Erik Santos still communicates with Pinay who made ex-girlfriend Rufa Mae Quinto jealous

"Ako, hindi ko alam. Siguro 'pag naramdaman mo na sa puso na itong babaeng ito ang makakasama ko sa habambuhay. So far, I can say na hindi ko pa siya nakikita," replies Erik Santos when asked about settling down.


Sa recent interview kay Rufa Mae Quinto, lumabas na isa palang Filipina from Alaska ang naging rason ng selos at kaunting pagtatalo nila noon ng ex-boyfriend niyang si Erik Santos.

Ayon sa balita, nakilala raw ng Prince of Pop ang babae nang mag-show siya sa Alaska. Simula raw noon ay naging bukas na ang komunikasyon sa pagitan ni Erik at ng nasabing babae.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Erik binigyang-linaw niya na pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila ng naturang babae sa Alaska.

"Friendship lang yun," giit ng male singer. "Nagsimula yun nung nag-U.S. tour kami, kasama ko sina Pops [Fernandez] and Ms. Kuh [Ledesma]. Dun sa pinagselosan daw ni P-Chi [palayaw ni Rufa Mae], parang ang pangit lang pag-usapan kasi tapos na naman yung sa amin ni P-Chi. Ang hirap magbigay ng comment kasi baka mabigyan na naman ng ibang kahulugan ng tao."

Ayon kay Erik, isang Filipina na nagtatrabaho sa Alaska ang sinasabing pinagselosan noon ni Rufa Mae. Hindi naman itinanggi ng singer na tuloy pa rin ang komunikasyon nila hanggang ngayon.

"We communicate, we still text each other. Pupunta raw siya sa graduation ko on March next year. She's a Filipina, she's working na. Kilala ko ang family niya.

"MU? I don't know how you call it, but siguro purely friendship lang. To be honest, hindi ko masabi kasi long-distance, so wala, walang ganun. Hindi ko alam kung kanino galing ang issue," saad niya.

Sa isa ring panayam ay naikuwento ni Rufa Mae na isang kababata niya ang nag-alok ng kasal sa kanya. Nang kunin namin ang reaksiyon ni Erik tungkol dito, sinabi niyang susuportahan niya kung anuman ang desisyon ng kanyang ex-girlfriend.

"Sa kahit na anong gawin niya, tumawag lang siya sa akin. Kung kailangan niya ako, I will be there for her. Kumbaga, nasa stage na siya na ganun, e. It's time, ito yung right timing para dun. Personally, yun ang tingin ko," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, si Erik, kailan niya nakikita ang kanyang sarili na lalagay na sa tahimik?

"Ako, hindi ko alam," sagot niya. "Siguro 'pag naramdaman mo na sa puso na itong babaeng ito ang makakasama ko sa habambuhay. So far, I can say na hindi ko pa siya nakikita."

Masaya ring ibinalita ni Erik ang mainit na pagtanggap at suporta ng tao sa bago niyang album, Erik Santos: The Jim Brickman Song Book.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN