Vic Sotto still undecided whether to renew contract of his sitcom with GMA-7 or not

"Wala akong tampo sa GMA. It just so happened that na-terminate na yung contract ng Ful Haus this July. And I'm still thinking... I'm still deciding whether to renew or not," says Vic Sotto.


Inamin ni Vic Sotto na pansamantala munang mawawala sa ere ang pino-produce niyang sitcom sa GMA-7 na Ful Haus. Papalitan daw ito ng bagong sitcom na pagbibidahan naman nina Manny Pacquiao at Marian Rivera, Show Me The Manny.

Nilinaw rin ni Vic ang usap-usapan na pagtatampo raw niya sa GMA-7 dahil sa pangyayaring ito.

"Wala akong tampo sa GMA. It just so happened that na-terminate na yung contract ng Ful Haus this July. And I'm still thinking... I'm still deciding whether to renew or not," paglalahad ni Vic nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng latest movie niyang Love OnLine (LOL) na ginanap kahapon, July 21, sa Moomba Restaurant, Quezon City.

So, nasa kanya ang option yung puwede siyang mag-renew sa GMA-7 or not?

"Yeah, they are asking me to renew. But I'm still thinking," sagot ni Vic.

Kailan ang deadline niya sa sarili para makapag-decide?

"Siguro pagkatapos nung sitcom ni Pacquiao. I don't know how long that sitcom will go."

Kailan mapapanood sa GMA-7 ang last episode ng Ful Haus?

"I think they will be airing the last episode this Sunday [July 26]."

Goodbye na ba ito para sa Ful Haus?

"Hindi naman, mag-e-air naman ulit yun," sabi niya.

Nalungkot ba siya sa pangyayaring ito?

"Oo naman. Pero sabi ko nga, magbabalik pa naman ang Ful Haus."

Paano pag naghanap ang mga fans ng Ful Haus at magtanong kung bakit wala na ito?

"E, abangan nila. Hanapin nila kung saan-saan. E, malapit lang naman yun. Baba ka lang ng konti o kaya konti pa," may pahiwatig na sabi ni Vic.

Posible bang ilipat niya ang Ful Haus sa ibang network, tulad sa ABS-CBN o TV5, kung saan may hinu-host din siyang show na Who Wants To Be A Millionaire?

"Yeah, there's always a possibility. Wala naman akong kontrata sa GMA. Wala naman akong tulay na sinunog in the past. I'm still friends with ABS. I'm still friends with TV5."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE? Speaking of Who Wants To Be A Millionaire?, masayang-masaya naman si Vic sa paghataw sa ratings ng kanyang show sa TV5. Sa latest overnight ratings nga ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila ay nakapasok na sa No. 9 ang game show na ito ni Bossing. (Click here to read related article.)

"We're happy about it. Kami naman, tuluy-tuloy lang ang pagpapaganda ng programa."

Ine-expect ba niya ang patuloy na pagtaas ng ratings nito?

"I was expecting a good response, good feedback because it's a classic game show. And I really feel honored na mapili akong mag-host ng programang yun. Kahit anong istasyon pa siya mapunta, yung stature niya as a classsic TV game show... Ito na yung nag-umpisa ng new breed of game shows, e. Right now, it's still going strong in over one hundred countries worldwide."

Pero naniniwala ba siyang malaking factor din na siya ang host nito?

"Ewan ko, I don't look at it that way," sagot niya. "Basta ang sa akin, it's the show itself. I'm just part of the show, Im just part of the program. Built-in na talaga yung gustong mapanood ng mga tao dun, e. Isa lang ako sa mga elements kung bakit nagiging successful ito."

Happy rin si Vic para sa kanyang anak na si Oyo Sotto na ang show sa TV5 na Midnight DJ ay humahataw rin sa ratings.

"Tuluy-tuloy yun, pati yung kay Ryan [Agoncillo]. It's the number show now, yung kay Ryan, yung Talentadong Pinoy," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN