Sam Milby does not believe Anne Curtis is still hoping for a reconciliation

"She was the most serious relationship ko... She was my deepest love. I think that's where she's coming from sa sinasabi niya that I was the one na sana umaasa siya hanggang...walang hanggan yung relationship namin," says Sam Milby about ex-girlfriend Anne Curtis.


Nagkaroon ng fans' day si Sam Milby sa bahay ng isang subscriber ng The Filipino Channel (TFC) sa Loyola Grand Villas last Sunday, July 18.

Die-hard fans ng Sam-Anne Curtis loveteam ang mga nag-organize ng affair. Sila ang mga fans ni Sam na hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na magkakabalikan silang muli ni Anne. Kahit si Anne naman ay sinasabi sa kanyang interview na si Sam talaga ang lalaking gusto niya.

Ano ang masasabi ni Sam dito?

"Feeling ko, hindi totoo yun. I mean, kung totoo yun... Siyempre, wala naman siyang dini-date. Pero for me, I think, I mean, we both agreed, she was my deepest love. She was the most serious relationship ko... She was my deepest love. I think that's where she's coming from sa sinasabi niya that I was the one na sana umaasa siya hanggang...walang hanggan yung relationship namin.

"Sa akin din nung kami pa, siyempre, yun din, umaasa ako, e. Umaasa ako na walang hanggan, kasi parang in love talaga kami, e," saad ni Sam nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ibig bang sabihin ay hindi siya naniniwala na gusto pa rin ni Anne na magkabalikan sila?

"Hindi, I mean, para sa akin, kung umaasa pa rin... For me, kung love na love ko itong tao na ito na umaasa pa rin, I want to show that person na this is the person that I want. Alam mo, yung talagang ikaw lang ang gusto ko, parang ipakita ko sa tao na 'yan para malaman nila na ikaw lang talaga ang gusto ko, kahit yung ibang mga tao hindi ako dini-date. Talagang I'll show, 'Ikaw talaga ang gusto ko.'"

Habang kausap namin si Sam ay kitang-kita na nag-e-effort talaga siya na makapagsalita nang diretsong Tagalog kahit nahihirapan siya.

"Magaling na akong mag-Tagalog, di ba? Okey naman ang accent ko, di ba?" tanong ni Sam. "Actually, sa totoo, yun ang problema dati na kami ni Anne. Kahit gusto ko mag-Tagalog, sanay talaga kami mag-English. Talagang sanay na sanay. Tapos, parati pa kaming magkasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE FILM. Tinanong din ng PEP si Sam kung napanood na ba niya ang kauna-unahang digital film na iprinodyus ng kaibigan niyang si Piolo Pascual, Manila.

"Hindi pa. Hindi ko alam. Close naman kami, pero we don't really talk everyday at all. Paminsan lang talaga kami nag-uusap. 'Tsaka busy naman siya," sagot ni Sam.

Gusto rin ba niyang mag-produce ng digital film?

"Gusto ko," sagot niya. "But I'm still, I'm still at this point sa career ko, sa buhay ko, that I'm still new. Si Piolo is in the business for ten years, at least. Ako, this is my fourth year pa lang and I'm learning so much and bata pa rin. But I do want to ano, para, you know... I think that's something I would like to venture eventually. Kasi it's a good experience and all. Parang even concerts din it's good to produce your own scene, like Kuya Gary [Valenciano]. He always produces his concerts."

AND I LOVE YOU SO. Ipalalabas na next month ang movie nila ni Bea Alonzo na And I Love You So. Kasama rin sa movie ang controversial na baguhang artista ng Star Magic na si Maricar Reyes.

Ano ang masasabi ni Sam kay Maricar?

"Napakabait. Super-bait siya at nagulat ako after ng first scene namin. Kasi yung first eksena, crying scene na. Pero hindi niya nabasa yung script, e, hindi niya alam. Yung parang pinanggalingan ng lahat. Pero na-deliver talaga niya. Bilib talaga ako sa kanya. She's very talented. Very, very beautiful siya. Pero hindi naman ako na-starstruck sa kanya. But what I like about her is she's very nice," lahad ni Sam.

Masasabi ba niya na type niya ang beauty ni Maricar?

"Puwedeng ligawan? Girlfriend material? If she is, if you ask me if she's girlfriend material, I find her girlfriend material. Kasi, I mean, napakabait siya. Kaya lang, hindi ko naman siya kilala that well, you know. I can't really say."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAM'S CONCERT. Sa Sabado, July 25, ay muling mapapanood si Sam sa concert scene sa kanyang Only Me show sa Zirkoh Greenhills, kasama ang SexBomb Dancers. It's been quite a while since huling napanood as a solo artist and as a "Rockoustic Heartthrob" si Sam.

If ever may mag-surprise sa kanya among his leading ladies during the concert, sino iyon?

"All my girls? O, di puwede sister ko? Lahat sila, my leading ladies. Magugulat talaga ako kung lahat sila dadating. Tapos ano, same table. Hihilahin ko sila!" tawa ni Sam.

"'Pag si Bea," patuloy niya, "hindi naman siguro ako magugulat. Si Toni [Gonzaga], magugulat kung si Toni. Si Anne din magugulat din. Si Angel [Locsin], hindi. Kasi they're always like that.

"Yung mga cast ng Only You, talagang sumusuporta talaga. And yung last night 'ata nag-hang out sila. Si Candy [Pangilinan], meron siyang something. Tapos yung cast ng Only You, pumunta sila doon, e," kuwento ni Sam, na ang tinutukoy ay ang premiere showing ng Astig na idinirek ng nali-link ngayon kay Candy na si GB Sampedro.

Bakit siya magugulat kung darating sa concert niya si Toni?

"Hindi naman ano. Siguro magugulat ako kasi hindi naman kami nag-uusap, tapos, siyempre, may boyfriend. Matagal na sila. Sasabihin ko sa kanya, 'Ay, Direk [Paul Soriano, Toni's boyfriend], you want to watch? Thank you!'

"Hindi, kasi kapag siya [Toni], kung manood siya, dapat magge-guest siya kasi magaling talaga siyang kumanta. Ang galing talaga niya mag-promote ng Love Duets album, dapat kasama na lang. Happy kasi ako sa Love Duets album namin. I like the songs, maganda yung recording. Maganda yung nagkasama kami sa isang album."

E, kay Anne, bakit siya magugulat?

"Hindi, kasi wala naman kaming teleserye ngayon. Lahat sila actually, I'll be surprised kasi lahat sila busy. So, magugulat ako dahil kung parang 'pag may oras sila, parang feeling ko, wala. Kahit busy sila nakadating pa rin sila sa show," pagtatapos ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN