Dennis Trillo on Pauleen Luna: "Special siya sa akin."

"Masaya kasi siyang kasama. Masaya ako kapag kasama ko siya. At saka magkasundo kami sa maraming bagay," says Dennis Trillo about Pauleen Luna (inset).


Kakaibang Dennis Trillo ang mapapanood sa kanyang kauna-unahang independent film, Astig, na nag-premiere sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong Sabado ng gabi, July 18. Ang naturang pelikula ay entry sa Cinemalaya Film Festival this year.

First indie movie ni Dennis ang Astig, pero ayon sa mga nakapanood, naipamalas na agad nito ang range niya bilang aktor. Posible kayang mapadalas ang paggawa niya ng indie movies pagkatapos ng Astig?

"Palagay ko, kasi masarap ang pakiramdam na makagawa ng isang bagay na kakaiba, na bihira mo lang na nagagawa. And siguradong manganganak pa 'to," masayang sabi ni Dennis sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Gaano ba siya ka-proud sa project na ito?

"Sobrang proud!" bulalas niya. "Ito ang una kong indie movie at nakasama siya sa Cinemalaya."

During the press conference of Astig, Boy Abunda, one of the producers of the movie, was all praise for Dennis's acting. On the actor's part, since first time niyang napanood ang movie, masasabi ba niyang na-meet niya ang expectations niya?

"Oo naman, oo naman," mabilis na sagot ni Dennis. "Yun ang na-picture out ko pagkabasa ko ng script. At siyempre, gusto kong i-congratulate yung magaling naming director na si Direk GB [Sampedro] at sa mga producers namin, si Mr. Boy Abunda at Mr. Boy So. Maraming salamat sa pagkuha nila sa akin."

Ayon kay Dennis, hindi naman siya nahirapan sa paggawa ng kauna-unahan niyang indie film.

"Okey lahat ng kasamang cast, lahat professional. Magaling ang director namin. Yun nga lang, medyo hirap lang sa pag-shoot kasi yung mga location namin, puro matao. Kaya medyo hirap lang kaming kontrolin ang crowd, pero napapakiusapan naman," saad niya.

Nagmumura at astig-astigan talaga si Dennis sa movie. Aniya, malaking tulong na lumaki siyang karamihan ng barkada niya ay "tough guys."

"Doon ko sa kanila nakuha rin yung mga nuances," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAULEEN LUNA. On a personal note, tila mas open na si Dennis ngayon sa kung anuman ang meron sa kanila ni Pauleen Luna, co-star niya sa romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo.

Walang ka-date si Dennis na dumating sa premiere night. Pero ayon sa kanya, gusto raw sanang sumama ni Pauleen at manood.

"Dapat kasama siya, kaso alam ko, maraming tao, sigurado pagpipiyestahan lang kami," nakangiting sabi niya. "Siguro, sa ibang araw na lang kami manonood, kapag walang masyadong maraming tao. Baka hindi na kami mag-enjoy. Titingnan ko muna."

Inamin na rin ni Dennis na palagi silang lumalabas ni Pauleen, at sa lahat ng babae, si Pauleen ang "pinaka-special friend" niya. Pero ano nga ba ang meron kay Pauleen at ito ang pinaka-special sa kanya?

"Masaya kasi siyang kasama. Masaya ako kapag kasama ko siya. At saka magkasundo kami sa maraming bagay," sagot ng aktor.

Natatawa namang umamin si Dennis nang tanungin kung nasa "dating period" na ba sila ni Pauleen.

"Oo, yun na nga," sabi niya.

Sila na ba ni Pauleen o papunta pa lang sa romance ang pagiging special friend nila?

"Tingnan na lang natin, di ba? Wala naman kaming pipilitin na kahit na ano. Sobrang close kami. Palagi kaming lumalabas. Special siya sa akin. Basta ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa," saad ni Dennis.

Exclusively dating na ba sila?

"Ah, oo, wala namang iba... So, ganoon na nga siguro yun. Pero wala namang date kung kailan lalabas. Basta free lang, walang schedules, yun."

Sa Adik Sa 'Yo, ang talagang kapareha ni Dennis ay si Jennica Garcia. Although, may anggulo rin na love triangle, kasama si Pauleen bilang ex-girlfriend ng character ni Dennis. But it turned out, sila pala ni Pauleen ang mas nagiging close?

"Siguro dahil na rin sa mga roles namin sa Adik Sa 'Yo, kami ni Pauleen ang palaging magkaeksena. Mas marami lang times na magkasama at na-realize lang namin na marami kaming things in common. Pero lahat naman kami actually sa set, close, nagkakakuwentuhan. And we make sure naman na hindi namin napapabayaan, especially yung mga characters namin sa show," pahayag ni Dennis bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN