PART I Lorayne Pardo to Richard Gutierrez: "This is not about money. This is about justice for my husband."

Last May 22, 2009, Richard Gutierrez drove his car off the Sta. Rosa-Tagaytay Road in Barangay Puting Kahoy in Silang, Cavite. The actor and his bodyguard George Mastura sustained minor injuries, but his personal assistant Nomar Pardo was killed.


Matapos ang halos dalawang buwang pananahimik, nagsalita na si Lorayne Pardo, ang biyuda ni Nomar Pardo. Si Pardo, ang personal assistant ng aktor na si Richard Gutierrez, ay namatay noong Mayo 22 nang ang kotseng minamaneho ng aktor ay sumalpok sa isang poste at puno ng niyog.

Sa kanyang press conference kaninang alas-diyes ng umaga, kinumpirma ni Lorayne ang pagsasampa niya ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide kay Richard. Isanampa niya ito kahapon, ika-23 ng Hulyo, sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite, kung saan nangyari ang aksidente.

Ang maliit na press conference ay ginanap sa opisina ng Abbas Law Firm sa Eisenhower Street, San Juan City, na siyang opisina ng abugado ng pamilya ni Nomar na si Atty. Ombra T. Jainal.

Unang nagsalita si Atty. Jainal. Aniya: "This is not about anything else. This is not about relationship. This is not about money. This is about criminal culpability. This is about justice. This is about the justice system in the country. Can an ordinary victim get justice or can he not? I'd like to believe that in this country, our justice system is working very well. And everybody will afford it—justice."

Sumunod na nagsalita ang asawa ng nasawi. Kalmado siya, pero may mga pagkakataong hindi naiwasang maging emosyonal.

Ayon kay Lorayne: "Actually, hindi ko talaga gusto mag-file ng case dahil sa magandang ipinakita nila sa amin nung wake ng asawa ko.

"The reason why I filed a case [against] Richard Gutierrez, dahil nitong nakaraan, lagi ko nang napapanaginipan ang asawa ko.

"Past few days, kinuha ko yung wallet niya sa bag...I found in his wallet this one."

Ang tinutukoy niya ay isang resibo for P500 na inisyu ng LTO (Land Transportation Office) noong February 5, 2005 kay Richard bilang kabayaran sa kanyang "penalty for reckless driving."

Sa kanyang pagpapatuloy, "From the LTO, under the name of Richard Gutierrez. Reckless driving. Nung nabubuhay ang asawa ko, lagi niyang sinasabi, masyadong mabilis magpatakbo si Richard. 'Pag nakasakay siya sa kotse, di ko nararamdaman yung kotse nakalapat sa sahig, sa kalsada...'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinayuhan daw ni Lorayne ang asawa na "pagsabihan" ang amo kaso "hindi raw siya mapagsabihan."

"Nawala ang asawa ko nang walang katuturan. Nawalan ng tatay ang mga anak ko nang walang saysay dahil sa kanya," ang malumanay ngunit mariing pahayag ng 29-year-old mother of two.

WHY ONLY NOW? Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Lorayne matapos ang presscon, tinanong namin ang nasa isip ng marami: Bakit ngayon lamang sila nagpasyang magdemanda?

Ayon kay Lorayne, bukod sa pinili ng kanilang pamilya na unahin ang pagdadalamhati at pananahimik, kinailangan daw muna niyang hanapin ang mga sagot sa kanyang tanong.

Simula noong nangyari ang malungkot na insidente, ilang beses na raw siyang nagtangkang kausapin ang 25-year-old lead star ng Zorro.

Ang tanging pakay daw niya ay "malaman kung ano ang nangyari."

Aniya, "Siya yung nagmamaneho. Siya yung nakakaalam. Siya yung nandun. Siya yung gising."

Noong ika-24 ng Mayo, nakita raw ni Lorayne si Richard sa burol ni Nomar. Naglakas-loob daw siyang lapitan ang aktor.

"Lumapit ako, sabi ko, 'Chard, babalik ka ba bukas?' [Sagot ng binata] 'Yeah, I'll be here tomorrow.' [Sabi ko] 'Chard, puwede ba tayong mag-usap? Puwede ba tayong mag-usap nang tayong dalawa lang? Kung makakahanap ba ako ng place dito na puwede tayong mag-usap, okay lang ba sa iyo?'"

Nagpaunlak naman daw si Richard kaya nagpahanap na si Lorayne ng kuwarto. Subalit nang mga oras ding iyon, tumawag ang kapatid ni Nomar, si Isa Kris, na naka-base ngayon sa Canada. Kinausap nito si Richard. Pinayuhan daw ni Isa Kris si Richard tungkol sa "mabilis na pagmamaneho" nito.

Dugtong ni Lorayne, "'Tapos, dumating sina Monching and Lotlot. 'Tita Lorayne, huwag na lang ngayon kayong mag-usap ni Chard kasi maraming tao and everything...Parang magulo pa.'"

Nakalipas ang pagkakataon. Hanggang sa makarating kay Lorayne ang kuwentong nalaman daw ni Annabelle Rama, ang ina at manager ni Richard, ang plano nitong kausapin si Richard. Ayon sa mga taong nakarinig kay Annabelle, humirit daw ito ng, "At ano pa bang gusto niyang malaman?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ni Lorayne: "Ano pa bang dapat kong malaman? Kung kayo ang tatanungin ko, ako ang asawa ng namatay, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila. Usap lang naman talaga ang gusto ko kay Richard. Hindi para tanungin kung bakit, pero ano...ano ang nangyari..." Sa pagkakataong ito, hindi na napigilang umiyak ni Lorayne.

Lumaon ay nakapanood din daw siya ng isang interview ni Richard sa telebisyon. Ang kuwento ni Lorayne, "Di ba nag-thanksgiving siya? Sinabi niya [Richard], 'I'm just waiting for their call para malaman ang puwedeng kong itulong.'

"So I did. Tinawagan ko yung secretary niyang si Ailyn. [Sabi ko], 'Puwede ko bang malaman ang number ni Richard?' Kasi yun yung sinabi niya sa interview.

"[Sabi ni Ailyn] 'Hindi ka puwedeng dumiretso sa kanya, kausapin mo si Annabelle.' Sabi ko, 'Si Richard ang kasama nung asawa ko nung namatay, bakit si Annabelle ang kakausapin ko?'

"'Ganun talaga,' ang text ni Annabelle sa akin, 'Kung ano ang kailangan mo kay Richard, ako ang kausapin mo. Ako rin naman ang magdedesisyon as mother and as a manager.'

"So, hanggang sa oras na ito, never kong nakausap si Richard. Never niya akong kinausap about sa aksidenteng 'to.

"It is only Richard Gutierrez who can tell me what happened. Dahil sabi nga niya mulat na mulat siya nung time na nangyari yun, so alam niya. So he can tell me everything dahil karapatan kong malaman yun, e, bilang asawa ni Nomar, di po ba? Pero wala, e. Never niya 'kong kinausap."

Napansin din ni Lorayne ang tila unti-unting pagkalimot ng pamilya Gutierrez sa malagim na aksidente.

Aniya, "Parang maganda yung 'pinakita nila, they showed comfort for your loss, 'tapos after nung libing bigla ba yung nawala?

"Nung nasa St. Peter [chapels] kami, Mrs. Rama and Mr. Eddie Gutierrez [were] there. Pumunta sila. From that night, that's already May 23 ng madaling araw, so hanggang sa before last day ng asawa ko, nandun sila. Pero nung time ng cremation, wala na. Wala na ni isa sa kanila. Kami na lang [ng] family ko. Ang father ni Nomar nandun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa palagay niya: Bakit kaya biglang nagbago?

"May nagbago kasi may nabalitaan sila na sinasabi nilang may demanda ako, which is wala. Wala naman talaga. That was after the cremation. Sinasabi nila sa 'kin, so ang ginawa nila, may nagbigay ng abuloy sa amin, ng mga tseke, pina-stop payment yun ni Ms. Annabelle Rama dahil nagalit siya sa 'kin. And then nung nagkausap kami, binalik niya 'yon. In cash. Binigay niya sa 'kin."

"HINDI KAMI HUMINGI." Sa loob ng dalawang oras na presscon—kung saan ang mga inimbitahan lang ay ang 24 Oras ng GMA-7, TV Patrol ng ABS-CBN, YES! magazine at PEP—ay ilang beses na klinaro ni Lorayne na hindi siya nanghihingi ng anuman sa pamilya.

Paliwanag niya, "Ganito po kasi yun, e...Nung time na naaksidente ang asawa ko, maganda ang pinakita nila nung wake and everything. I did not ask for anything at all. May interview sila na sinasabi nila, they will support my kids, our kids...sa pag-aaral, gatas, damit, pagkain. Di ba po, may interview si Annabelle na yun ang sinabi niya?

"So bakit pa ako maghihingi? Sila ang nag-o-offer sa amin. Sila ang nagsasabi. So thankful kami dun."

432,000-peso offer. Noong una, ang ipinangako raw ni Annabelle ay ang pagpapaaral sa mga bata. Sa nangyaring pag-uusap nila noong June 3, bibigyan daw ng educational plan ang dalawang anak ni Nomar na sina Don Enrique, 5, at Ezekiel, 3.

Sumunod ay napag-usapan ang pinansiyal na ibibigay daw ni Richard sa pamilya na nagkakahalaga ng P432,000 pesos, na halaga ng buwanang suweldo (12,000 pesos) ni Nomar sa loob ng tatlong taon.

Pagdedetalye ni Lorraine, "Nung nag-usap kami dun, tinanong niya sa 'kin, 'Educational or amount?' Certain amount she will give us. Siyempre ako, bilang nanay, kailangan kong isipin kung ano talaga. So binigay niya sa 'kin, certain amount. I agreed to that certain amount.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After nung pag-uusap namin, sinabi niya sa'kin, kakausapin niya si Richard regarding that matter. Matagal yung sumunod na tinext niya na nagkausap na sila. Pero never akong tumawag sa kanya na nangulit na, 'Ano na pong nangyayari?' Wala. Ako, 'pag tinawagan niya 'ko o tinext niya ko, 'saka lang kami nagkakaroon ng communication. That's it. 'Pag hindi siya tumawag, hindi siya nag-text, hindi rin ako nagte-text sa kanya."

Pagkalipas ng ilang linggo, ayon kay Lorayne, "Wala pong nangyari dun. Ni singko, wala kaming nakuha. Wala lahat."

Dugtong niya, "Pero sabi nga ni attorney, this is not about money. This is about justice for my husband. Dahil kung hindi sa aksidente na sinasabi nila, sana hindi umiiyak yung mga anak ko sa gabi, at laging hinahanap yung papa nila. Every night, they keep asking me, 'Where's Papa?'

"Masakit para sa akin at sa mga anak ko na nawalan sila ng tatay. Madalas, wala sa amin si Nomar. Bihira lang siyang umuwi. Pero ngayon, hindi na siya makakauwi. Wala na, e. Wala na, wala nang tatay na yayakap sa kanila, na yayakapin nila. Nawala yun ng dahil sa pangyayaring ito." Sa puntong ito, humagulgol na nang tuluyan si Lorayne.

Four-million pesos? Pinabulaanan din ng pamilyang Pardo ang balitang nanghingi sila ng apat na milyong piso sa pamilya Gutierrez. Nabalitaan na lang daw niya ito kay Annabelle na rin. Nag-text raw si Annabelle sa kanya ng ganito:

"Kung anong kailangan mo kay Richard ako ang kausapin mo. Ako rin naman ang magdedesisyon as mother and manager. Pero huwag kang mangarap ng 4M dahil wala kang maaasahan. Tulong ang pinag-usapan dito, hindi kami bumibili ng patay. Tigilan mo na ang pananakot mo dahil hindi ako natatakot maski anong laban. Ako handang tumulong sa mga bata para makapag-aral dahil yan ang pangarap ni Nomar."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Click here to read PART II.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN