Sharon Cuneta thinks Piolo Pascual is a good match for daughter KC Concepcion

Senator Kiko Pangilinan and wife Sharon Cuneta told PEP (Philippine Entertainment Portal) last Monday, July 20, that they'd be happy if KC Concepcion chooses to marry Piolo Pascual.

In particular, the Megastar said she likes the award-winning actor because he's caring and religious.

"I think Piolo's actually really good for her. I like the fact that he's a Christian, and he's prayerful. At inaalagaan niya si KC when they're together, n


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang mag-asawang sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan noong Lunes, July 20. Naitanong sa kanila kung ano ang tingin nila sa napapabalitang panliligaw ni Piolo Pascual kay KC Concepcion, ang panganay na anak ni Sharon at ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

Ayon sa Megastar, gusto niya ang award-winning actor para sa kanyang anak dahil maalaga ito at madasalin.

"Ako, I think Piolo's actually really good for her. I like the fact that he's a Christian, and he's prayerful. At inaalagaan niya si KC when they're together, na never akong nagkakaroon ng anxiety 'pag magkasama sila," sagot ni Sharon.

Dagdag pa niya, gusto niya rin ang pagiging malapit ni Piolo sa sarili niyang pamilya

"Parang, she [KC] tells me about his family, and how he's close with his mother. I think that's very important. Kasi, we're also very close as a family," sabi ni Sharon.

Samantala, ginagalang naman ni Sen. Kiko kung sinuman ang gugustuhin ng kanyang stepdaughter, basta marunong 'yon magbigay ng respeto.

"Kasi 24 na siya. Basta ang importante lang, rerespetuhin siya bilang babae, at rerespetuhin ang pamilya, yun lang," sagot ng dating Senate Majority Leader.

May pahabol naman si Sharon. Ayon sa kanya, nais niya lamang na hindi malayo sa kanya ang sinuman sa tatlong babaeng anak kapag nagsipag-asawa na ang mga ito.

"Ang hiling ko lang is hanggang kung saan abutin, dulo ng daigdig, o until the end of time, sana yung mga anak namin, ay nalalapit sa 'min lalo. Ganon din yung mga magiging apo namin pagdating ng araw... Because we'll also naman give a lot of love to that person. We will welcome the three men who will eventually join the family," paliwanag niya.

KC ENTERS. Sa gitna ng panayam na ito, napadaan si KC para bumati sa press. Eksakto namang dumating siya habang pinag-uusapan ang relasyon niya with Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahihiyang sinabi ng 24-year old young actress na sana huwag munang pag-usapan ang kasal-kasal dahil wala pa siya sa marrying age, at marami pa siyang gustong gawin.

"Hindi pa ako marrying age right now... I'm enjoying a lot of things na nangyayari sa life ko right now as a single girl. So, I'm not talking about marrying, babies right now, wala pa ko do'n," paliwanag ni KC.

Abalang-abala naman daw siya sa paggawa ng kanyang unang primetime show sa ABS-CBN opposite Piolo, ang Koreanovela adaptation na Lovers in Paris.

"'Andon yung focus ko ngayon, lahat ng energy ay napupunta sa teleserye right now," sabi niya bago tuluyang umalis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN