Marian Rivera works almost every day

PEP was able to chat with Popoy Caritativo, manager of Marian Rivera (in photo), and found out the latest about the actress.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo kaninang tanghali, July 21, sa presscon ng indie film na The Last Viewing sa Kaboom restaurant sa Timog Ave., Quezon City.

Sinamahan ni Popoy sa presscon ang bago niyang alaga na si Janice de Belen. Si Popoy ang napili ni Janice na maging bagong manager pagkatapos yumao ng dati niyang manager na si Douglas Quijano. Kaya ngayon ay "kapatid" na ni Janice ang iba pang mga alaga ni Popoy na sina Dennis Trillo, Mart Escudero, AJ Dee, at si Marian nga.

Sinamantala na rin ng PEP ang pagkakataon upang kumustahin kay Popoy si Marian.

Ayon sa talent manager, tuluy-tuloy na ang taping ni Marian para sa bago niyang telefantasya sa GMA-7, Darna. Halos wala na raw pahinga ang aktres dahil tuwing Monday, Wednesday, at Friday ang taping nito.

"Kaninang alas-singko na ng madaling-araw sila nag-pack-up," banggit ni Popoy. "Natutulog siya ngayon, kasi 2 p.m., pictorial na niya at ng buong cast ng Darna diyan lang sa GMA network. Magsisimula na rin siya ng taping ng sitcom na Show Me The Manny with Manny Pacquiao, at every Tuesday 'yon."

Tuloy na ba ang launching at pilot telecast ng Darna sa August 10?

"Yes, tuloy na tuloy na 'yon kaya nga sunud-sunod na ang taping nila," pagkumpirma ni Popoy. "Susundin nila talaga yung original na Darna dahil 'yon ang gusto ng mga Ravelo. Wala namang reklamo si Marian, kahit pasa-pasa 'yan dumarating sa bahay. Ini-enjoy niya ang kanyang role as Darna at Narda."

Dagdag pa ni Popoy, kasama rin daw sa Darna si Janice bilang ina ni Valentina, na gagampanan ni Iwa Moto.

Bukod sa Darna at Show Me The Manny, magsisimula na rin mag-shooting si Marian ng Nieves, isa sa entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival this year. For Nieves, co-production venture ito ng Regal with APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, ang tatay-tatayan ni Marian sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After mai-launch ng GMA network ang Darna, magsisimula na ring mag-shooting si Marian ng Nieves. Every Saturday and Sunday lang ang naibigay naming schedule na puwedeng mag-shooting sa kanila si Marian," sabi ng manager ng aktres.

Thursday lang yata ang libreng araw ni Marian?

"Yes, yun na lang ang araw na puwede siyang magpahinga, na baka magamit pa rin namin sa pagsu-shoot ng TV commercials niya kung wala kaming makukuhang ibang araw. May dalawa pa siyang bagong endorsements. Hindi pa kami makapagbigay ng schedule ng shoot ng TVC dahil nga puno na ang mga araw niya."

Sinamantala na rin namin ang pagkakataon na alamin kung totoo ang mga nasulat na pinalitan na raw si Marian ni Sarah Geronimo as endorser ng Sunsilk.

"No, hanggang December 31, 2010 pa ang contract ni Marian sa kanila. Ang variant ni Marian, yung pink. At nung special summer fresh, orange variant naman ang ibinigay sa kanya. Yung green variant na ini-endorse ngayon ni Sarah, para sa straight hair 'yon. Hindi naman nila puwedeng ibigay 'yon kay Marian, kasi kulot talaga ang buhok ni Marian. Kaya iba talaga 'yong ini-endorse ni Sarah," paglilinaw ni Popoy.

Kinulit namin si Popoy kung ano ang dalawang bagong endorsements ni Marian, pero ayaw niyang sabihin dahil hindi pa raw talaga puwede isulat.

Kung si Dingdong Dantes ay sa August 2 ang 29th birthday, Marian will turn 25 sa August 12. May party ba sila?

"Wala namang nasasabi sa akin si Marian. Siguro dahil sa August 12, may taping siya ng Darna. Madalas naman 'yan kapag nagbi-birthday, may trabaho at wala ka namang maririnig sa kanyang reklamo na bakit nagtatrabaho siya, e, birthday niya. She loves her work at may ibang araw naman daw naman siya para mag-celebrate," sabi ni Popoy.

Bukod sa Darna, mapapanood din si Marian sa horror film na Tarot, kung saan leading man niya si Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN