Janice de Belen willing to work with Aga and Gabby, but not with ex-husband John Estrada

"We're civil to each other. Nag-uusap naman kami kapag tungkol sa mga anak namin. O kung minsan, ang mga bata na ang nakikipag-usap sa kanya. Sinusundo niya ang mga bata kapag gusto niyang ilabas. Pero hanggang gate lang siya. Ayaw kasi ng mga aso ko na pumasok siya!" says Janice de Belen about ex-husband John Estrada.


May kaba si Janice de Belen nang pumunta siya sa press conference ng first indie film niya, ang The Last Viewing ng Davis Entertainment Productions, na ginanap kahapon, July 21, sa Kaboom restaurant, Timog Ave., Quezon City.

"Hindi na kasi ako sanay mag-attend ng press conference. Ang tagal ko na kasing hindi gumawa ng movie," paliwanag ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bakit indie film ang napili niyang comeback movie?

"Wala na talaga akong balak gumawa ng pelikula until dumating ang offer sa akin," sabi ni Janice. "Pero nag-isip pa rin ako kung kaya ko bang maibigay ang time at commitment ko tulad noong araw. Last movie ko, Annie Batungbakal ni Jolina Magdangal in 2004. Pero maikli lang ang role ko doon.

"Inisip ko rin kung kaya ko pa bang mag-memorize ng lines, marunong pa kaya akong umiyak? Isa pa, indie film, may slight akong kaba, baka bold ito. Pero nang ikuwento na sa akin ang story, nagustuhan ko. Pero sinabi ko pa rin sa mga anak ko, kasi kahit papaano, malalayo ako sa kanila kapag nagsu-shooting na kami. Okey naman sa kanila para raw makita naman nila akong umaarte sa movie. Sa SiS na lang kasi nila ako napapanood.

"Pero bago ko tinanggap ang offer," patuloy niya, "tinanong muna ako ni Direk Ronaldo [Bertubin] kung hindi raw ba ako takot sa patay. Kasi nga, isang crematory supervisor ang role ko. Sabi ko, hindi. Kaya nang nagsu-shooting na kami, sila na ang nag-adjust sa schedule ko. Kasi that time, may classes din ako ng Culinary Arts sa Cafe Ysabel at nagte-taping din ako once a week ng cooking show ko sa Net 25, ang Spoon. Wednesdays and Thursdays naman, live kami sa SiS."

Kumusta naman ang first shooting day niya?

"Okey pa rin pala," sabi niya. "Parang riding a bike. Kahit matagal ka nang hindi sumasakay, puwede pa rin pala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It seems, tuluy-tuloy na rin ang pag-arte ni Janice. And with a new manager, si Popoy Caritativo, tinanggap niya ang role na nanay ni Valentina sa Darna. Si Marian Rivera ang gaganap na Darna at si Iwa Moto naman ang gaganap na Valentina.

"Biro ko nga sa mga nagtatanong kung ako raw ba si Darna. Sabi ko, 'Ako sana si Darna, pero bago ko nalulon ang bato, may nakaagaw na. Kaya naging nanay na lang ako ng kaaway ni Darna, si Valentina!'" natatawang kuwento niya.

KEEPING IT PRIVATE. Tulad ng dati, masarap kausap si Janice. Lahat ng mga tanong, kahit personal, sinagot niya—maliban lang sa kanyang lovelife.

"Biggest pride ko na siguro na maitago ko ang private life ko," paliwanag niya. "Gusto ko kasi tahimik lang talaga ang lovelife ko. I may be alone, but not lonely. Siguro, natuto na rin ako. Umasa ako sa kaligayahan noon na bigay ng ibang tao, pero nawala rin naman. Happiness should come from yourself. Nagkaroon ako ng buhay na naka-depend sa kanya, pero after ten years, wala pala.

"Lagi naman akong masaya, I'm always happy and in love. Hindi ko kailangan ng lalaki para ma-in love. Mayroon akong five dogs na kasama ko sa bahay!" natatawang wika ni Janice.

Bakit balita noon na magpapakasal na siya, pero hindi natuloy?

"Every year naman may tsismis na ikakasal ako. Bahala na, if it's going to happen, it will happen," maikli niyang tugon.

ANG ANAK NI JANICE. Iniwan na pala ni Janice at ng mga anak niya ang dating bahay nila sa BF Homes Parañaque. Totoo bang doon nakatira ang panganay niyang anak kay Aga Muhlach na si Luigi?

"No, walang nakatira doon, may caretaker lang ako," sabi niya. "Ayaw kong bitawan 'yon. Hanggang kaya kong i-hold 'yon, hindi ko igi-give up. Si Luigi, somewhere din sa Parañaque nakatira. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya. Basta sabi ko sa kanya, now that he's 22 years old na, dapat maging independent na siya at huwag na siyang umasa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala kasi ako na since maaga rin akong nagtrabaho, I let them feel na may responsibility na sila. Alam naman nila na we will not be there forever, na hindi kami artista forever. Paano kung bigla kaming mawala, saan sila aasa?

"Dinadalaw naman kami ni Luigi, pero hindi ko 'yon hinihingi sa kanya. Kung kailan lang niya gustong dalawin kami, okey lang. Madaling kausap si Aga at iyon din ang sinasabi niya kay Luigi."

Sa issue kung totoong may ka-live na si Luigi, wala ring maisagot si Janice dahil hindi nga raw siya nagtatanong sa panganay na anak.

"TERORISTA." Kasama ni Janice sa bagong bahay nila sa New Manila na may four bedrooms, at binabayaran pa raw niya, ang apat niyang anak kay John Estrada na sina Inah (17), Moira (17), Kyla (13), at Yuan (10).

"Sina Inah at Moira, parehong nasa Miriam College. Si Kyla, high school sa OB Montessori in Greenhills, at si Yuan, elementary siya sa La Salle Greenhills.

"Mahirap magpalaki ng mga anak, lalo na kung nag-iisa ka. Hindi spoiled ang mga anak ko. Terorista ako sa bahay. 'Pag narinig na nila akong umaakyat sa hagdanan, natatakot na sila. Kapag sinabi ko kasing 'No', 'no' talaga.

"Minsan, magkakasama kami, may bibilhin, halimbawa, na gift, kapag sinabi kong hindi puwedeng 'yon ang bilhin niya, iiyak siya. Sasabihin ko sa kanya, 'Sige umiyak ka. Kapag tapos ka na, tawagin mo ako.' Wala namang namamatay sa iyak. Kapag na-realize nilang hindi puwede, hindi talaga puwede.

"Kaya maipagmamalaki ko na lumaking responsable ang mga anak ko. Kapag nawalan kami ng maid, kaming lima ang nagtatrabaho sa bahay. Hindi rin maiiwasan na kung minsan nag-aaway-away sila. Pero sinabi ko sa kanila na kapag nag-away sila, siguruhin lang nilang bago pa ito makarating sa akin, naayos na nila. At nagagawa naman nila 'yon."

Paano sila nagba-bonding ng mga anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong summer, nasa room ko sila lahat. Sama-sama kaming nanonood ng DVD. Kapag may bagong palabas sa sine, naka-schedule na 'yon dahil hindi naman biro na manood ngayon ng sine, mahal ang tickets, tapos kakain pa kayo! Pero masaya ako kasi kasama ko ang mga anak ko. Kapag kasi may classes sila, kanya-kanya kami. 'Pag weekend lang kami nagkikita," kuwento ni Janice.

Nakakatawa raw na kahit pareho silang artista ng ama ng mga anak niya, walang may gustong mag-artista sa kanila. Natutuwa naman si Janice na mas gustong mag-aral ng mga anak niya kaysa mag-artista. Naiisip daw kasi niya na kung noong 15 years old siya ay nag-aral muna siya, nakatapos sana siya. Pero mas ginusto nga niyang magtrabaho na kaysa mag-aral noon.

"Hindi naman talaga ako nag-give up agad sa studies ko noon. Nag-enrol ako sa Ateneo de Manila, pero naka-one year lang ako. Hindi ko nakaya, hindi ko nabigyan ng oras," pag-amin niya.

EX-MEN. Kumusta naman sila ng ex-husband niyang si John Estrada?

"We're civil to each other. Nag-uusap naman kami kapag tungkol sa mga anak namin. O kung minsan, ang mga bata na ang nakikipag-usap sa kanya. Sinusundo niya ang mga bata kapag gusto niyang ilabas. Pero hanggang gate lang siya. Ayaw kasi ng mga aso ko na pumasok siya!" nagbibirong wika ni Janice.

Dagdag niya, "Nagmi-meeting kami kung kailangan. Transparent naman kasi ako. Kung wala naman kaming pag-uusapan, wala lang."

Puwede ba siyang makipagtrabaho sa mga ex niya na sina John, Aga, at Gabby Concepcion?

"No problem sa akin makatrabaho sina Aga at Gabby. Pero si John, ayoko. Hindi ba dapat kung magtatrabaho kayo, you have to have a good relationship with your co-workers?" makahulugang tanong ni Janice.

SiS. Next month, August, ay magsi-celebrate na ng 8th anniversary ang morning show niya with sister Gelli de Belen at Carmina Villarroel na SiS. Bakit balitang aalisin na raw ang show nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, every year na lang nababalitang mawawala na ang aming show! Pero hanggang ngayon, happy kami dahil maganda pa rin ang pagtanggap ng mga tao rito. Sabihin na lang nating parang tao rin ang show, iniintriga!" natatawang sabi ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN