Next Big Star finalist Alexa Ortega believes Facebook photos were released to demolish her

Are You the Next Big Star? finalist Alexa Ortega believes that three of her photos that recently came out, tagged as "flirty photo," "lesbian photo," and "kissing photo," were released to demolish her budding career.

"You know when you're starting out in showbiz and you're on your way up, people are gonna try to bring you down," said the 19-year old contestant.


Kamakailan lamang ay inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong larawan ng Are You The Next Big Star? contestant na si Alexa Ortega. Ayon sa source ng larawan, na hindi nagpakilala, nakaka-eskandalo raw ang mga ito kaya't pinangalanan niyang "flirty photo," "lesbian photo," at "kissing photo." (Click HERE to read related story)

Ngunit ayon mismo kay Alexa, na nakausap namin kanina, July 22, sa presscon ng nasabing GMA-7 reality show, kinuha raw ang mga litrato sa kanyang Facebook account. Wala naman daw siyang nakikitang masama sa mga ito.

"They were on Facebook. Why would I put them in my Facebook if there's something bad about them?" pahayag niya.

Ayon pa sa baguhang singer, naniniwala siyang ikinalat lamang ang mga litrato upang i-demolish ang umuusbong pa lamang niyang career. Dagdag pa niya, handang-handa na siya sa iba pang darating na ganitong paninira. Kasama raw ito sa buhay-showbiz.

"You know when you're starting out in showbiz and you're on your way up, people are gonna try to bring you down. And I'm already ready for that. I'm just gonna focus na lang on my fans and my supporters," paliwanag ng 19-year old finalist.

May pinagsususpetsahan na ba siya kung sino ang naglabas ng mga litrato?

"I have no idea! Di ko kilala. Baka ex ko. Joke! I don't know, I don't know!" tawa niya.

HANDLING FAME. Ipinaliwanag pa ni Alexa na imposibleng maglagay siya ng mga bagay na makakasama sa Facebook account niya dahil ginagamit niya ito upang mapalaki ang kanyang fan base.

"Everyday I have like 150 friend requests, so I accept all na para lumaki ang fan base ko. There's nothing to hide, there's nothing bad in my Facebook," sagot ng reality show contestant, na sa U.S. na nagdalaga.

Sa dami ng mga taong nais siyang maging kaibigan, nararamdaman na ba niya ang kasikatan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No naman, not yet. I don't think so. But I mean I'm glad people are taking notice of me," sabi ni Alexa.

Pero gaano siya kahanda para sumikat?

"I'm ready. I've wanted this since I was a kid. I'm so ready," seryoso niyang sinabi.

REALITY SHOW. Dalawang beses nang napupunta sa bottom place si Alexa sa Are You The Next Big Star?, kaya naman ipinapangako niyang pagbubutihan pa ang susunod na mga performance.

"I'm just gonna keep doing my best and everytime I'm safe in the bottom it's such a good feeling... people appreciate what I'm doing, that's what I focus on na lang," pahayag ng bubbly teen singer.

Hindi naman daw maiiwasang maramdaman niyang may rivalry na nag-eexist sa mga nakakalaban niyang apat pang female contestants na sina Camille Cortez, Francheska Farr, Zyrene Parsad and Cara Quiapos. Malapit naman daw siya sa ka-loveteam na si Alex Castro.

"We have natural chemistry kasi we auditioned together, first audition pa. So we're good friends," paliwanag ni Alexa.

Ngunit kahit ikinatutuwa ng fans ang tandem nilang dalawa sa Are You the Next Big Star?, nais ni Alexa na hindi muna matuloy ito sa mas malalim na relasyon.

"I don't want a boyfriend right now. That's not on my mind right now," pahayag ng career-oriented finalist.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN