Ynna Asistio still prefers working with GMA-7

"Masaya ako sa trabaho sa ABS, pero kung bibigyan ako ng chance to choose, gusto ko talagang mag-stay sa GMA-7," says Ynna Asistio.


Kalakasan ng ulan nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ynna Asistio sa isang acting and dance workshop, kasama ang iba pang bagong talents ni Annabelle Rama, sa Studio V, sa New Manila, Quezon City. Nasabi nga sa amin ni Ynna na hindi biro ang busy schedule niya dahil nag-aaral pa siya.

Nasa second year na siya ng kursong Mass Communications sa Centro Escolar University (CEU).

"M-W-F ang klase ko. Ako lang yata sa school namin ang may ganitong schedule. Patayan talaga dahil mag-uumpisa yun ng 7 a.m., matatapos yun ng 7 p.m. Isa o dalawang oras lang yata ang pahinga ko in between.

"T-TH-S naman ang taping namin for George & Cecil [ABS-CBN sitcom], where I play Judy Ann Santos's sister. Minsan dalawang araw sa isang linggo, depende. Pero hindi nababakante dahil yung araw na walang taping, nasisingitan pa yun ng ibang activities.

"Pero ayokong magreklamo, kasi ginusto ko talaga ang ganito. Tinatanong nga ako ni Mommy [Nadia Montenegro], bago ako nag-enrol sa second year, kung itutuloy ko pa. Sabi ko, kaya ko naman. Hindi ko pa rin iniisip na mag-full blast sa showbiz dahil nangako ako sa parents ko, lalo na sa dad ko [Macario "Boy" Asistio] na kahit ano pa ang mangyari, gagawa ako ng paraan para makapagtapos ng college," saad niya.


KAPUSO OR KAPAMILYA? Sa ABS-CBN may regular show ngayon si Ynna, na dati ay nasa GMA-7. Dati, co-manager niya ang namayapang si Douglas Quijano. Ngayon, tanging si Annabelle Rama ang namamahala sa career niya.

"Alam naman ni Tita Annabelle kung ano ang sitwasyon ko," aniya. "At saka ako, sumusunod lang talaga ako sa kanya. Kung gusto niyang tanggapin ko ang offer ng ABS, gagawin ko yun. Freelancer din kasi ako. Hindi ako exclusive sa Dos kaya hindi ko rin naiisip na may iba pa silang plano sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisip din ni Ynna na kung nabubuhay pa si Tito Dougs, hindi siya basta mapapadpad nang ganoon sa ABS-CBN.

"Si Tito Dougs kasi, gagawa at gagawa ng paraan para magka-ssignment ako sa GMA-7. Pero hindi ibig sabihin I'm not happy sa Dos. Nagpapasalamat ako kay Tita Annabelle at nabigyan niya ako ng trabaho doon, at naging pamilya ko na rin nga talaga ang George & Cecil staff and cast.

"That's enough reason for me to stay. Pero kung tatanungin ako kung saan ko talaga gusto, if I have my way, I'd rather stick to GMA-7. Wala lang, kasi doon naman ako nag-umpisa talaga. Marami na akong naging friends doon. Sa ABS, puro doon sa TV show lang namin ang nakakasama ko talaga.

"Pero sabi ko nga, don't get me wrong. Masaya ako sa trabaho sa ABS, pero kung bibigyan ako ng chance to choose, gusto ko talagang mag-stay sa GMA-7," tahasang sabi ni Ynna.

Kaya naman siguro ganito ang move na gusto ng bagong manager niyang si Annabelle, trabaho lang ito na lilipas din at pupuwede siyang bumalik sa GMA-7 anytime.

"Besides, I told Tita Annabelle, gusto kong mag-concentrate sa singing. I want a singing career. Ayoko rin kasing mawala sa acting. Basically, gusto ni Tita Annabelle, ma-package ako as an actress, so be it. Siya naman ang masusunod diyan," saad ni Ynna.

Mukha namang sa puntong ito, mas maraming kuwento si Ynna tungkol sa pag-aaral niya dahil mas marami siyang oras na ginugugol sa kanyang eskuwelahan.

"Inayos ko talaga ang schedule ko, na yung kumpletong units halos, makuha ko this semester, pero tatlong araw lang akong papasok sa school. At saka bago ko tinanggap yung sitcom sa Dos, tiniyak naman na hindi na masasagasaan ang studies ko. Tatlong araw lang sa isang linggo ang hindi ko puwedeng galawin, at okey naman sa kanila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tulungan sana ako ni Lord na mairaos ko ang pag-aaral ko. Kahit ano pang conflict, lalagpasan ko yun para lang sa studies ko. Hindi ko na nga masyadong naiisip pa ang guys. Sa totoo lang, noon naman, kinikilig ako. May kilig pa rin ngayon, pero parang lumilipas na ganoon lang. Kasi, naka-focus talaga ako sa pag-aaral ko," pagwawakas ni Ynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN