Willie Revillame "killed" in hoax report

Willie Revillame jests that viewers in the United States should catch Wowowee in September to see him "for the last time."


Walang katotohanan ang balita na kumalat kaninang umaga, July 24, na namatay ang Wowowee host na si Willie Revillame. Buhay na buhay ang TV host-comedian na napanood sa kanyang noontime show kaninang tanghali.

Nag-umpisa sa U.S. ang balita na sumakabilang-buhay si Willie. Nagsipagtawagan ang mga kababayan natin doon sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak dito sa Pilipinas para kumpirmahin ang balita.

Nakahinga lamang nang maluwag ang mga U.S.-based Filipinos nang sabihin sa kanilang mali ang balita dahil alive na alive si Willie sa kanyang live show.

Nilinaw kaagad ni Willie sa televiewers na walang katotohanan ang tsismis na pumanaw siya. Instead, nag-plug siya ng kanyang mga forthcoming show sa States, at nakuha pa niyang magbiro na manood ang mga Pilipino sa U.S. para makita siya sa "huling pagkakataon."

Ikinuwento rin ni Willie ang pag-aalaala ng kanyang kaibigan at ABS-CBN business unit head na si Edgar "Bobot" Mortiz nang marinig nito ang balita. Again, nagbiro si Willie na walang dapat ikabahala si Bobot dahil marami pa itong "kikitain" sa kanya.

Hindi lamang si Willie ang biktima ng mga mapanirang-balita. Kumalat din ang mga text message tungkol sa kalagayan ni dating Pangulong Cory Aquino, pero napatunayan na wala rin itong katotohanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN