Annabelle Rama and Wilma Galvante are not yet ready to settle

Talent manager Annabelle Rama (left) and TV executive Wilma Galvante (right) were ordered by Judge Lea Regala of Branch 226 of the Quezon City Regional Trial Court to go through mediation before proceeding with the injunction case filed by Galvante against Rama.


Nagharap kaninang umaga, July 24, ang GMA-7 executive na si Wilma Galvante at ang talent manager na si Annabelle Rama sa sala ni Judge Lea Regala ng Branch 226 ng Quezon City Regional Trial Court. Ito ay kaugnay ng hearing ng injunction case na isinampa ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 laban kay Rama.

Inutusan ni Judge Regala ang magkabilang panig na sumailalim sa mediation bago dinggin ang aktuwal na trial sa merits ng kaso.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon ang legal counsels ng dalawang partido—si Atty. Alfred Villamor sa panig ni Galvante at si Atty. Agnes Maranan sa panig ni Rama. Aminado ang dalawang abugado na sa puntong ito ay malabong magkasundo ang magkabilang partido.

Ayon kay Atty. Maranan, "At this point, hindi pa masyadong maganda ang relationship nung mga parties, it's acrimonious at this point."

Ganito rin ang pananaw ni Atty. Villamor.

Magkagano'n man, kailangang dumaan sa mediation ang mga kliyente nila.

"But under the judicial procedure, we're supposed to go to mediation," ani Atty. Maranan.

Ang mediation, ayon kay Atty. Villamor, ay isang normal procedure at ini-expect na nila ito.

Ayon naman kay Atty. Maranan, ang mediation ay talang ini-encourage at nire-require pa nga minsan ng Supreme Court "to give the opportunity to resolve differences."

Dagdag ng abugado ni Rama, "So, the judge and the parties, including kaming dalawa ni Atty. Villamor, complied with that requirement ng korte ngayon. Yun lang yun. It was a simple procedure lang."

Sa mediation phase, hindi judge ang mamamagitan kundi isang abugado na ia-appoint ng Supreme Court.

Posibleng hindi rin kailanganin ang presence ng mga abugado ng dalawang partido. Pero sa kasong ito ay nagkasundo rin ang magkabilang panig na dapat ay present ang legal counsels during the mediation.

Ayon kay Atty. Maranan, "Discretion yun ng parties. They may have their lawyers present or they may opt not to. If they think that there is a better chance resolving the differences, we'll have the lawyers present. But I think, in this case, both Atty. Villamor and I will be probably be present in the mediation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din namin sa dalawang abugado ang naging atmosphere sa paghaharap nina Ms. Galvante at Rama sa hearing kaninang umaga.

Sabi ni Atty. Villamor ay hindi nagpansinan ang magkabilang partido, pero wala ring gulong nangyari.

Ayon naman kay Atty. Marananan: "As far as I know, neither one greeted the other. So, dedma pareho. Neither one greeted the other."

Sa August 26 naitakda ang unang mediation nina Galvante at Rama sa Hall of Justice ng Quezon City.

Kung hindi pa rin magkasundo ang dalawang partido ay ibabalik sa korte ang kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN