Wendell Ramos is now being managed by Wyngard Tracy

"Wala naman siyang na-promise but sinabi lang niya na, 'If I see na nagwo-work hard ka and 'yong mga gusto ko ginagawa mo... 'Yon na siguro 'yon," said Wendell Ramos about the agreement he has with new talent manager, Wyngard Tracy.


Malaki ang pasasalamat ni Wendell Ramos sa kanyang namayapang talent manager na si Douglas Quijano.

Isa si Wendell sa mga dating talent ni Douglas na nagdiwang ng ika-40 araw ng yumaong talent manager noong July 23, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City. Ang 40th day after death ang pinaniniwalaan ng mga Katoliko na huling araw sa mundo ng kaluluwa ng namatay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Wendell na utang niya lahat ng bagay na kanyang pag-aari kay Douglas. Aniya, "Lahat, lahat ng kung anong meron ako ngayon. Hindi ba, kung ano ang dina-drive kong sasakyan, lahat ng kung anong meron ako sa buhay ko."

Samantala, sa pagpanaw ni Douglas, hindi naman ikinaila ni Wendell na isa siya sa mga unang nagdesisyong maghanap na ng bagong talent manager. Kinumpirma rin niya ang mga nauna nang napabalita na si Wyngard Tracy na ang bago niyang talent manager.

"Actually, marami naman akong naiisip," ani Wendell. "Pero I think parang... Si Tito Wyngard kasi parang wala yata siyang hina-handle na lalaki. I think si Ms. Maricel [Soriano] lang yata ang [talent] niya. So, parang feeling ko, at least parang bagong manager, at least kahit papaano mas madali akong makikipag-communicate sa kanya dahil dalawa lang kaming talent niya. Siguro kung ano 'yong kailangan ko, baka ma-push niya ako."

(Napabalita kamakailan na nagpalit na ng kanyang showbiz manager si Maricel sa katauhan ng senior vice president ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) na si Malou Choa-Fagar.)

STILL KEEPING IN TOUCH. Sa interview muli ni Wendell, sinabi niya sa PEP na hinintay naman niya ang desisyon ng kanyang "mga kapatid" sa showbiz bago niya hiningan ng tulong ni Wyngard.

"Actually, naghintay ako ng matagal, e," sabi ng Bubble Gang actor. "As much as possible, kung saan si Goma [Richard Gomez], saan sila Kuya Joey [Marquez], doon ako. Kaya lang 'yong iba, marami din na hindi okay doon sa managers na napipili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kinalaunan, ayon kay Wendell, nagdesisyon na siya na lapitan na si Wyngard. "Para hindi na rin mahirapan, sabi ko na lang kay Goma, nagpaalam ako sa kanila na nagpapatulong na ako kay Tito Wyngard, which is good naman," lahad niya.

Bagamat iba na ang nagma-manage ng kanyang showbiz career, binabalitaan pa rin niya ang kanyang mga kasamahan sa pamumuno ni Douglas. Paliwanag ni Wendell, "I mean, sila pa rin ang mga kapatid ko, pinapaalam ko pa rin kung ano 'yong mga projects na binibigay sa akin, at kung kumusta naman ang relasyon namin ni Tito Wyngard."

Tinanggap naman daw nina Richard at ibang pang mga kasamahan ang kanyang naging desisyon.

Kuwento ni Wendell, "Sabi nila, 'Okay lang yun.' Siyempre, bilang 'kapatid,' kahit papaano mayroon na siyang [Richard] hindi gaanong iintindihin muna. Kasi, parang ang nangyari, na-hang kami kasi siya yung parang pinaka-kuya, e. Alangan naman siya mag-manage, di ba, e, di naman niya trabaho 'yon? Parang nabunutan kahit isang tinik."

Sa ilalim ng bagong showbiz manager, unang naging proyekto ni Wendell ang pagganap niya bilang James sa TV series na Adik Sa 'Yo. May mga nakausap na rin daw si Wyngard na mga TV executives para sa kanyang mga susunod pang proyekto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN