Jericho Rosales denies reconciliation with Heart Evangelista, but admits she is still "special"

"I'll be very honest with you, she's very special. She'll always be special to me. But I don't want people na bigyan na naman ng ibang anggulo kung anuman ang espekulasyon nila. Gusto ko lang ayusin ang buhay ko, ang estado ng puso ko, estado ng puso niya. Alamin kung paano siya, para at least we can live our lives to the fullest para maging mapayapa," says Jericho Rosales.


Usap-usapan na pagkatapos daw ng insidenteng pagkikita ng dating magkasintahan na sina Jericho Rosales at Heart Evangelista ay madalas na raw nagde-date ang dalawa, na maaaring hudyat na nagkabalikan na ang dalawa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jericho last Monday, July 20, sa Extra Joss Gintong Kamao Awards, nilinaw ng aktor na walang balikang nangyari sa kanila ni Heart. Sinabi rin niya na hindi coincidence ang pagkikita nila kundi siya mismo ang gumawa ng paraan para makapag-usap sila at klaruhin ang mga bagay-bagay sa kanilang naging relasyon.

"Kung anuman ang sinabi ko few months or maybe a year ago, yun pa rin yun. The goal is para ma-check namin ang isa't isa, mawala yung mga questions, yung galit kung may galit man, to have peace sa aming dalawa. Para masagot din ang mga tanong. Kasi hindi nga kami nakapag-usap, natapos nang ganun lang.

"Yung pagkikita namin, hindi coincidence o aksidente lang yun. Nagkita kami talaga, we need time to fix a lot of things between us, sa mga nangyari. At least, nalinaw namin. Mahirap naman na pabayaan mo na lang ang mga bagay na hindi maayos, na ang daming 'what if'. Ano na lang yun kung ganun? Talagang nagkita kami, I asked her, 'Gusto mong makipag-usap? Gusto mong makipagkita?' And enjoy naman," lahad ni Jericho.

Hindi naman itinanggi ng aktor sa PEP na espesyal pa rin talaga para sa kanya si Heart sa kabila ng matagal-tagal na rin nilang paghihiwalay, at marami na rin siyang babaeng na-meet at naging ka-close.

"I'll be very honest with you, she's very special," sambit niya. "She'll always be special to me. But I don't want people na bigyan na naman ng ibang anggulo kung anuman ang espekulasyon nila. Gusto ko lang ayusin ang buhay ko, ang estado ng puso ko, estado ng puso niya. Alamin kung paano siya, para at least we can live our lives to the fullest para maging mapayapa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sinasabing walang balikang nangyari, bukas din si Echo sa posibilidad na maaaring magka-boyfriend ng iba ang ex-girlfriend, gaya na lang na nangyaring isang non-showbiz guy ang sumunod na relasyon ni Heart na nauwi rin sa breakup.

"Depende 'yan sa set-up nila," sabi ni Jericho. "Depende kung okay lang ba sa kanila na makipagkaibigan ka sa ex mo. Ako kasi, cool lang naman ako, e. Sa akin, kahit na ano. Basta ako, ayoko lang kunwari na nag-stumble na yung isa, huwag na kung nakakapagsanhi ka na ng gulo, pagdududada, sakit, pagkailang. Respeto na lang 'yan."

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Jericho sa napabalitang pakikipag-date diumano ni Heart sa Kapuso actor na si Dennis Trillo. Tinanong ba ni Jericho si Heart tungkol dito?

"Who I am to ask her about it?" balik-tanong niya. "No, that's none of my business anymore. My business is to wish her happiness, to give her advice, just to be there for her as a good, good friend. I have no comment on that kasi wala talaga akong alam."

DAHIL MAY ISANG IKAW. Sa kasalukuyan ay abala si Jericho sa taping ng bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Dahil May Isang Ikaw, na magsisilbi ring reunion project nila ng dating kapareha at girlfriend na si Kristine Hermosa.

Marami ang nakakapansin sa kakaibang closeness nina Jericho at Kristine. May ilan tuloy na nag-iisip na baka magkabalikan ang dalawa, lalo't free naman pala ang aktor at hindi naman inaamin ni Kristine na sila na nga ni Oyo Sotto.

"Ako, hindi ako nagsasarado ng pintuan. Kaya lang, relax lang ako," sabi ni Jericho. "Ayokong paghaluin ang trabaho sa personal. Marami kaming pinagdaanan ni Kristine. This time, I'm very excited kasi yung working relationship namin, kakaiba. Mas kumportable kami, hindi nawala yung chemistry. This time, mas maganda pa nga kasi walang pressure. Parehong mature na kami sa ginagawa namin and we're supporting each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ring ibinalita ni Jericho na malapit nang maipalabas ang Dahil May Isang Ikaw, na tiyak na ikatutuwa ng Tin-Echo fans, maging mga tagahanga nina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, Karylle, Sid Lucero, at iba pa.

"Huling balita ko, binigyan na kami ng date. Hindi ko lang alam kung tuloy yung date na yun. Pero bago ako umalis ng Singapore, yun na nga raw yun. Basta malapit na siya, nabubuo na sya, nagkakaroon na siya ng katawan.

"Marami na kaming naba-bag na mga eksena, magaganda yung mga eksena, nakaka-challenge. Mga eksenang bumubuhay sa dugo ko. Balanseng-balanse siya for an everyday show. Akmang-akma sa panahon, napakatunay ng istorya niya. I'm so excited with this project, sa mga kasama ko, with Kristine," tuluy-tuloy na sabi ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN