Director Cathy Garcia-Molina denies getting mad at Roxanne Guinoo for backing out from Bud Brothers

"No, definitely hindi ako nagalit kay Roxanne. She was honest enough to tell me the reasons kung bakit ayaw niya. The only issue lang naman is sinabi niya two days, sinabi niya the day I was about to take. So, yun lang ang naging issue," clarifies director Cathy Garcia-Molina (main photo) about her rumored rift with young actress Roxanne Guinoo (inset).


Nilinaw ni direktor Cathy Garcia-Molina ang balitang nagalit diumano siya sa pag-backout ni Roxanne Guinoo sa isang episode ng ABS-CBN afternoon soap na Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, kung saan makakaperaha sana ng young actress ang singer na si Guji Lorenzana.

"No, definitely hindi ako nagalit kay Roxanne. She was honest enough to tell me the reasons kung bakit ayaw niya. The only issue lang naman is sinabi niya two days, sinabi niya the day I was about to take. So, yun lang ang naging issue. But I will always respect Roxanne for whatever reasons she has for not accepting the project," saad ni Direk Cathy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Roxanne, sinabi nito na gusto niyang makausap si Direk Cathy upang klaruhin ang lumabas na isyu sa kanila. Naikuwento ng direktora sa amin na gumawa na pala ng move ang young actress para makapag-usap sila.

"She tried calling me," ani Direk Cathy. "She texted me that she wanted to talk to me. Tulog na ako. When I woke up the next morning para sagutin siya, she was not answering my call anymore. Hindi ko alam kung nagkaguluhan dun sa ano... Actually, number lang yung nag-register sa akin, I just thought it was her. Since then, hindi na kami nakapag-usap. Hindi na namin naayos yung issue, but wala akong tampo sa kanya."

Ang kagustuhan daw ni Roxanne na mag-focus sa drama ang dahilan na nakarating kay Direk Cathy kung bakit nag-back out ang young actress sa Bud Brothers episode.

"According to her, parang mas gusto niyang mag-drama. Mas gusto niya na yun ang puntahan kesa mga pa-sexy na roles. I respect that, I mean it's her choice, it's her."

Bukas pa ba siyang makipagtrabaho kay Roxanne in the future?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah," mabilis na sagot ni Direk Cathy. "In fact, we have a character again in Book 2. I was trying to call her, kasi nga tatanungin ko kung okey lang uli sa kanya na bumalik, alam mo yun? But hindi ko siya ma-contact, e. Ibang character, kaya lang medyo sexy pa rin. I will talk to her sana and try to tell her the role, what it is all about, pero hindi ko siya ma-contact."

Si Kaye Abad ang pumalit sa role ni Roxanne. Ayon kay Direk Cathy, mahusay naman na nabigyang buhay ni Kaye ang role na inalok dito. Sa nasabing Bud Brothers episode ay nakita ang isang kakaibang Kaye na handa nang gumawa ng daring roles.

"I think it's a blessing in disguise that we got Kaye in. Alam naman natin ang kapasidad ni Kaye bilang artista. It was medyo mahabang usapan with Kaye, kasi alam naman natin how conservative and traditional she is. But good thing, maybe anak-anakan ko yun and she trusted me enough with the material, na alam niyang hindi ko siya babastusin, na aalagaan ko siya. I made that promise. After that, I asked her, 'Was it worth it? The risk?' Sabi niya, it was worth it and she enjoyed," lahad ni Direk Cathy.

CLOSE TO REAL LIFE. Malapit nang ipalabas ang pelikulang And I Love You So, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Sam Milby, at idinidirek ni Laurenti Dyogi. Ang role ni Bea rito ay isang young wife na nabiyuda nang maaga. Marami tuloy ang nagtatanong kung base ba ito sa totoong buhay ni Direk Cathy, na namatayan ng asawa this year lang.

"No, And I Love You So was conceptualized even before the death of my husband," paglilinaw ng director. "But when they asked me to be interviewed, 'Direk, puwede kang ma-interview about it?' Sabi ko, okey lang kasi I thought I was over it. Hindi naman over it, pero I thought I could talk about it, pero hindi pala. Siguro nagulat lang ako na may mga moments na ganun na yung memories mo, bumalik."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkawala ng kanyang asawa na si Phillip Molina, malaking tulong para maka-move on si Direk Cathy ang mga trabahong ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

"Thank you to Bud Brothers, parang they're keeping me company, they're giving me work. I work everyday. Hindi ko na alam ang salitang tulog, though the trade-off is I hardly see my kids.

"Hopefully, 'pag simula ko ng movie, it's Aga Muhlach and Angel Locsin, excited na rin ako as much as I am nervous. Magro-roll kami maybe July 25. Magpi-first day kami, hopefully, tuluy-tuloy na," pagtatapos ni Direk Cathy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN