Jolina Magdangal on suitor Mark Escueta: "Nakita ko yung sincerity niya, tsaka yung respect niya sa parents ko."

"Kasi sa totoo lang, kapag nag-showbiz ka, ang importante, ang happiness ng audience mo. Ganun ako, e. Pero ngayon, hindi ko sinasabi na porke't uunahin ko ang sarili ko, wala na akong paki sa iba. Yun ang natutunan ko sa relationship," says Jolina Magdangal.


Since kabilang si Jolina Magdangal sa romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung saang mga bagay siya maituturing na "adik."

"Sa Facebook! Sa Farmtown!" bulalas ng multi-media star. "Puro yun ang inaatupag ko kapag nasa bahay lang ako at walang trabaho. Nakakaaliw kasi, e."

Kinahihiligan din ni Jolina ang pagbabasa ng mga libro during her spare time.

"Kapag wala akong ginagawa, nagbabasa ako ng books. Ang mga binabasa ko mga self-help books, mga tungkol sa love. Nakakatuwa lang kasing basahin. Marami ka kasing matututunan," sabi ng 30-year-old star.

May mga natutunan ba siya from the books about relationships? Alam na ba niya ang mga dapat o hindi niya dapat gawin ngayon?

"Hindi ko masasabi na hindi ko na gagawin yung mga ginawa ko before, kasi kinalimutan ko na nga kasi. Tapos na kumbaga. Nag-move on na ako. Yung mga nagawa ko noon, okay na yun, bagong buhay na ngayon. Ang uunahin ko ngayon, mamahalin ko muna ang sarili ko. Yun yung nababasa ko na ina-apply ko ngayon, yun muna."

Ano ang lesson learned ni Jolina from her past relationships?

"Siguro considered lesson learned ko yun... Hindi naman sa noon, e, hindi ko minahal ang sarili ko, hindi naman ganun. Minamahal ko naman yung sarili ko dati, pero wala akong nakikita, basta go lang nang go. Lagi naman akong mas importante yung happiness ng iba kesa sa happiness ko. Bata pa ako, ganun na ako.

"Kasi sa totoo lang, kapag nag-showbiz ka, ang importante, ang happiness ng audience mo. Ganun ako, e. Pero ngayon, hindi ko sinasabi na porke't uunahin ko ang sarili ko, wala na akong paki sa iba. Yun ang natutunan ko sa relationship.

"Pero sa trabaho, ganun pa din ako. Ang importante sa akin yung nanonood sa akin, kasi iba ang personal kesa nasa showbiz ka. Mamahalin ko yung sarili ko, pero hindi naman yung puro ako na lang ang naiisip ko. Balance. Babalansehin ko na ngayon. Dati hindi ako balanced, e," saad ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay madalas na nakikitang ka-date ni Jolina ang drummer ng bandang Rivermaya na si Mark Escueta. May mga nagsasabing bagay ang dalawa dahil pareho silang nasa larangan ng musika.

"Nagkataon lang na music industry, pero hindi naman dahil dun kaya ko siya dineyt, kundi dahil sa ugali niya. Nakita ko yung sincerity niya, tsaka yung respect niya sa parents ko. Importante sa akin yung family, yung respeto sa pamilya ko," paliwanag ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN