa Cinemalaya Film Festival.

"I'm very happy with this relationship. This is a different kind of happiness, I can say more complete. I just feel inspired everyday," saad ni Alfred sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kitang-kita naman ito sa ngiti at kilos ng aktor nang makita namin siya sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa panayam na ito.

"Matutulog akong inspired, something to look forward to every morning sa pagkagising. Inspired ako all the time. Walang problema sa side niya, lalo sa akin. Everybody likes her. Maski ang manager ko, si Nanay Lolit [Solis], boto sa kanya. I hope siya na nga ang future wife ni Alfred Vargas."

Ayaw raw mag-aksaya ni Alfred ng oras pagdating sa pakikipagrelasyon ngayon.

"Hindi na ako bumabata. Hangga't maaari, totohanan na ito. But it's too early to tell. Kung prepared na ako, malalaman naman ng mga tao yun. One thing is for sure, hindi siya papasok sa showbiz.

"She's 21 years old. Nag-meet lang kami noong nagbabakasyon siya rito from Italy. Last year yun, 'tapos niligawan ko siya. Ang ganda-ganda niya. Yung mga ganyan kaganda, dapat ay nililigawan!" natatawang sabi ng 27-year-old actor.

Matagal-tagal din daw niya itong niligawan. It took him months of persistent persuasion, kasi may pagka-hard-to-get daw talaga si Yasmine.

"I just kept quiet for a time, for our own sake na rin. Mahirap yung kakaumpisa pa lang, lagi na kaming napapag-usapan. At least ngayon, kahit paano, napapaintindi ko sa kanya itong mundong ginagalawan ko. Gusto ko lang mapalakas ang foundation ng relasyon namin," ani Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TURNING BACK. Wala nang urungan ang pagkandidato ni Alfred para maging councilor ng second district ng Quezon City.

"Baka next year, lie low ako sa showbiz habang may kampanyahan, lalo kung makakaupo ako sa posisyon, hopefully. Gusto ko na talagang maglingkod noon pa. Pumapasok ako sa pulitika para lang talaga sa purpose na yun, ang mag-serve," nangingiting sabi ni Alfred.

Habang mayroon daw siyang dalawang offers sa pelikula na pinag-aaralan niyang mabuti.

"Acting is my passion. Hindi ko naman pababayaan 'yan kahit makaupo ako. I will never give that up. Hinay-hinay lang dahil nga sa kampanya. Pero definitely, pagsasabayin ko 'yan. Puwede naman.

"Kapag sinuwerte ako as councilor, kung mahahalal, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Alam kong mas magiging effective ang paglilingkod kung nasa position ako," saad ni Alfred.

Sa TV, mapapanood si Alfred bilang isa sa leading men ni Marian Rivera sa Darna ng GMA-7. Si Mark Anthony Fernandez ang isa pang leading man dito.

"Very excited ako dahil hindi na rin ako halos nahihinto sa GMA. Sunud-sunod 'yan. Pagkatapos ng All About Eve, nag-guest pa ako sa Zorro. Reporter ang role ko sa Darna, and it's different naman dahil fantasy, maraming batang makakapanood," pagtatapos ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN