Vic Sotto says girlfriend Pia Guanio has nothing to be jealous about leading lady Paula Taylor

"I'm not the type of producer and actor na who would resort sa mga ganung gimik na link-link. Si Pia naman, she has nothing to be jealous about. She's not the type who would get jealous sa leading lady ko," says Vic Sotto about reports that girlfriend Pia Guanio (inset) is jealous of his new leading lady, Paula Taylor.


Puring-puri ng Comedy Box-Office King na si Vic Sotto ang bagong leading lady niyang si Paula Taylor sa latest movie niya under OctoArts Films, M-Zet TV at APT Entertainment, Love OnLine (LOL).

Si Paula ay isang sikat na international VJ, model, at TV-movie actress mula sa Thailand. Madalas siyang mapanood ngayon sa local TV commercials, gaya ng Myra-E. Naging contestant din siya sa Amazing Race Asia Season 2, kung saan nakalaban niya sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez ng Pilipinas.

"Definitely she's more than what I really expected. She is a very pleasant surprise. Akala ko model-model lang siya, pretty-pretty na ganun lang. Pero she's a lot more than that. She's a good actress. As a friend, nakita ko kung paano siya makisama sa mga Pilipino, kahit sino, kahit yung mga crew. She's very nice," sabi ni Vic nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Love OnLine (LOL) kahapon, July 21, sa Moomba Restaurant sa Quezon City.

Ano pa ang ibang qualities na nagustuhan niya kay Paula bilang leading lady?

"She's fun to work with. Magaan siyang katrabaho. Mabait. She likes to eat Filipino food a lot. She likes sisig and sinigang," paglalarawan ng TV host-comedian.

Personal choice ba niya si Paula para maging leading lady?

"It was a group choice, kasama yung aking mga co-producers [Orly Ilacad of OctoArts Films and Tony Tuviera of APT Films]. During our pre-production meeting, lumabas yung pangalan ni Paula. When they told me about it, hindi naman ako nagdalawang-isip kasi bagay na bagay siya dun sa role na foreigner na pumunta rito sa Manila. Atsaka familiar naman ang mga Filipino sa face ni Paula sa TV lalo na sa mga commercials. I also found out that she has a comedy soap back in Thailand and she's doing movies also. So, I said yes. I approved that we get her as part of the movie," lahad ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JEALOUSY IS ALIEN TO PIA. Nagkita na ba si Paula at ang girlfriend ni Vic na si Pia Guanio?

"Hindi pa," sagot ni Bossing.

Aprrove ba kay Pia ang pagkuha niya kay Paula as leading lady?

"Lahat naman ng trabaho ko alam ni Pia. From conceptualizing hanggang sa shooting, hanggang sa matapos. Kadalasan nga, nagsa-suggest pa siya, e. When she found out that we will get Paula, she was excited. Sabi niya, 'Okay 'yan, fresh face.'"

Sinagot din ni Vic ang intriga na pinagseselosan daw ni Pia si Paula.

"Hindi totoo 'yan. She doesn't get jealous. She knows about my work, my job. And there's nothing to be jealous about. She's very secure and there's nothing to be insecure about. And tina-trust niya naman ako. Ako naman, I won't do anything para masira yung trust na yun.

So, hindi totoong nagkaroon sila ng tampuhan ni Pia dahil kay Paula?

"Saan ba nanggaling 'yan? Ngayon ko lang narinig 'yan, e. I'm not the type of producer and actor na who would resort sa mga ganung gimik na link-link. Si Pia naman, she has nothing to be jealous about. She's not the type who would get jealous sa leading lady ko."

Pero kung sakaling wala si Pia sa buhay niya, posible kayang ligawan niya si Paula?

"I didn't think about that. I don't have plans of thinking about it. It's very far from my thoughts," sagot niya.

Bakit patuloy na may lumalabas na intriga na magkahiwalay na raw sila ni Pia?

"Ang alam ko, tumigil na 'yan, e. Wala naman, e. Kung may mga ganung usapin, kami ni Pia, we are not the type na we will deny or we'll keep it a secret sa publiko. Hindi kami ganun."

Sensitibo pa ba sila pagdating sa mga ganitong isyu?

"Hindi na. Kaya yung mga ganyang isyu, e, natatawa na lang kami. Pinagtatawanan na lang namin. Kunwari, katulad ngayon na may pagkakataon ako, nasasagot ko naman kung anuman yung mga katanungan na naghahanap ng kasagutan," saad ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabing kasal na lang daw ang kulang sa kanila ni Pia. May plano na ba silang magpakasal ni Pia?

"Wala pa. We'll get there in time. Dadating tayo dun. We'll surprise you one of these days. Puwede ring one of these months or one of these years!" biro ni Vic.

LOL. Higit sa mga intriga, mas gusto ngang pag-usapan ni Vic ang bago niyang movie na Love OnLine (LOL), na showing on August 19. Bukod kay Paula, kasama rin sa cast sina Jose Manalo, Manilyn Reynes, Gina PareƱo, Melissa Ricks, Matt Evans, Dominic Roco, Ricky Davao, Leo Martinez, Richie D' Horsie, at Wally Bayola.

Tungkol saan ba ang movie?

"Love OnLine (LOL)... LOL also means 'laughing out loud' at yun naman ang maipapangako namin sa mga manonood, patatawanin namin sila nang malakas. Lalo na yung mga kabataan ngayon na mahilig mag-chat, mag-eyeball. Maraming mga nakakatawang nangyayari diyan at marami ring misteryosong nangyayari, katulad ng nangyari dito sa pelikula namin na hindi sinasadya ay nagka-love online kami ni Paula Taylor," paglalarawan ni Vic.

Naka-relate ba siya sa role niya sa movie?

"Eksakto yung role ko rito, e. Hindi ako nag-o-online talaga. Hindi ako yung ka-chat talaga ni Paula e, si Jose. Kaya lang, picture ko ang nakalagay dun sa profile. So, dun na magsisimula ang mga pangyayari."

Hindi talaga siya nag-i-Internet?

"I do, but I just go surfing. Wala akong Facebook. Si Pia, may Twitter. Binabasa ko lang yung kay Pia."

Paano tatakbo yung kuwento at gaano kakaiba ito sa mga nagawa na niyang comedy movies?

"Kakaiba ang bida diyan, e!" biro ni Vic. "It's been quite a while na gumawa ako ng parang romantic comedy. And it's not just an ordinary romantic comedy, may pagka-fantasy ng kaunti, kasi there's a part in the movie na... Halfway through the movie, magkakapalit kami ng katawan at katauhan ni Jose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CO-STARS. Nauna nang ina-announce noon ni Vic na si Wally Bayola ang dapat na magiging sidekick niya rito. Pero dahil nga napilayan si Wally ay umigsi ang role nito at napunta kay Jose Manalo ang sidekick role.

"Oo, e, unfortunately. Ako naman, sa akin naman, pareho lang naman ng galing yung dalawang yun, e. So, nung pumalit si Jose, swak na swak din dun sa role," sabi niya.

On leave ngayon si Jose Manalo sa Eat Bulaga! para asikasuhin ang problemang kinakaharap nila ng kanyang asawa kaugnay sa umano'y panloloko ng asawa niya sa ilang mga alahera. Kailan kaya babalik sa Eat Bulaga! si Jose?

"I don't know, siya ang tanungin n'yo," sabay turo ni Vic kay Jose.

Paano niya sinusuportahan si Jose sa hinaharap nitong problema?

"Bilang kaibigan, bilang katrabaho, alam naman niya yun, e. Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya at hindi na niya kailangang sabihin sa akin. Iba na yung samahan namin."

Katrabaho rin ni Vic sa LOL ang isa sa hottest loveteams ng ABS-CBN na sina Matt Evans at Melissa Ricks. How is it working with them?

"Those guys have a very, very bright future. They're fun to work with. Makikita mo yung init nila sa trabaho at yung galing nila sa pag-arte, yung attitude nila sa buhay. Si Melissa at saka si Matt, they're very nice kids. And nakasisiguro ako na malayo pa ang mararating nila. Although malayo na ang narating nila, mas malayo pa," pahayag ni Bossing.

MMFF MOVIE. Bukod sa LOL, may isa pang pelikulang gagawin si Vic. May entry siya sa darating na Metro Manila Film Festival 2009, Ang Darling Kong Aswang.

Sino ang magiging leading lady niya rito?

"Surprise. In other words, wala pa. Hindi, surprise talaga. We will reveal in time kung sino yung aswang talaga," sabi niya.

May co-producer ba siya ulit dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Same people, OctoArts and APT."

Naka-prepare na raw sila para sa movie na ito at target nilang simulan ang shooting by last week of August.

BIRTHDAY WISH FOR DOLPHY. Gusto rin daw gumawa ulit ng movie ni Vic kasama ang Comedy King na si Dolphy. Last year kasi ay naging hit ang movie nilang Dobol Trobol.

"Siguro next year. Pinag-uusapan namin parati. We're always in touch. Siguro right timing lang, right concept, right movie. Tamang-tama, meron naman siyang gagawin for the Festival [MMFF]. Siguro pagkatapos nun."

So, magiging magkalaban pala ang mga pelikula nila sa MMFF?

"Wala naman sa amin yun. Trabaho lang ito. Ang mahalaga ay buhay ang industriya ng pelikulang Pilipino."

Malapit nang mag-birthday si Dolphy, may birthday wish ba siya para sa kaibigan?

"Birthday wish? Ulitin ko lang yung birthday wish ko sa kanya last year. Sana makapag-asawa na siya. Parang yung na lang ang kulang sa buhay niya, e. He has everything. He has done everything. Parang wala na siyang hahanapin pa sa buhay, e."

Kasal din daw ang wish ni Dolphy para sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

"Sabay nga kami, e. Magdo-double wedding nga kami pagka naayos na niya yung mga konting problema," nakangiting sabi ni Bossing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN