Piolo Pascual and KC Concepcion are still in the courtship stage

"Wala namang negative kay PJ na nakikita ko. Ang pinakaimportante kung ano lang yung nakikita mo sa tao 'pag kayong dalawa na lang. Kami yung laging magkasama. Marunong siyang ipa-smile ako," says KC Concepcion about Piolo Pascual.


Matapos ang pag-iwas o kaya'y matipid na pagsagot ni Piolo Pascual sa tuwing matatanong tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ni KC Concepcion, finally sa interview niya sa The Buzz, na ipinalabas last Sunday, July 19, inamin na ng aktor ang kanyang panliligaw sa dalaga.

Biyernes, July 17, sa ginanap na opening night ng Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines (CCP), nagulat ang lahat sa pagpasok sa venue ni Piolo kasama si KC. Si Piolo ang producer at bida ng opening film sa Cinemalaya na Manila. Sa masayang pagkakataong ito sinuportahan siya ng espesyal na babae sa kanyang buhay na si KC.

PIOLO'S REVELATIONS. Personal daw na in-invite ni Piolo si KC sa Cinemalaya. Senyales na kaya ito na handa na nilang ilantad sa publiko ang kanilang pagkakamabutihan?

"Yung pagpunta niya rito na alam naman natin na a lot of people will give color or pag-iisipan ng kung ano. The mere fact na nagpaunlak siya sa imbitasyon ko na pumunta rito... Kaya mo yun? I am really thankful," sabi Piolo.

Sila na ba ni KC?

"Hindi pa kami," sagot ng matinee idol.

Nililigawan niya ba siya?

"Opo. Nandun pa rin tayo sa stage na yun," pag-amin ni Piolo.

Masarap bang ligawan si KC?

"Masarap... Napakalambing, napaka-thoughtful na tao and wala ka nang hahanapin pa."

Paano niya nililigawan si KC?

"Sa amin na lang 'yon!" sabay tawa ni Piolo.

Gaano niya kamahal si KC?

"Secret."

Pero special ba sa kanya si KC?

"Yes."

EXPENSIVE PERFUME. Naging usap-usapan din ang regalong pabango ni Piolo kay KC na mamahaling Frederick Malle. Ito ang pasalubong ni Piolo sa leading lady niya sa Lovers in Paris nang manggaling ang aktor sa France para dumalo sa Cannes Film Festival, kung saan napasama sa hanay ng exhibition films ang pelikula niyang Manila.

Diumano, ang pabangong ibinigay ni Piolo kay KC ay good for five years. Bilang paglilinaw ibinahagi ni Piolo ang kuwento tungkol sa naturang pabango.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inamoy ko. Mabango siya 'pag ginagamit niya, e. So, naamoy ko lang. Alam ko, alam ko yung perfume," sabi ni Piolo.

Pero totoo bang good for five years ito?

"Siyempre naman kung gagamitin niya once a year, aabot ng five years!" biro ni Piolo.

Expensive daw ang pabango?

"Hindi naman. Sobra naman. Hindi naman ganung kamahal."

KC'S REACTION. Na-interview din ng The Buzz si KC at masaya siya na samahan si Piolo sa opening ng Cinemalaya para panoorin din ang pelikula nitong Manila.

"It's a good feeling to be right here, right now. PJ [palayaw ni Piolo] and I are very supportive of each other. So, I'm very proud of him," ani KC.

Nagkuwento rin si KC tungkol sa regalong pabango ni Piolo.

"Parang napag-usapan lang yata na parang nauubusan na ako ng ano... ng perfume ko. And then as a souvenir dahil dun [Paris] nga ginagawa yung mga perfume originally sa buong mundo, kumuha siya ng parang souvenir perfume doon."

May pag-asa ba si Piolo sa kanya?

"We'll see, we'll see na lang. Wala namang negative kay PJ na nakikita ko. Ang pinakaimportante kung ano lang yung nakikita mo sa tao pag kayong dalawa na lang. Kami yung laging magkasama. Marunong siyang ipa-smile ako," sambit ni KC.

Samantala, ayon sa lumabas na mga balita, bukas daw ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagsabing "in good hands" ang kanyang panganay kay Piolo. At ang reaksiyon ng aktor, "Naku, malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Sana po, of course, I get to know the family better. And yun po, thank you, thank you for everything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN